Magic word
Hinila ako ni Lana papunta sa mga kaklase namin habang patuloy na kinikilig dahil sa sinabi ni Trebb sa akin.
Nagsimula ang program at ng matapos iyon ay nagpatugtog ng dalawang sikat na kanta ang DJ. Nagsayawan habang nag sisigawan ang lahat ng estudyante sa gitna. Ang bawat magkakaklase o magkakakilala ay bumubuo ng grupo. Kami ni Lana ay nasa gilid lamang kasama pa ng ibang estudyanteng hindi pa sumasayaw.
Nilabas ni Lana ang kamera niya at nagpapicture sa akin. Niyaya niya din akong sumama sakanya. Ngumiti lamang ako sa kamera.
Mula sa party music ay nag switch ang tugtog. Sa una ay puro beat lang siya kaya hindi ko alam kung anong kanta ba iyon.
Ngunit nabaling ang atensyon ko sa mga lalaking estudyante. Lahat sila ay may hawak na pulang rosas at bawat isa sakanika ay iba't ibang paraan ng pagbigay sa babae.
"Omygod!" maluntong na aniya ni Lana. Napalingon ako sakanya at saktong lumingon din siya sa akin. Napansin niya ata ang nagtatakang mukha ko kaya bigla siyang nagsalita.
"Hindi ka kasi sumasama sa practice eh! Bawat lalaki magbibigay ng rose para sa mga babaeng mahalaga sakanya o mga babaeng mahal nila! Sana sa akin ibigay ng crush ko!" tuloy tuloy na aniya.
You make it look like it’s magic
'Cause I see nobody, nobody but you, you, you
I'm never confused
Hey, hey
I'm so used to being usedMalamig ang boses na iyon ng kumakanta mula sa speakers. Napakasarap sa tenga ng boses niya at nakakakilabot. Lumingon ako sa paligid ko. Umaasa akong makita kong papalapit sa akin ang pamilyar na mukha. Ngunit nagkanda bali bali na ang leeg ko ay hindi ko pa din makita si Trebb.
So I love when you call unexpected
'Cause I hate when the moment's expected
So I'ma care for you, you, you
I'ma care for you, you, you, you, yeahKinulbit ako ni Lana sa balikat ko. Ngumuso ako at tinapik lamang ang kamay niya at nagpatuloy sa pag gala ng mata sa paligid..
"Lana mamaya na! Hinahanap ko si --."
"Ako?" namutla ako ng marinig ko ang boses na iyon ni Trebb. Ang puso ko ay parang kakawala na sa dibdib ko at tatakbo na papalapit kay Trebb.
Mabilis ang ginawa kong paglingon at tumabad sa mata ko ang kanina ko pa hinahanap. Nakangiti siya sa akin habang hawak hawak ang rosas na pula.
'Cause, girl, you're perfect
You're always worth it
And you deserve it
The way you work it
'Cause, girl, you earned it (shit)
Girl, you earned it, yeahInabot niya sa akin ang bulalak at nilahad ang palad niya. Nakangiting tinanggap ko ang rosas at dinala sa ilong ko iyon..
"Sayaw tayo.." nabakas ko ang kaba sa boses niya. Pero baka guni guni ko lamang iyon. Ipinatong ko ang palad ko sa palad niya. Sabay kaming lumakad sa gitna at nakihalo sa mga estudyanteng nagsasayaw sa gitna.
Ipinulupot niya ang kamay ko sa batok niya at hinawakan ang bewang ko. Para akong mauubusan ng hininga sa ginawa niya. Ngiting ngiti ako at kilig na kilig.
"Ang ganda mo.." aniya. Bumigat ang pisngi ko sa papuri niya. Nag iwas ko ng tingin dahil nahihiya ako.
"Rosalyn..." nakagat ko ang labi ko sa paraan ng pag tawag niya sa pangalan ko. Malambing iyon at napaka init ng haplos sa puso ko ng bawat letra.
Sinundot ni Trebb ng tagiliran ko kaya napatili ako.
"Trebb!" hiyaw ko. Napatingin ako sa paligid dahil akala ko pinagtitinginan na ako ngunit parang hindi naman. Busy ang lahat dahil sa kanya kanyang mundo.
You know our love would be tragic (oh, yeah)
So you don't pay it, don't pay it no mind, mind, mind
We live with no lies
Hey, hey
You're my favorite kind of nightYumuko si Trebb at nilagay ang mukha niya sa leeg ko. Napailag ako ng bahagya sa kiliti at narinig ko ang mahinang tawa ni Trebb dahil doon.
"Ang bango mo!" puri niya. Gusto kong magtatatalon sa kilig at gumulong gulong sa semento kaso nakakahiya kung gagawin ko iyon kaya pinigil ko ang sarili ko.
"Rosalyn..Mahal na kita." huminto ang mundo ko sa inamin niya. Para biglang may fireworks na nagputukan sa paligid ko. Ang utak ko ang natagal sa pag proseso ng salitang lumabas sa bibig niya ngunit ang puso ko naman ay alam na alam ang sinabi niya.
Nagsalita ang emcee at hindi ko namalayan na huminto na pala ang tugtog.
"Hello mga lovers! Sorry sa pagputol ng kiligan moments niyo, si Principal ang sisihin!" tawa ang sunod kong narinig. "Kumain na muna daw tayo dahil mahaba haba pa ang gabi!" dugtong ng kasama niya.
Napalingon ako sa paligid ko. Ang ilang estudyante ay naglalakad na papasok ng canteen. Ang iba ay naupo sa mesa na nasa kabilang dulo ng gate.
Naramdaman ko ng palad ni Trebb sa bewang ko. "Kain muna tayo." aniya.Tumango ako at nagpationod sakanya ng maglakad na siya papunta sa mga lamesa.
Umupo kami sa isang dalawahan ngunit tumayo din siya agad. "Diyan ka lang. Ako na lang kukuha ng pagkain natin." aniya.
Tumango ako at mabilis siyang naglakad papunta sa canteen. Tinignan ko ang rosas na hawak ko. At binalikan ang nangyari kanina.
Hindi ako makapaniwala! Dati ay pinapangarap ko lang pero ngayon ay nasa akin na.
---------------
Song used: Earned It by William Singe
-Myka Baladjay
BINABASA MO ANG
Imitation
Fiksi Umum"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...