Maraming salamat po sa pagbabasa! Wakas na po ang kasunod!
-----
Tadhana
Napakaganda ni Rose at halos lahat ng lalaki sa loob ng restaurant na iyon ay napapa tingin sakanya.
Napatingin siya sa likuran niya at may sinabi doon bago nagpatuloy sa pagpasok, kasunod ang kinausap niya.
Ang tindig niya ay napakatikas at napaka pamilyar. Ang buhok niya, ang mata niyang iyon na kung tumingin ay tumatagos sa pagkatao ng tinitignan niya, ang labi niyang mapupula na kapag ngumiti ay mapapangiti ka din at dadalhin ka sa ibang lugar.
Kapag pinagsama sila ni Rose ay napaka perpekto nila. Para silang modelo.. Parang noong ginawa sila ng panginoon ay naka focus sakanila ito at talagang pinag planuhan ng maigi.
Ang panlabas na anyo ni Trebb na siyang pumukaw sa atensyon ko noong unang beses ko palang siyang makita. Ang mga tingin at ngiti niya na siyang minahal ko sakanya.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maka upo sila. Si Rose ay nakaharap sa akin at si Trebb ay nakaupo sa harap ni Rose, kaya nakatalikod ito sa kung saan ako naka upo.
May sinabi si Trebb na ikinatawa ni Rose. Kahit na hindi ko sila kasama sa lamesa ay pakiramdam ko ay isa akong extra sa buhay nila, sa love story nila..
"Rosalyn.. are you okay?"
Napatingin ako kay Mam Belle na patingin tingin sa akin. Nahahati ang atensyon niya sa akin, kay Ysobelle at sa waiter na naglalapag ng pagkain na inorder ni Mam Belle.
"Sino ba 'yung tinitignan mo?" tanong ni Mam Belle. Tinignan ko siya at umiling ng umiling.
Bumaling akong muli ng tingin sa pwesto nila Rose at Trebb. Sa ganitong sitwasyon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong reyna sa isang kastilyo ngunit walang kapangyarihan na mag utos. Para akong pulis na may baril ngunit walang karapatan na bumaril. Asawa ako ngunit wala akong karapatan na isigaw iyon..
Dahil hindi ko hawak ang puso ng asawa ko. I am powerless when it comes to this kind of battle. This is a losing battle...
I am a queen with a golden crown who doesn't have a power. A Queen who don't want to lose her King because she loves him with her whole kingdom but her King is inlove with someone, a Queen who doesn't have a crown but full of power. I envy her...
I have a cards but I don't have the rights to play. If I still insist to play it'll be just a waste of time because before the game begin, before it all starts, I lose.
I hold the title of Wife but I don't have the rights to hold my Husband. Because I don't own his heart. His heart is beating for someone he truly love..
Maganang kumain si Mam Belle at binibigyan ng fries ang anak niya. Habang ako ay hindi ko alam kung paano ko lulunukin ang pagkain na kinakain ko. Tila may nagbabara sa lalamunan ko na humaharang sa daluyan ng kinakain ko.
"Rosalyn.. Love means hurting. Pero hindi ibig sabihin noon ay wala kang karapatan na lumaban. Sa sitwasyon mo mas dapat kang lumaban. Asawa mo 'yan.. Pag aari mo. Bakit hindi ka tumayo at isigaw ang title na hawak mo." napatingin ako sakanya diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Nakalimutan kong psychiatrist pala ang kasama ko. "Ang asawa ay dapat hindi umiiyak ng ganyan kapag nakita niya ang asawa niyang may kasamang iba. Lumaban ka! Ipagsigawan mo ang pag aari mo!" dagdag pa niya.
"Ka- Ka meeting lang niya iyan.." nahihirapan na antas ko at pilit akong ngumiti. Ang salitang binitawan ko ay hindi ko alam kung para ba kumbinsihin siya o kumbinsihin ang aking sarili. Ayokong nagmumukha akong mahina sa harap ng ibang tao. Sino ba ang gusto ng ganoon?
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...