Amoy
Pagkauwi namin sa bahay ay agad na dumiretso si Trebb sa kwarto ngunit ako ay naupo muna sa sala upang mapahinga ang mga binti ko.
Inagahan na namin ang punta kanina sa hospital dahil nga sa may dadaluhan nga kaming event. Si Tatay ay malapit ng lumabas wika ng doctor na naka assign sakanya. Laki ang pasasalamat ko kay Trebb at natulungan niya kami, si tatay...
Nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng maiinom ng pumasok sa isip ko si Rose...
Kung noon ay maganda siya ay ngayon lalong siyang gumanda. Ang cheekbones niya ay mas umangat at pumula, ang kilay niya ay perpekto ang pagkaka lagay ng kolorete, ang buhok niya ay naka layer at kulot kulot na may kulay na brown dahilan upang mangibabaw lalo ang kulay ng balat niya. Mas tumangkad din ito at parang siyang modelo sa tindig niya. Anong panama ko sakanya?
Nakita na kaya siya ni Trebb? Siya pa rin kaya ang mahal ni Trebb?
napapikit ako ng mariin sa aking naisip. Rosalyn, hindi dapat ganyan...
Alam mong sa umpisa pa lang ay hindi na iyo si Trebb! Napanguso ako at inisip kung paano nga ba nagsimula ang mga ito noong bata pa lamang kami, ngunit kahit anong isip ko ay hindi ko na maalala. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang mahal ko si Trebb.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay pumasok na ako sa kwarto. Naabutan ko si Trebb na nakadapa sa kama at may ginagawa sa laptop niya. Nakapag palit na siya ng pambahay niyang damit. "Anong ginagawa mo?" hindi ko mapigilan na tanong.
Matamis na ngumiti siya sa akin, ang ngiting nagpapalutang sa puso ko. "Wala... kung ano ano lang." aniya.
Napakunot ako ng noo at bahagyang dinungaw ang ginagawa niya ng bigla niyang isinara ang laptop niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay, nagtakang lalo dahil sa ikinilos niya. Alanganin na ngumiti siya. "Tapos na ako!" aniya. Tumango naman ako at hinayaan na lamang siya.
"Magpalit ka na ng damit para komportable ka na.. Napagod ka ba sa suot mong heels kanina?" sunod sunod na aniya habang itinatabi ang laptop.
"Hindi naman gaano. Sige, magpapalit muna ako." wika ko at tinalikuran na siya.
Nag martsa ako papunta sa cabinet at kumuha ng komportableng damit. Isang t-shirt at isang cotton na short. Pumasok ako sa banyo at doon nagpalit ng damit. Sa paglabas ko ay tumingin sa akin si Trebb na nakaupo sa paanan ng kama tila hinihintay ako na lumabas.
Nahiga ako sa pwesto ko ngunit si Trebb ay nanatili sa pwesto niya. "Hindi ka pa ba hihiga?" tanong ko sakanya. "Hindi.. imamasahe ko muna ang paa mo, kahit sabihin mong hindi ka gaanong napagod alam kong pagod na pagod ka. Ilang oras kaya tayong nakatayo!" aniya at hiniwakan ang paa ko at hinimas himas iyon. Nagulat pa ako noong una at binawi ang paa ko ngunit hinatak niya iyong muli papunta sakanya.
"Trebb, okay lang talaga.. mahiga ka na dito." wika ko ngunit hindi ko ikakaila na masarap ang ginagawa niyang pagmasahe sa paa ko. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng trato, mas sanay ako na ako ang nagsisilbi. Napakasarap palang ma-i-trato ng ganito..
Tinignan ako saglit ni Trebb bago ngumiting muli habang patuloy sakanyang ginagawa.
Nakatulugan ko ang ginagawa niya at nagising akong nakayakap sa akin si Trebb. Magkaharap kami at ang mukha niya ay nasa collar bone ko. Hindi ko makita ang mukha niya ngunit bakas sa paghinga niya ang himbing ng tulog niya.
Napangiti ako at hinimas ang buhok niya. Dahil sa ginawa ko ay bahagya siyang gumalaw at tiningala ako. Ang sumunod niyang ginawa ay nagpalaki sa mata ko at nagpabagal ng tibok ng puso ko, sa sobrang bagal niyon ay ramdam na ramdam ko ang bawat pag tibok ng puso ko sa loob ng aking dibdib.Pinaglapat niya ang labi namin at ngumiti sa akin saglit bago bumalik sa dati niyang pwesto.
BINABASA MO ANG
Imitation
Fiksi Umum"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...