Kabanata 28

4.2K 96 2
                                    

Baby

Pagdating namin sa mansyon ng mag asawang Talavera ay sinalubong kami ng mag asawang si Mam Belle at Sir Isaac.

Tumulong si Sir Isaac sa pagkuha ng gamit na dalahin namin. Pinigilan siya ni nanay at tatay ngunit tumulong pa din si Sir Isaac.

"Ito lang po matutulong ko kasi hindi ako hinayaan ni Trebb na tumulong sa gastusin niyo sa hospital..." narinig kong ani ni Sir Isaac kay nanay at tatay.  Nang sulyapan ko sila ay nakatingin si Sir Isaac kay Trebb habang nakangiti dito.

Lumabas mula sa kung saan si manang lucila at agad na yumakap kay nanay pagkatapos ay sa akin.

"Dito na kayo mag meryenda! Nagpahanda ako ng pagkain!" wika ni mam Belle habang nakangiti at humawak sa bewang ko. Bigla ay dinapuan ako ng hiya. Mabait si Mam Belle at kahit ganito na niya ako tratuhin simula noong umpisa ay hindi pa din ako masanay sanay. 

"Kamusta ang buhay may asawa?" magiliw na bulong niya sa akin. 

Binalingan ko siya pagkatapos ay nag iwas ako ng tingin ng makita ko ang mukha niya. "Ayos lang po mam Belle..." sagot ko.

"Mam Belle!? Ikaw talaga! Rosalyn,  Belle na lang tutal asawa ka na naman ni Trebb at magkapamilya na tayo at isa pa hindi ka na tauhan sa bahay na ito!" ani niya. 

Dati pa niya kasi ako inuutusan na pangalan na lamang niya ang itawag ko sakanya ngunit sabi ko hindi dapat iyon dahil amo ko siya.

Nakarating kami sa kusina ng nakahawak siya sa bewang ko. Nandoon si Clarisse at nasa aktong mag aalog na ng bote ng gatas ng makita kami. Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay bumaling sa likuran namin, nilingon ko ang tinignan niya, si Sir Isaac at Trebb. 

"Clarisse.." tawag ni Mam Belle ang nagpabaling sa akin kay Clarisse muli. Mukhang nagulat siya ng tawagin siya ni Mam Belle. "Iakyat mo na 'yan do-" hindi pa natatapos ni Mam Belle ang sasabihin niya ng may marinig kaming iyak ng baby.

Mabilis na bumitiw si Mam Belle mula sa pagkakahawak sa bewang ko "Sandali lang Rosalyn.." mahinang aniya at naglakad na palabas ng kusina.

Nagulat ako ng may yumakap sa likuran ko, si Trebb. Nilingon ko ang kinatatayuan nila kanina, wala na din si Sir Isaac marahil ay sumunod kay Mam Belle.

"Paano kaya kapag nagka baby na tayo?" bulong ni Trebb sa gilid ng tenga ko. Bumagsak ang palad niya sa ibabaw ng tiyan ko at hinimas iyon.

"La-labas muna ako Rosalyn.." nilingon ko si Clarisse na namumula at mabilis na lumabas ng kusina. Hinampas ko ang braso ni Trebb na nasa ibabaw ng tiyan ko. Mahinanh tumawa siya, tawang nagbigay na naman ng kilig sa aking kaibuturan. 

"Hindi pa nga ako maka score, baby na agad.." narinig kong bulong niya ngunit nagmaang maangan akong hindi ko iyon narinig. "Huh?" hindi ko alam ang i-re-react ko sa sinabi niya.

Ang relasyon namin dalawa ay nagiging totoo na! Iyon talaga ang nararamdaman ko ngunit natatakot akong kumpirmahin iyon dahil baka nagkakamali lamang ako.

Imbes na makakuha ako ng sagot at kinagat niya ang tenga ko kaya mabilis kong nailayo iyon. "Trebb!" naiinis na suway ko ngunit tumawa lamang siya.

Biglang sumulpot ang mag asawa dala dala ang anak nila. Lalayo sana ako mula sa pagkakayakap ni Trebb ngunit hindi niya ako pinakawalan.

Si Sir Isaac ang may buhat sa baby nila habang si Mam Belle naman ay hawak hawak ang bote ng gatas at nilalaro ang anak nila.

"Hello Ysobelle!" Bati ni Trebb at dinala ang isang kamay sa mukha ng baby na nakasimangot. 

"Bad mood!" wika ni Mam Belle. "Bagong gising kasi.." aniya at pilya akong nginitian. "Sweet naman ng nasa harapan ko..." nang a-alaska na niya. Namula ako sa pag puna niya habang si Trebb ay tumawa lang. 

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon