Kabanata 24

4.3K 103 6
                                    

Tungkulin

Nagmano ako kay nanay pagdating ko sa kwarto nila nanay sa hospital. Si Trebb ay iniwan ko na dahil mag pa-park pa siya ng sasakyan niya.

"Kamusta po si Tatay?" Bungad na tanong ko kay nanay habang pinagmamasdan si tatay na nakahiga sa kama at payapang natutulog. Nabawasan na din ang tubo niya sa katawan. Tama nga si Trebb magiging okay si tatay dito! 

Ngumiti si nanay. Iyong totoo na ngiti. Ekspresyon na ngayon ko na lamang muling nakita sa mukha niya simula ng mapasok si tatay sa hospital..

Napalingon kami sa pintuan ng bumukas iyon. Si Trebb. 

Agad siyang nagmano kay nanay. Bahagya naman na dumilat si Tatay. Hinawakan ko ang kamay niya at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. 

Tumabi si Trebb sa akin at nagmano kay tatay. Napangiti ako sa ginawa niya. 

"Tatay dinalhan ko po kayo ng damit. Binili namin ni Rosalyn kanina.. Siya pong pumili nito." wika ni Trebb at inilabas ang damit na binili namin kanina upang maipakita niya kay tatay. May mainit na kung ano ang humaplos sa puso ko. Para pala kay tatay iyon.. 

"Nagustuhan niyo po?" bahagyang tumango si tatay. Ibinalik ni Trebb sa paper bag ang damit. "Isuot niyo po ito kapag pinalabas na kayo dito! Malapit na po 'yon." wika ni Trebb.

Hindi na nagtataka si tatay kung bakit kasama ko si Trebb marahil ay nasabi na sakanya ni nanay..

"Kumain na tayo.." tawag ni nanay sa amin na kakaupo lang sa harap ng lamesa. Maluwang na ang kwartong nilipatan ni tatay at siya na lamang ang nandito pati si nanay.

Iginaya ako ni Trebb sa lamesa at sabay kaming kumuha ng pagkain at umupo sa sofa.  Dalawa lang kami ang silya na nasa lamesa at isang sofa na sa gilid nito.

Si tatay daw ay tapos ng kumain kanina.  Iyong pagkain ng hospital. Pritong isda ang niluto ko at sinigang. Kaya panigurado mapapasarap ang kain ni nanay dahil isa ito sa paborito niya.

"Rosalyn.." mahinang tawag ni Trebb sa akin habang tinatanggal ko ang tinik ng isda ko. "Hindi ako kumakain ng isda. Ano bang lasa niyan?" napaka kunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Hindi ka kumakain? Masarap 'to!" sabi ko sakanya. 

"Natatakot akong kumain niyan kasi matinik e.." aniya.  Kaya ang ginawa ko ay hinimayan ko siya ng isda at inilagay sa plato niya. Sinandok naman niya iyon gamit ang kutsara at nakatingin sa akin habang isinusubo ang kanin na may isda. Iyong mukha niya ay halata mong ito ang unang pagkakataon na kakain siya ng kanin at ang ulam ay isda. 

Napalingon ako sa gawi ni nanay na at naabutan ko siyang naka ngiting nakatingin sa amin ni Trebb. Bigla ay naging hindi ako komportable...

Sa mata ng mga magulang ko ay ang alam nila ay mahal ako ni Trebb.  Ang alam nila ay nagmamahalan kami.

"Ang sarap ng luto mo.." wika ni Trebb pagkatapos na kumain. Inabot ko ang plato niya para maisabay ko ng maibalik sa lamesa. Kinuhanan ko na din siya ng tubig para hindi na siya tumayo..

"Ganyan ko din pagsilbihan ang tatay mo noon." biglag wika ni nanay. Napatingin naman ako sakanya at napangiti. Bumalik ako kay Trebb at inabot ang baso ng tubig na kinuha ko.

Hinugasan ni nanay ang mga pinagkainan namin dahil may maliit din na lugar dito na parang kusina. Kung iisipin ay parang mini apartment ang kwarto ni tatay ngayon dito sa hospital.

Ipinulupot ni Trebb ang braso niya sa bewang ko at sumandal sa balikat ko ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Ang puso ko ay halos wasakin na ang dibdib ko para lamang makalabas ito. Pero bigla din na kumirot iyon ng isipin ko na baka nagiging ganito lamang si Trebb dahil nasa harap kami ng magulang ko. Baka naisip niyang malaman nila nanay na hindi naman talaga niya ako pinakasalan dahil mahal niya ako. 

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon