Kabanata 10

4K 93 0
                                    

Meron kami

Maaga akong umalis ng bahay at nagsuot ng uniforme. Ginamit ko ang ipon kong para sana sa mga pambayad sa text book at ipinamasahe papunta ng eskwelahan ng sa ganon ay mabilis akong makapunta at makauwi galing ng eskwelahan.

Ito ang naisip kong gawin upang hindi malaman ni Trebb ang ginawa kong pakiki pag usap sa kanyang guro. Kahapon ay sinabi ko din sakanya na pwede na siyang pumasok sa first subject niya. Nagtaka pa siya kung ano daw bang ginawa ko ang sabi ko na lang ay nakasalubong ko lang ang guro niya at pinaasabi sa sakanya na pwede na siyang pumasok doon.

Saktong pagdating ko sa eskwelahan ay kakarating lang din ni Mr. Lagahit. Nagulat siya ng makita ako sa gilid niya.

"Ang aga mo. Dapat mga seven-thirty ka na pumunta." aniya.

Ngumiti ako bago sinabing "Inagahan ko na po. Pagkatapos po kasi ay mag babasa ako sa library." tumango tango naman siya.

Nilapag ko ang bag ko sa tabi ng pintuan at nagsimula ng mag linis. Inayos ko ang pagkakalagay ng mga folders sa bawat lamesa ng mga teachers at inalis ko ang mga kalat. Sunod ay nag walis na ako at inilabas ang basura. Pagbalik ko ay inabutan ako ni Mr. Lagahit ng pandesal.

"Alam kong hindi ka pa nag aalmusal. Ang aga mo eh." aniya. "Kunin mo na. Masamang tumatangi, nakakabulag." dugtong pa niya. Kaya nakangiti kong tinanggap ang pandesal at kinain iyon.

"Kung tapos ka na pumunta ka na sa library." aniya tumango ako. "At tatlong linggo ka pa sa gagawin mong paglilinis." aniya.

Nakagat ko ang labi ko. Matagal tagal pala..

Paglabas ko ng kwartong iyon ay humahangos akong makauwi. Nag usap din kami ni Trebb na sasabay na lang ako sakanya dahil ayaw naman niyang pumasok kung hindi ako isasabay.

Sumakay ako at tumakbo papasok sa mansyon. Sa pintuan ng mansyon ay si Trebb na naka uniforme at nakasukbit sa balikat ang bag niya. Napahinga ako ng maluwang.

Papalabas pa lang siya. Iyong puso ko ay hindi na magkamayaw sa pag tibok. Diyos ko! Kailan kaya titigil sa pangtataksil niya ang puso ko?

Nang makakalapit si Trebb ay sinabayan ko na din siya sa paglalakad. Nang makalabas kami ng mansyon ay kinuha niya ang bag ko.

"Ang aga mo. Akala ko nagbibihis ka pa lang. Hihintayin sana kita sa gate. Tsaka bakit pawis na pawis ka?" bungad na tanong niya sa akin.

Mabilis kong pinahid ang butil ng pawis ko sa gilid ng mukha at umiling. "Pawis ka diyan! Nakalimutan ko lang magpunas ng maigi ng tuwalya." wika ko. Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko. Para akong kinuryente sa ginawa niya. 

Nang makarating kami sa eskwela ay iniwan niya ako sa hagdan na pinagtatambayan namin. "Hintayin mo na lang ako dito." aniya. "Teka..." paalam niya at tumakbo palapit sa retail store.

Pagbalik niya ay may dala na siyang burger at botelya ng tubig at ilang mga biscuit. "Kumain ka na lang." bilin niya at inabot sa akin ang mga binili niya. Binuksan na din niya ang bote ng tubig. Inayos niya ang pagkakasuot ng bag niya at may dinukot sa bulsa niya, nang makuha niya iyon ay agad niyang inabot sa akin. Cellphone.

"Maglaro ka na lang sa phone ko o kaya mag open ka sa social media. Ikaw ng bahala. Ang password niyan paganito. Yumuko siya ng bahagya sa akin at itinuro ang password niya. Naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. Ang sarap sa ilong!

"Na kuha mo?" tanong niya tumango naman ako. "Sige. Pasok na ako ah.." paalam niya. Tumango naman ako.

Kung ganito makukuha kong kapalit kada maglilinis ako ng kwarto gagawin ko talaga araw araw.

Naglaro ako ng kung ano ano sa phone ni Trebb at hindi ko namalayan na nag isang oras na pala. Oras na para sa susunod na klase.

Ibinulsa ko muna ang phone ni Trebb at dinampot ang mga kalat ko. "Kamusta?" napa angat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Trebb. "Tapon ko muna.." paalam ko at ipinakita ng bahagya ang kalat na hawak ko. Kinuha niya sa palad ko iyon. "Ako na." aniya at lumapit sa basurahan. Pagbalik niya ay kinuha niya ang bag ko. Dinukot ko naman ang phone niya sa bulsa ko at inabot sakanya.

"Sayo muna. Hindi ko naman magagamit sa klase yan eh. Naka silent naman 'yan.. Mamaya mo nabigay pag pauwi na tayo." aniya. Ipinagkatiwala niya sa akin ang phone niya! Wala ba siyang ka text na babae?

"Baka may mag text o tumawag.." alanganin na wika ko.  "mommy mo?" dugtong na tanong ko. Ngumiti lang siya. "Huwag mong sagutin. Nasa klase naman eh. Sasabihin ko kung sakali na bawal kasi nasa klase." simpleng sagot niya.

"Pasok ka na.." aniya pagkarating namin sa room ko. Tinigan ko siya bago pumasok na.

Lumipas ang ilang linggo at natapos ako sa ginagawa kong paglilinis tuwing umaga. Naubos ang ipon ko pero ayos lang. Para kay Trebb naman. Tapos na din ang buwan ng enero at nasa kalagitnaan na ng pebrero ngayon. Lahat ay busy sa kaniya kaniyang gawain para sa prom night at sa nalalapit na graduation sa marso.

At ang feelings ko para kay Trebb ay lalong lumalala. Tipong konting gawin niya lang, tingin o hawak ay napakalaki ng epekto sa akin. Kung noon ay napakalaki na ng epekto ng ganoon bagay sakin ngayon ay somobra ang epekto sa akin. Ang nararamdaman ko sakanya ay nag ta times two.

"Hindi ka talaga sasama?" malungkot na tanong ni Lana. Umiling ako at malungkot na ngumiti. Gustuhin ko man ay hindi pwede. Gastos lamang ang prom. Mangangarap na lang ako na kasayaw ko si Trebb.

"Bakit?" pang ilang ulit na tanong na niya iyan. At iisa lang ang sagot ko. "Masyadong magastos."

"May extra pa naman akong gown." aniya. Umiling ako. Nakakahiya...

"Ayoko din sumama. Wala akong hilig sa ganyan..." pinal kong sagot. Ngumuso siya at pinag krus ang dalawang braso sa dibdib niya. Ngumiti na lamang ako.

"Pag isipan mo pa din! Sabihin mo sakin kapag nagbago na ang desisyon mo. Sa friday pa naman ang prom eh." pilit niya pa din.

Tumango na lamang ako kahit nasa isip ko ay wala ng makakabali ng desisyon ko. Nang hapon na iyon ay sinundo ako ni Trebb sa harap ng room ko.

"Aga mo..." puna ko.

"Walang teacher sa last subject eh..." aniya.

"May next subject pa ako." wika ko. Tumango lang siya.

"Hintayin na lang kita... Pahiram akong phone ko. Maglalaro na lang ako." aniya at inilahad ang palad niya. Dinukot ko ang phone niya sa bulsa ko ang phone niya at inabot sakanya.

Hinatid niya ako sa susunod ng subject at umupo lang siya sa labas ng room ko.

"Kayo na ba?" tanong ni Lana. Dinungaw ko si Trebb bago ngumiti at umiling.

"Hindi ko alam. Pero masaya ako sa kung anong meron kami." sagot ko sakanya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang estado sa buhay ni Trebb pero masaya ako sa kung anong meron kami. Masayang masaya. Hindi ko na din nakikita ang kuya ni Lana kung saan ako pinakilala ni Trebb. At iyong babae ay minsan nakikita ko sa campus, kung minsan ay nakakasalubong ko pa.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon