Kabanata 22

4.2K 93 8
                                    

Gatas

Pagdating namin sa condo niya ay nag dire diretso siya sa isang kwarto. Tumayo lang ako sa bungad ng pintuan. Hindi makapaniwala na titira na ako kasama siya. Matutulog na ako sa kama kung saan siya natutulog.

Mabilis na nabuhay at gumapang ang kilig mula sa himay himay ko dahil sa naiisip ko. Hindi ko inisip na matutupad itong naiisip ko lamang noong bata pa lamang ako. Ang taong pinapangarap ko ay napasa akin na!

"Rosalyn.." napa angat ako ng tingin sa pagtawag niya mula sa loob ng kwarto. Naglakad ako papasok doon.

May hawak siyang unan at kumot. Ang mga bag ko ay nakalapag sa paanan ng kama. Nakapag palit na din siya ng pambahay niya at may nakalatag na din sa lapag na foam. "Dito na lang ako sa lapag.. Baka kasi hindi ka comfortable.. Kapag nasa iisang kama lang tayo matutulog." aniya. Ang mga mata niya ay parang may ibang sinasabi.

"Ayusin mo na lang 'yang mga gamit mo bukas. Sigurado akong pagod ka na din.." Hindi ako kumibo sa sinabi niya.

Oo nga naman. Ano bang ini-expect ko!? Na magtatabi kami sa kama? Ano ka ba Rosalyn!? Hindi kayo nagmamahalan! Kailangan ka lang niya upang makaiwas na siya na ireto sa mga babaeng anak ng mga business tycoon na katulad niya at kagaya niya ay kailangan mo din siya! Kailangan mo siya para sa maipagamot ang tatay mo.

Humiga na siya sa foam na nakalatag sa ibabang gilid ng kama ngunit hindi pa siya natulog. May tinitignan pa siya sa phone niya.

Iniisip ko kung okay lang ba talaga siya sa lapag?  Hindi ba't sanay siya sa kama? 

"Ano.." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.  Bigla ay parang tinakasan ako ng lakas ng loob ko.

Ibinaba niya ang phone niya sa tapat ng kanyang dibdib at tinignan ako.  "Bakit?" Marahan na tanong niya. "May kailangan ka ba?" Dagdag na tanong niya.

"Ako na lang diyan sa ibaba.  Mas sanay ako diyan.  Ikaw na lang sa kama.." Wika ko.  O kaya naman bakit hindi niya ako patulugin sa kabilang kwarto? Ano bang mayroon doon? 

"No!  Im fine here.  Lalaki ako kaya ako ang dapat na nasa lapag." Aniya. 

Napanguso ako at wala ng magawa. Kapag nagsalita kasi ay parang walang makakasira noon. 

Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Narinig ko ang mahinang pag pitik ng kung ano bago nawala ang liwanag sa kwarto. 

Pabaling baling ako sa higaan.  Hindi ako mapakali dahil iniisip ko siya sa ibaba. Baka malamok doon? Aircon Rosalyn!?  Malamok!?

Dahan dahan akong umusog sa gilid ng kama at sinilip siya. Naka diretso ang higa niya at ang braso ay nakapatong sa ibabaw ng mga mata niya.  Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti..  Ganito ang pwesto niya noong pumasok ako sa kwarto niya dahil may sakit siya noon. 

Gumalaw siya at na alarma naman ako kaya mabilis akong umaayos ng higa.

Nagising ako sa ingay ng pagbukas sara ng isang aparador. Nang iminulat ko ang mata ko ay maliwanag na. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at nakita ko sa harap ng aparador si Trebb na nakatapis lamang ng tuwalya ang kalahating katawan at basa pa ang buhok. Halatang kakalabas lamang ng banyo..

Bahagya akong gumalaw upang makita ang oras. "Good morning!" Nauna ang pagbati ni Trebb bago makita ang oras.  Ala-syete na ng umaga. Napa upo ako sa kama. 

"Bakit hindi mo ako ginising? Male late na ako!" Wika ko na ikinatawa niya. Nagsuot siya ng underwear sa harap ko ngunit nakatapis pa din ng tuwalya. 

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon