Kabanata 4

4.5K 115 0
                                    

Masyado pang bata...

Naiilang ako habang nasa gilid ko si Trebb. Tahimik siyang naglalakad habang nasa bulsa ng pantalon ang dalawang kamay.

Sa paraan niyang maglakad ay para siyang modelo. Nakakunot ang noo niya at tila walang pakialam sa paligid. Halos lahat ng mga babaeng nasa edad namin ay napapalingon sakanya at sa akin. Iniisip siguro nila na katulong ako ni Trebb! Napanguso ako sa naisip. Hindi ko naman kasi alam na sasama pala siya edi sana nag damit ako ng maganda.

Inakbayan niya ako kaya napatingin ako sa braso niyang naka akbay sa akin at sunod sa mukha niyang malapit na lamang sa akin. Napasinghot ako ng maamoy ko ng pabango niyang lalaking lalaki ang amoy.

Narinig ko siyang tumawa kaya napadilat ako. Hindi ko napansin na napapikit pala ako. Nakakahiya!

"Gusto mong kumain?" tanong niya. Umiwas agad ako ng tingin sakanya. Konti na lang! Konti na lang iiwanan na ako ng panty ko!

"H-hindi Trebb. Kailangan ko pa kasing bilhin ang inutos ni nanay, kung nagugutom ka kumain ka na lang muna tapos ay bibilhin ko muna lahat ng nasa listahan." wika ko. Ang mamahal kasi ng pagkain dito at isa pa hindi ako bagay sa mga mamahaling restaurant. Ipapahiya ko lang ang sarili ko.

Kinagat niya ang labi niya kaya napahinga ako ng malalim. "Tara na nga. Bilhin muna natin yung pinapabili ko." aniya at hinatak na ako patungo sa mga bilihan.

Nang mabili namin lahat ay hinatak na niya ako papasok sa fast food chain. Mabuti naman at dito na lang niya ako papakainin. Tama lang ang presyo ng pagkain dito at lahat ay nasa average na tao.

Tinanong niya ang gusto kong kainin at sinabi ko sakanya ang gusto ko. Tumayo siya at pumila na para makabili. Nakatalikod siya sa akin pero napakalakas ng dating niya. Hindi ako magsisisi na pumayag ako sa pagpapanggap bilang girlfriend niya.

Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang inggit sa mata ng mga kasing edad namin. Biglang dumating si Trebb kaya napabaling ang atensyon ko sakanya. Umupo siya sa katapat ko at inayos ang pagkain. Kinakabahan ako! Ito ang unang beses na magsasabay kaming kumain at kaming dalawa lang sa lamesa.

Inenjoy ang pangyayaring ito sa buhay ko. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makasama ang taong gusto nila sa hapag.

Natawa ako ng bahagya ng may naiwan na bakas ng sauce ng spaghetti sa gilid ng labi ni Trebb. Pinunasan ko iyon gamit ang daliri ko. Napatingin siya sa akin. Ang tingin niyang iyon ay tila dinala na naman ako sa lugar kung saan kami lamang ang tao. Sa lugar kung saan humihinto ang lahat at tanging kami lang ang mahalaga.

Nang matauhan ako ay mabilis kong inagaw ang kamay ko at pinagpatuloy ang pagkain ko. Ng sulyapan ko siya ay kumakain na ulit siya. Pagkatapos kumain ay lumabas na kami ngunit hindi kami maka alis dahil umuulan. Tumayo lang kami sa silong, sa gilid ng kainan na iyon para hindi kami mabasa.

"Hintayin na lang natin na tumila." wika ko at sinulyapan siya. Sinilip niya ang kalangitan, kaya tinignan ko lang din iyon. Madilim iyon at tila hindi titigil sa pagbuhos ang ulan. Tumingin siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin, hindi ko kayang kalabanin ang tingin niya pakiramdam ko hihimatayin ako kapag ginawa ko iyon.

Kinuha niya ang pinamili namin at binuhol ang plastik ng maiigi. "Tara na!" aya niya at kinuha ang palad ko bago ako hinila. Napatakbo ako kasabay niya dahil sa ginawa niya. Tinakbo namin ang maulan na daanan patungo sa sakayan.

Umihip ang hangin at tumama iyon sa aking katawan. Napahawak ako sa magkabilang braso ko at nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa lamig.

Naramdaman ko ang braso ni Trebb sa balikat ko kaya napatingin ako doon at sa mukha niya pagkatapos. Hindi ako makapaniwala na ganito siya kalapit sa akin.

Nakakita kami ng Jeep kaya sumakay na kami doon. Pina una niya akong umakyat at sumunod siya sa akin.

Dinukot ko ang tirang barya sa perang binigay ni nanay kanina para pambili ng mga inutos niya. Ngunit pag dukot ko ay siyang sigaw naman ni Trebb. "Bayad po." aniya.

Ibinalik ko ang perang nadukot ko at tumingin na lamang sa labas ng jeep.

Naramdaman ko ang braso ni Trebb sa braso ko na medyo dumikit dahil sa siksikan. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Lihim ko ipinatong ang palad ko sa dibdib ko at pinakiramdaman maiigi ang tibok niyon. Ngumisi ako ng patago.

Siguro nga masyado pa akong bata para seryosohin ang nararamdaman ko. Masyado pa akong bata at madami pang pag dadaanan. Oo, masyado pa akong bata pero sa ngayon ang tanging gusto ko na lamang ay ang i-enjoy ang lahat at hayaan ang lahat ng mangyayari.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon