First Subject
"Umuwi na nanay mo kanina.. nagkasalisi kayo.." aniya habang naglakakad kami papunta sa bahay namin. Hawak niya ang kamay ko at sobrang kilig ang nararamdaman ko doon. Parang may thunder bolt ni Pikachu ang kumakalat sa himay himay ng mga ugat ko galing sa kanya.
"Kala ko pa naman nandoon siya. Isasabay ko sanang umuwi."
Sa puno sa gilid ng bahay namin na iyon kami huminto. Madilim sa parteng iyon at hindi gaanong kita mula sa mansyon pati sa bahay namin.
"Baka makita tayo ng nanay mo." aniya at sinundan ng ngiti. Gamit ang isang kamay ay inayos niya ang buhok ko pagkatapos ay hinawakan niya ang pisngi ko. Kuminang ang mga mata niya habang nakatoon sa akin na akala ko noon, na ni-minsan ay hindi na niya ako titignan ng ganoon. Dahil ang pangarap ko ay napakataas. Napaka taas ni Trebb.
Hinalikan niya ang noo ko bago ang pisngi ko pagkatapos ay hinimas niya ng bahagya ang pisnging hinalikan niya. Para akong bomba na konting minuto na lang sasabog na. Mga mga alaga ko sa sikmura ay nagkaka gulo na. Kalma, Rosalyn! paulit ulit kong wika sa sarili ko ngunit kasunod noon ay ang tanong na, 'paano?'
"Pasok ka na.." mahinang aniya. Nag iingat na baka marinig ni nanay.
"Umuwi ka muna.." gusto ko siyang panoodin na uwi para mapaniwala ko ng husto ang sarili ko na hindi siya parte ng imahinasyon ko.
"Hindi na. Pumasok ka na. Papanoodin kitang umuwi." aniya. Hindi ko ma kontamina ang kilig ko sa katawan. Sobra sobra na sila ngayong araw.
Tumango ako. "Goodnight." paalam ko at tumalikod na. "Bukas hihintayin kita ulit sa gate." aniya. Ngiting ngiti ako sa mga sandaling iyon. Doon ko nilabas sa ngiti ko ang kilig na nararamdaman ko.
Pumasok ako sa bahay at naabutan ko si nanay at tatay sa hapag. Dito kumakain si nanay kahit na pinapakain naman siya sa mansyon. Gusto daw kasi niyang kasabay kumain si tatay.
May plastik sa lamesa na sa palagay ko ay ulam. "Kumain ka na Rosalyn! Isalin mo ang ulam na binili ng tatay mo." aniya. Sumunod ako agad sa utos niya.
"Tay, wala kang pasok?"
"Wala. Day off ko." sagot ni tatay at nagsalin ng tubig mula sa pitsel papunta sa baso.
Nilapag ni nanay ang kaldero ng kanin sa mesa at sunod ay ang mga plato at kubyertos. Umupo ako sa silya at sumunod si nanay. Nilagyan ni nanay ang plato ni tatay ng kanin at ulam. Pinapanood ko lamang sila. Napaka simple nila ngunit alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa.
Isa ito sa pangarap ko. Ang magkaroon ng simpleng pamilya.
--------
Paglabas ko mg gate ay nandoon na si Trebb at nakasandal. Hindi na naman siya umattend ng unang klase niya.
"Bukas agahan natin para makapasok ka sa first subject mo." wika ko sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya pa akong nagulat dahil doon. Ang puso kong taksil ay tumibok na naman para sakanya.
"Rosalyn.. kahit huwag na." aniya. Tinignan ko siya ng nagtataka.
"Anong huwag na? Kailangan mong pumasok don baka bumagsak ka." wika ko sakanya.
"Kasi.. Hindi na ako pina attend ng teacher ko don. Nagka problema kasi, may nagawa ako." aniya.
"Anong problema?" tanong ko agad.
Umiling siya at sinabing wala. "Magpa project na lang ako don." matigas niyang sabi na parang ayaw na niyang pag usapan pa ang tanong kong iyon.
Pagdating namin sa eskwelahan ay saktong nag bell na. Hinatid niya ako sa room ko at sinabing hihintayin niya ako sa gate mamaya.
Naging normal ang bawat klase ko sa araw na iyon at ng sumapit ang vacant time ay nagpaalam ako kay Lana na hindi muna ako makakasabay sakanya dahil may pupuntahan ako. Tumango lang siya at sinabing okay lang.
Pinuntahan ko ang room department ng guro ni Trebb tuwing umaga.
"Ano iyon Iha? kanino kang guro?" tanong agad niya sa akin. "Kay Mr. Lagahit po. Pero kayo po sana kakausapin ko." medyo kinakabahan na wika ko. Tuluyan siyang humarap sa akin kaya lalo akong kinabahan. "Tungkol saan?" aniya.
"Kay Trebb Talavera po sana.. tatanong ko lang po kung bakit hindi na siya pwedeng pumasok sa klase niyo." dahan dahan ang pagkakasabi ko. Kabado ako dahil baka bigla siyang magalit. Masungit pa nama ang guro na ito.
"Ah. Si Talavera... parati kasi siyang late. Pero sabi ko pwede pa siyang pumasok kung maglilinis siya tuwing umaga dito sa department room namin." aniya.
Ako pala ang dahilan. Parati siyang late dahil sa akin. "Sir, pwede po bang ako na lang mag linis para kay Trebb?" tinignan niya ako ng mabuti bago tumango.
"Sige. Sabihin mo sakanya pumasok na bukas. At ikaw mag linis ka na din." wika niya na halos ikatalon ko sa tuwa.
"Salamat po. Pero Sir, huwag niyo na lang pong sabihin kay Trebb na ako na lang ang maglilinis." hiling ko dito.
"Okay.. Sige na at baka may klase ka pa." aniya nang hindi ako tinitignan at binalik na ang pansin sa ginagawa niya sa lamesa.
Bumili na lamang ako ng biscuit pagkababa ko sa retail store at umupo sa gilid ng hagdan. Nilabas ko din ang botelyang lalagyan ko ng tubig. Nagbabaon lamang ako ng tubig palagi para tipid sa baon.
Nang maubos ko ang biscuit ko ay ininom ko agad ang tubig ko. Nakita ko si Lana na paparating. Tinapos ko ang pag inom at hinarap ang kaibigan ko.
"Anong kinain mo?" bungad niyang tanong.
"Biscuit." simpleng sagot ko. Dinungaw niya ang kulay silver niyang relo.
"May fifteen minutes pa! Tara lilibre kita sa cafeteria." nagmamadaling sabi niya. Umiling ako agad. Nahihiya na kasi ako. Palagi niya akong nililibre.
"Madami akong kinain ng almusal. Busog pa talaga ako." matagal niya akong tinignan na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko, pero kalaunan ay tumango na din.
Umakyat kami sa susunod na klase at ng mag bell na ay pumasok na kami sa kwarto. Habang nasa klase ay nakatingin lamang ako sa bintana, patungong hallway. Iniisip ko kung paano ko nga ba maiaayos ang oras ko para bukas.
Biglang may dumaan na babae sa hallway. Morena at octupus cut ang buhok. Siya iyon! Iyong babae na naka holding hands ni Trebb..
Maganda siya. Puna ko sakanya sa likod ng utak ko. kahit na side view pa lang ang nakikita ko. Bakit kaya ako ang nagustuhan ni Trebb?
Gusto ba niya ako o nag a-assume lang ako?
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...