Kabanata 18

4K 115 5
                                    

Litrato

Inaayos ko ang schedule ni Trebb para bukas nang lumabas siya mula sa opisina niya. Napahinto ako sa ginagawa ko at napatayo. "Sir..." nagtatanong na tawag ko.

"Sumabay ka na sa akin mamaya ah. " utos niya. Tumango ako bago siya sinagot. "Okay po.." umangat ang sulok ng labi niya.

Muling nabuhay ang kung ano sa dibdib ko. Possible pala 'yung ganito. Yung makaramdam ng pagmamahal sa isang tao. Yung pakiramdam na, nagbago na ang lahat sa paligid mo ngunit hindi naman nagbabago ang nararamdaman mo.

"May tatapusin lang ako tapos sabay na tayong mag lunch.." aniya.  Tatanggi sana ako ngunit hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil pumasok na siya sa opisina niya.

Tumunog ang telepono na nakapatong sa mesa. Sinagot ko iyon, galing ang tawag sa Lindoln Enterprise. Pinapa ready ang mga documents na kailangan at pina reschedule ang meeting ng mas maaga.
Ng ibaba ko ang tawag ay nagtungo ako agad sa opisina ni Trebb.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. "What is it, Rosalyn?" tanong niya ng hindi ako tinitignan.

"Sir, nagpa reschedule po ang Lindoln Enterprise ng mas maaga. At hinanda ko na po ang mga documents na ka kailanganin niyo.." nag angat siya ng tingin sa akin ng may kunot sa noo.

"Anong oras?" tanong niya.

"Twelve-thirty po.." marahan at magalang kong sagot. Nahamigan ko kasi na parang ayaw niya na nagpa reschedule ang Lindoln Enterprise.

"Sabi ko mag la lunch tayo eh.." huminga siya ng malalim. Pwede naman siyang mag lunch kasama yung pupunta from Lindoln ah..

"Sir, pwede naman po kayong mag lunch kasama iyong--.." marahan kong sabi ngunit pinutol niya ang sasabihin ko.

"Gusto ko ikaw ang kasabay ko.." nagulat ako sa diretsong sagot niya. "Mag order ka na lang ngayon. Tapos kumain na tayo dito. Tapos mo na naman iyong pinagawa ko sayo kahapon di'ba?" tumango ako at hindi na nagsalita.

"Dalhin mo sa akin 'yung mga files ako na mag aayos. Tapos omorder ka na.." utos niya. Lumabas agad ako ng opisina niya at kinuha iyong mga files. Inabot ko sakanya iyon.

"Saan po ako o-order? ano pong i-o-order ko?" tanong ko. Dahil hindi ko talaga alam at ito ang unang beses na o-order ako ng pagkain para sakanya, sa amin pala.

May dinukot siya sa bulsa niya at inabot niya sa akin iyong wallet niya. "Sir?" nagtatakang wika ko. 

"Ikaw na kumuha ng calling card diyan. Take with you. May tatlong calling card ng restaurant diyan. Ikaw na bahalang omorder ng pagkain natin." aniya.

Talaga bang pinapahawak niya ang wallet niya sa secretary niya?

Naguguluhan man ay lumabas na ako ng opisina niya na dala ang wallet at bumalik sa mesa ko.

Binuksan ko iyon at lumantad sa akin ang lalagyan niya ng cards na punong puno at sa katapat noon ay ang picture. Picture namin nong prom. Galing siguro ito kay Lana. Nilabas ko ang litrato at tinalikod iyon. May drawing na maliit na puso sa ilalim niyon at may sulat sa itaas na bahagi.

"Finally, I have her."

Hinarap kong muli ang litrato. Nakangiti kami pareho doon at nakatingin sa isa't-isa.

Kasabay ng masayang ala ala na iyon ay ang masakit din na pangyayaring nakita ko noon. Parang tinusok ng kung ano ang puso ko. Nagpakawala ako ng hangin at binalik na ang litrato.

Hinanap ko ang calling card na sinasabi niya. Ng mahanap ko iyon ay pumili ako ng isa at tumawag na.

Ilang saglit akong naghintay bago na deliver ang order ko. Binayaran ko 'iyon gamit ang pera ni Trebb at pinasok na iyon sa opisina niya.

"Sir..." tawag ko kay Trebb. Nag angat siya ng tingin sa akin at napadako ang mata niya sa dala kong plastik. Tumayo siya at agad na pumunta sa isang mesa niya na nasa gitna ng opisina. Ibinaba niya ang mga magazine na naka patong doon.

Nilapag ko doon ang plastik ng makalapit ako sa mesang iyon. Siya ang nag ayos ng pagkain. Binuksan niya ang dalawang styro. Umupo ako sa single sofa habang nakaupo siya sa lovers sofa.

Nilagyan niya ng istro ang softdrinks na kasama sa na order ko at nilapag sa gilid ng styro ng pagkain na nilapag niya sa mesa sa tapat ko.

"Kain ka na.." hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may halong lambing ang boses niya.

Sinagot ko siya ng tango at nagsimula ng kumain. Nauna siyang matapos kumain sa akin at ng matapos na din ako ay nilinis ko na ang pinagkainan namin.

Dumating ang mga tao mula sa Lindoln saktong twelve-thirty ng hapon. Agad ko silang dinalhan ng kape.

Akmang aalis na ako at lalabas ng pinaupo ako ni Trebb sa gilid niya. Apat lang naman ang pumunta mula sa Lindoln kaya sa opisina na lamang ginanap ang meeting nila. Malaki naman ang opisina ni Trebb kaya kasya kahit anim pa.

"Isulat mo ang mga mahahalagang detalye na sasabihin nila." bulong niya sa akin ng makaupo ako. Nilabas ko ang ballpen ko at yung maliit na notebook na lagi kong dala.

Sinulat ko ang mahahalagang detalye gaya ng sabi niya. Ilang oras din na ginanap ang meeting bago natapos. Nakipag kamay si Trebb sa apat bago sila nagpaalam na ng tuluyan.

Hinatid ko ang mga tiga Lindoln sa pintuan at ng makalabas sila ay lumapit akong muli sa mesa ni Trebb at inayos ko ang mga folder na nandoon.

"Magpalit ka na.." aniya. Tinignan ko ang orasan ko sa pala pulsuhan. Alas-tres na pala.

Ala syete pa naman ang party ngunit medyo malayo dito ang pag gaganapan kaya kailangan na maghanda ng mas maaga.

"Sir..." tawag ko sakanya. Tumaas naman ang kilay niya. "Pwede po bang umuwi muna ako at doon na magpalit?" tinatansiya ko ang boses ko dahil sa pabor na hihingiin ko.

Kung dito pala kasi ako magpapalit ay hindi ako makakapag ayos ng maayos, ngunit kung uuwi ako ay mabilis kong magagawa ang ayos na ninanais ko.

Tumingin sa relo niya si Trebb. "Anong oras na e, kung uuwi ka at susunduin kita doon ay mahuhuli tayo sa party..." oo nga.. pero...

"Kung okay lang sayo, gusto mo sa condo ko na lang ikaw magpalit. Malapit lang naman iyon dito.." dahan dahan na tanong din niya. Napaisip naman ako... May dala naman akong lipstick at iba pang gamit na pang lagay sa mukha. Pwede naman doon na lang kaso...

"Ganito niyo po ba talaga kung itrato ang mga sekretarya niyo sa opisina?" kuryosong tanong ko. Nakangusong umiling siya.

"Hindi naman sila ikaw eh.." simpleng sagot niya na para bang nagbangit lamang sa akin ng paborito niyang kulay.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon