Kabanata 29

4.2K 100 2
                                    

Kikitain

Walang nagsasalita sa amin habang lulan kami ng elevator. Alam kong alam niyang nabasa ko ang mensahe na iyon ngunit ayaw niyang buksan ang usapin na iyon. Ayokong ako ang maunang magbukas ng usapin na iyon dahil tingin ko ay magiging katawa tawa lamang ako sa paningin niya. 

Tumunog ang elevator at bumukas iyon, nauna akong lumabas at sumunod naman siya. Hanggang sa makapasok kami sa condo at mahiga sa kama ay walang nagsasalita sa amin.

Hindi siya yumakap sa akin na gaya ng ginagawa niya tuwing matutulog. Hindi sa nag e-expect ako pero nakasanayan ko na din kasi iyon.. 

Tumagilid ako ng higa, patalikod sakanya. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Rosalyn.." marahan na banggit niya sa pangalan ko. Ang pagkakabangit niya ay gaya pa din ordinaryong pagtawag niya sa pangalan ko, ngunit ngayon ay iba ang hatid sa akin noon. Kung noon ay kinikilig ako ngayon ay kumikirot ang puso ko. 

Ipinikit ko ang mata ko at nagkunwaring tulog na ako. Simpleng text lamang iyon pero bakit nagkaka ganito ako? Paano kung lalaki pala 'yon? Pero kung ganoon bakit ayaw sabihin sa akin ni Trebb?

Pagkagising ko ay nakayakap sa likuran ko si Trebb. Ang mensahe na iyon ay nagpahirap sa pagtulog ko ngunit sa huli ay napag desisyunan kong baka masyado lamang akong nag iisip..

Inalis ko ang braso niya at bumangon na, saglit ko siyang pinanood sa pagtulog.  Ang noo niya ay naka kunot. Bahagya siyang gumalaw at kumapa sa kama kaya mabilis akonh tumalikod at nag desisyon na maligo na at makapagluto ng makakain pagkatapos. 

Paglabas ko ng banyo ay bumungad sa akin ang cellphone niyang tumutunog na nakalapag sa lamesa sa gilid ng kama.  Lumipat ang tingin ko kay Trebb, tulog na tulog pa din ito na tila ba napuyat sa kung ano, ang noo ay naka kunot pa din.

Lumapit ako sa lamesa sa gilid ng kama na iyon at agad kong kinuha ang phone niya, ang akala ko'y alarm ay tawag pala. Ganito kaaga?

Unregistered ang nakasulat sa caller I.D

Nag alinlangan pa akong kung sasagutin ko iyon o hindi sa pero huli ay sinagot ko na lang din.

Dahan dahan kong inilagay iyon sa tapat ng tenga ko. Kabadong kabado ako sa oras na iyon. Hindi ako nagsalita at hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya. Kinakabahan ako dahil baka tama ang hinala ko.

"Finally! Trebs, kahapon mo pa hindi sinasagot ah! Kaasar ka na! Kapag ako nainis ng sobra hindi ko ga--" naputol ang sasabihin niya ng may umagaw ng phone. Si Trebb. 

Walang emosyon na tinignan niya ako pagkatapos ay dinungaw ang phone niya bago itinapat sa tenga niya at lumabas ng kwarto. Habang ako ay naiwan na tulala at gulat dahil sa mabilis na pag agaw niya ng phone.

Napalunok ako at napahawak sa puso kong patuloy sa pag kirot. Maganda ang boses na iyon kaya nasisigurado kong maganda din ang may ari noon. Ang mga iniisip ko ay hindi lamang hinala.. 

Nagbihis na ako ng damit na pambahay pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Hinanap ng paningin ko si Trebb. Nasa harap siya ng salamin na bintana sa sala, ang phone niya ay nasa tenga pa din.

Saglit pa akong tumayo doon bago ako dumiretso sa kusina. Habang naghihiwa ng rekado ay hindi ko maiwasan na hindi umiyak. Hanggang ngayon ay wala pa din nangyayari.. Wala pa ding nararamdaman si Trebb para sa akin. Siguro lahat ng naiisip at nararamdaman ko ay kathang isip ko lamang, baka nalalagyan ko lang iyon ng ibig sabihin dahil sa may nararamdaman ako sakanya..

"Rosalyn.." nagmadali ako sa pag punas ng luha ko bago humarap sakanya. Nag iba ang ekspresyon niya ng makita ang mukha ko. Tila nalungkot siya at nasaktan.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon