Sayaw
Naligo na ako ng sumapit na ang alas-tres y media. Four-thirty ang umpisa ng prom sa school ground kaya mayroon pa akong Isang oras at kalahati.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot muna ako ng pambahay. Dahil pupunta pa ko sa mansyon. Si ate gina ang mag me-make up sa akin, isa sa kasambahay ng mansyon.
Si Trebb kaya nasaan? hindi ko pa siya nakikita simula ng umakyat siya patakbo sa mansyon nila kahapon.
Papalabas pa lang sana ako ng bahay namin ng nakasalubong ko si ate gina na papasok sa bahay may dala siyang bag na medyo maliit.
"Dito na lang tayo." aniya at ngumiti. Tumango ako at pinapasok siya.
"Anong kulay ng gown mo?" tanong niya habang pumapasok..
"Kulay puti..Upo ka ate." alok ko sakanya. Umupo siya at nilabas ang laman ng bag na hawak niya.
"Upo ka dito, be." aniya at tinapik ang tabi niya. Nasa middle thirties na si ate gina at medyo payat siya at palangiti. Nakatali ang buhok niya at naka short siyang maong at isang simpleng t-shirt.
Umupo ako sa gilid niya at humarap ako sakanya. Sinimulan niyang lagyan ng kolorete ang mukha ko. Hindi ko alam ang tawag sa ibang nilagay niya ngunit ramdam ko ang tuwa niya kapag nilalagyan niya ako ng make up.
"Bagay sayo ang light lang pero sa mata mo nilagay ko ay kulay krema lang." aniya. Dumilat ako saglit at nakita kong may hawak siyang liquid eyeliner. Muli akong pumikit at naramdaman kong nilagay na niya sa mata ko iyon. "Huwag ka munang dumilat. Baka kumalat." aniya.
"Si nanay po, ate gina?" tanong ko habang nakapikit. "Naglilinis pa." sagot niya. "Sige, dilat ka na." aniya. Dumilat ako at nakita kong may hawak naman siyang brush. Kinapa niya ang cheekbone ko at pinahid ang brush doon.
Nang matapos siya ay nilagyan niya ako ng lipstick na nude lang ang kulay. Nang matapos siya ang ngumiti siya. "Ang ganda mo!" sa papuri niyang iyon ay hindi ko maiwasan na hindi ngumiti.
Sunod niyang pinagtuonan ng pansin ay ang buhok ko. "Be, pusod ko na lang para maiba. Lagi ka na kasing nakalugay." aniya.
"Sige po ate, ikaw bahala." sagot ko sakanya. Inayos niya ang buhok ko at naglagay ng konting hibla sa magkabilang gilid ng pisngi ko. Bahagya niyang kinulot iyon at inayos ang pagkakapusod muli, nilagyan niya ng hair pins at ng matapos siya ay pinaharap niya ako sakanya.
"Asan gown mo be?" tanong niya. Tinuro ko ang box. Lumapit siya doon at kinuha ang gown sa loob. "Ang ganda nito ah! parang mamahalin." puna niya.
"Oo nga po eh." sang ayon ko sakanya.
"Tulungan kitang mag suot." aniya. Dumating si nanay ng tapos ko ng maisuot ang gown.
"be, picture." ani ni ate gina at nilabas ng cellphone niya. Ngumiti ako doon at nag flash ang camera.
Tumingin ako sa orasan. "Nay.. alis na po ako." paalam ko. Tumango si nanay at inabutan ako ng pera.
"Pamasahe mo anak." aniya. "Bilisan mo baka mahuli ka. Si Trebb kanina pa umalis." Kinuha ko iyon at nag paalam na ulit. Sumunod sa akin si nanay at ate gina hanggang sa gate.
Ang sabi ni Trebb sabay kami. Bakit iniwan niya ako ulit?
Pumara si nanay ng tricycle at pinasakay na ako doon. Nang makarating sa eskwelahan ay kinabahan akong bigla. Paano pala kung hindi umattend si Lana dahil akala niya hindi ako sasama?
Pagbaba ko ng tricycle ay nagbayad ako. Madaming nag gagandahan at nag ga gwapuhan na estudyante ang pumapasok na sa gate.
Pumila ako at pumasok na din. Pagpasok ko ay hinanap ng mata ko ang mga kilala ko. Asan kaya si Lana? pati ibang mga kaklase ko?
Sa halip na si Lana ang makita ko ay nakita ko si Trebb na kausap ang babaeng nakita ko ng isang beses na ka-holding hands niya. Sabay silang tumawa pagkatapos magsalita ni Trebb.
Tinignan ko ang babae at hindi ko maiwasan ang hindi maingit sa itsura niya. Nakasuot siya ng itim na gown at ang bawat kolorete sa mukha niya bagay na bagay sakanya na para bang nilikha iyon para sa mukha niya. Ang buhok niyang nakalugay at bahagyang kinulot sa dulo.
Bigla ay nagsisi akong umattend pa ako sa prom na ito. Bakit kasi pinilit ko pa?
"Rosalyn!" napabaling ako sa pinagmulan ng boses na iyon ni Lana. Nakasuot siyang light pink na gown at ang fluffy ng gown niya sa ibaba. Ang ganda halatang pinaghandaan. Halatang ginastusan ng malaki.
"Saan galing gown mo!? Ang ganda! Kala ko hindi ka na a-attend. Wala pa naman akong close dito!" aniya. Tumawa na lamang ako at lihim na tinignan ang pwesto ni Trebb kanina.
Dumagundong sa pinaghalong kilig, sakit at kaba ang puso ko ng makita kong paplapit si Trebb sa pwesto namin ni Lana.
"Prinsipe mo!" bulong ni Lana. Tinignan ko siya ng masama.
"Rosalyn!" tawag ni Trebb. Nilingon ko siya at ngumiti. "Hello." sagot ko na parang hindi kami magkasama tuwing papasok at uuwi.
Nagsalita ang emcee sa stage lahat napabaling doon ngunit hindi ako. Sinuri ko si Trebb. Napaka gwapo niya at para siyang prinsipe sa kaharian.
Iyong kilay niyang makapal. Iyong mata niyang bilugan, iyong ilong niyang matangos at ang labi niyang mapula. Napaka perpekto ng bawat anggulo ng mukha niya.
"Rosalyn! ako magsasayaw sayo mamaya ah! Wala kang isasayaw na iba!" aniya "Balik muna ako sa mga kaklase ko. Magsisimula na ang program." dagdag pa niya at umalis na sa harap ko.
Nawala ako sa katinuan ko dahil sa sinabi niya at nagbalik lang ako ng tumili si Lana sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...