Kabanata 6

4.5K 105 3
                                    

Labi

Napahawak ako sa dibdib kong hanggang ngayon ay mabilis pa din ang tibok dahil sa nangyari. Hindi ako nakatulog kakaisip kung panaginip ba iyon o pinaglalaruan ako ng sarili kong imahinasyon.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang malambot niyang labi sa labi ko. Saglit lamang ang halik na iyon ngunit nagtagal siya sa isip ko at parang ayaw ng maalis.

"Rosalyn, anong oras na." nagulat ako ng magsalita si nanay mula sa labas ng kwarto.

"Nay.. hindi po ako papasok." pagkasabi ko noon ay dumungaw agad ang mukha ni nanay sa pintuan ng kwarto. "Bakit?" aniya.

"Nay.. hindi po ako nakatulog.. may insomia na ata ako.." pasumbong kong wika sakanya. Kumunot ang noo niya. "Ngayon lang 'to Rosalyn ah! Sa susunod hindi ka na pwedeng umabsent!" aniya. Tumango lamang ako. Tinapunan niya ako ng tingin bago umalis na sa pagkakasalip niya.

Magdamag akong nag lagi sa bahay namin at hindi ko tinangkang pumunta sa mansyon o kahit sumilip sa bintana. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko si Trebb pero sa isang parte ko ay gustong gusto siyang makita. Parang nagtatalo ang katawan. Ang kalahati ay gustong tumakbo kay Trebb ang isa naman ay pilit na kumakapit sa akin.

Umuwi si nanay kinagabihan at tinatanong kung kumain na ba ako o hindi pa. Sinabi kong kumain na ako at nagluto na kanina. Pumasok ako sa kwarto at hinanda ang higaan.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok. Nagpa late ako ng bahagya para hindi kami magkasabay ni Trebb, ngunit ng lumabas ako sa bahay namin ay nag aabang siya sa labas.

"Hindi kita nakita kahapon." aniya. Nanatili ako sa kinatatayuan ko pero lumapit siya sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at nagkagulo ang kung ano sa sikmura ko.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko sakanya. Kinuha niya ang bag ko at sinukbit sa balikat niya. "Trebb.. ako na." wika ko at hinawakan ang bag ko ngunit pinigilan niya iyon at nauna ng maglakad. Naka sunod lamang ako sakanya. Binabagalan ko ang lakad ko para hindi ako makasabay sakanya. Hindi ko kayang tumayo at maglakad sa tabi niya. Baka bago pa ako makarating sa eskwelahan ay bumulagta na ako!

Nag angat ako ng tingin mula sa pagkakayuko ko sa daanan. Kinabahan ako ng hindi ko makita si Trebb. Nasa kanya bag ko! Ano ba yun.

"Trebb!" sigaw ko kahit na hindi ko siya makita.

"Hoy!" Nilingon ko ang likod ko kung saan nang galing ang boses na iyon. At nandoon si Trebb nakahinto sa likuran ko, mga walong hakbang ang layo..

"Ang bagal mo kasing maglakad kaya huminto ako kaso madami ka yatang iniisip  kaya hindi mo ako nakita at nilampasan mo pa ako." aniya. Ang mata niya ay nakatingin lamang sa akin habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sakanya.

Naglakad siya palapit sa akin inakbayan ako. Gusto kong tanggalin ang pagka akbay niya kaso ay para akong naparalisa at hindi maka alma sa ginawa niya. "Sumabay ka sa akin. May problema ka ba?" marahan niyang tanong. Saglit ko siyang nilingon at agad ko iyong pinag sisihan dahil bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko. "Wala.." mabilis kong sagot.

Napaisip tuloy ako kung wala lang ba sakanya ang halik na ginawa niya sa akin kasi kung umakto siya ay parang wala lang...

Narating namin ang eskwelahan. Saglit pa kaming umupo sa hagdan dahil napa aga kami masyado. Siya napa aga na sa susunod na subject, ako naman sa first subject.

"Wala bang mahalagang gagawin sa first subject mo?" tanong ko sakanya. Ngumuso siya at mabilis na sinundan ng iling. "Wala."

'Yong labi niyang iyon! kapag pumipikit ako ay naalala ko ang halik na iyon. "Gusto mong kumain? Nagugutom ka ba?" tanong niya.

"Huh? hindi na. Kumain na ako sa bahay." mabilis kong tanggi. Tumunog ang bell kaya tumayo na kami. Kinuha ko ang bag ko pero inagaw lamang ni Trebb sa akin yun.

"Ako na magdadala ng bag mo simula sa araw na 'to." pinal na pagkakasabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nanigas ako sa ginawa niya. Nagsimula kaming maglakad pero pakiramdam ko para akong isang poste o puno na hinahatak na lamang.

Ang lambot ng kamay ni Trebb at halatang walang ginagawang mabibigat na gawain.
Nakakahiya! Ang gaspang siguro ng kamay ko!

"Dito ka na.." aniya at huminto. Pag tingin ko ay nasa tapat na ako ng room ko. Tinalikod niya ako sakanya at sinukbit ang bag ko sa akin.

"Hihintayin kita mamaya. Sabay tayong umuwi." aniya. Wala sa sariling tumango ako. Siguro panaginip 'to!

"Alis na ako." paalam niya. Tumango na lamang ako ulit. Naglakad siya palayo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Pumasok ako sa room at sinalubong ako ni Lana. Sabay kami umupo sa silya namin. "Lana.. Nananaginip ba ako? o baka nag iimagine lang ako.." wika ko kay Lana.

"Hindi. Totoo 'to! Paanong naging ganon si Trebb sayo? kala ko ba... " Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya dahil mga nakikinig na kaklase namin.

"Ewan ko...." tanging nasagot ko dahil pati ako ay hindi ko alam ang sagot.

Nang maghapon ay hinintay nga ako ni Trebb. Kinuha niyang muli ang bag ko sa akin. Si Lana ay hindi sumabay sa akin. Ayaw daw niyang maka istorbo.

Paglabas namin ay nakita ko agad ang sundo ni Trebb. Hinawakan ko ang strap ng bag ko para sana kuhanin na sakanya iyon. Maglalakad lang ako pauwi at panigurado ay sasakay si Trebb diyan.

Lumapit siya sa sasakyan nila at binuksan ang pinto sa likod. "Pasok na Rosalyn." utos ni Trebb. Kinaway ko ang kamay ko sa harap ng mukha ko. "Hindi na. Malalakad lang ako." wika ko at hinawakan na ng maiigi ang strab ng bag ko bago ko hinatakniyon sa balikat niya.

Naka kunot ang noo niya at naka singit ang mga mata niya. "Anong maglalakad!? Pumasok ka na. Hindi ka maglalakad pauwi." aniya at pinilit akong ipasok sa sasakyan nila. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok na lang sa pinaka loob para makaupo siya.

"Hello po, kuya Teng." bati ko sa driver. "Rosalyn! Sabay kayo ngayon?" tanong niya kahit na nasa harap na naman ang sagot. "Opo eh." wika ko at sinundan ng tawa. Naramdaman ko ang palad ni Trebb sa palad ko kaya napatingin ako doon sunod ay sa mukha niya. Nakatingin siya sa akin na parang may ginawa akong kasalanan.

"Bukas sasabay ka ulit sa akin." pinal na naman niyang sabi. Tumango na lamang ako. Tinanong niya ako sa mga nangyari sa akin sa school pagkatapos ay nag kwento din siya.

Nakinig ako sa boses niyang parang mahika at may kakayahang pawalain ako sa aking sarili. Ngunit ng makita ko sa likod niya ng bahay ni Lana ay napabalik ako sa reyalidad parang biglang naputol ang mahika.

"...sa susunod papakilala kita kila Ma--" naputol ang sasabihin niya ng magsalita ako.

Ilang kanto pa bago ang mansyon. Magagalit si nanay kapag nalaman niya ang relasyon namin ni Trebb. Ngunit ano nga bang relasyon namin?

"Kuya Teng. Dito lang po ako." nakita kong tinignan ako sa rear view mirror ni kuya Teng bago hininto ang sasakyan sa tabi. "Bakit dito ka lang?" tanong agad ni Trebb.

"Magagalit si Nanay kapag nalaman niya." wika ko at mabilis na bumaba. Sinilip ako sa bintana ng sasakyan ni Trebb. "Bumalik ka na dito! Ako mag sasabi kay nanay Rosa." aniya. Umiling lamang ako. "Maglalakad na ako." wika ko.

"Maglalakad na lang din ako." aniya pero pinigilan ko siya. "Hindi pwede! sumakay ka na. Ayokong malaman ni nanay." maka awa ko sakanya. Matagal niya akong tinignan bago tumango. Ilang saglit lang ay umandar na ang sasakyan.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon