Kabanata 7

4K 98 2
                                    

Report

Paglabas ko ng gate ay nandoon si Trebb at hinihintay ako. Nong nakaraan kasi ay sa labas ng bahay niya ko ulit hinintay at muntik na kaming mahuli ni Tatay na kakauwi lang.

Pagkakita niya sa akin ay agad niya akong nilapitan at kinuha ang bag ko pati na din ang libro at manila paper na pinagpuyatan ko kagabi para sa report ko ngayon.

Tinupad nga ni Trebb ang bawat araw ay siyang magdadala ng bag ko. Kapag papasok kami ay hindi na siya nagpapahatid at sumasabay na lamang sa akin.

Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa eskwelahan kahit na puno na ang kamay niya dahil sa mga dala ko na kinuha niya ay hindi niya binitiwan ang kamay ko. Ang mga iniimagine ko noon ay parang isang pikit at dilat na natutupad lahat.

"Saan 'tong report mo?" tanong niya sa akin. "Sa filipino. Tungkol kila Ibarra.." sagot ko sakanya. Tumango tango siya. "Kabisado mo na?" tanong niyang muli pagkatapos ay binuklat ang kayumanggi ko na ginawa kong pang ipit sa manila paper.

"Hindi pa gaano..." pag amin ko. Kapag napapasadahan ko ng tingin ang kayumanggi ay naalala ko ang iba pero madalas ay naba blanko ako.

"Gusto i-practice kita habang naglalakad tayo." aniya. "Sino bang teacher mo sa filipino?" dugtong na tanong niya.

"Si Miss. Irlandez."

"Naku lagot ka! Masungit yun ah!" aniya, tinatakot ako. Tinignan ko siya ng masama. Hindi kasi nakakatulong. Tumawa lang siya.

"Hindi. Game na.." aniya.

Huminga ako ng malalim at inumpisahan ko ang report ko habang naglalakad paminsan minsan ay nag sa suggest siya para mas madaling maintindihan daw ng kaklase ko at minsan naman para hindi ko daw makalimutan.

Pagdating namin sa eskwelahan ay umupo kami ulit sa hagdan. Naging tambayan na namin ito dahil napaka aga namin laging umaalis sa bahay. Sa gilid ng hagdan ay retail store. Paglapag ng gamit namin ni Trebb sa gilid ko ay pumunta siya sa tindahan, ginutom siguro.

Nang bumalik siya sa akin ay may dala siyang dalawang bottled water, apat na biscuit at dalawang flying saucer.

Inabot niya sa akin ang mga biscuit. "Kainin mo 'yan huwag mong gutumin sarili mo."  utos niya. Inabot din niya ang dalawang flying saucer "Tig isa tayo niya hawakan mo muna." aniya at inipit niya ang isang tubig sa kili kili niya bago binuksan ang isang tubig.

"Mababasa uniform mo." suway ko sakanya dahil sa ginawa niya pero ngumiti lang siya sa sinabi ko at inabot ang binuksan niyang tubig sa akin.

Umupo siya sa tabi ko at nilipat ang mga gamit namin sa itaas na baitang. Umusog siya sa tabi ko. Inalis ko ang tissue na nakapalibot sa flying saucer bago ko inabot sakanya. "Salamat." aniya. Inalis ko din ang tissue ng sa akin at nagsimula ng kumain.

Nang maubos namin ang kinakain namin ay tinignan niya ang orasan niya sa pala pulsuhan. "May fifteen minutes pa... Practice ka ulit." aniya.

"Sige." sagot ko. Kinuha niya ang mga kalat namin at tinapon sa basurahan sa gilid ng retail store. Pag balik niya ay inabot ko sakanya ang kayumanggi ko.

"Start ka na." aniya.

Nagsimula na akong mag pratice sa tabi niya at tama nga siya. Dahil sa mga tinuro niya ay madali kong nakabisa ang nilalaman ng report ko.

Pagkatapos ko ay todo todo ang ngiti ko. Pakiramdam ko kasi makakakuha ako ng mataas na marka.

Hinatid ako ni Trebb sa room ko at nagtaka akong bigla. Hindi na sya uma attend sa first subject niya.

Binigay niya ang bag ko at mga gamit ko sa akin. "Goodluck sa report mamaya." aniya. Ngumit ako sakanya. "Salamat."

"Hintayin kita mamaya ah." aniya. Tumango ako at pumasok na sa room. Pagkatapos ng ilang subject ay dumating ang subject kung saan ako mag re report. Tuwang tuwa si Miss Irlandez sa report ko.

Tumakbo ako papunta kay Trebb. Sinalubong niya ako at kinuha ang mga dala ko.

"Kamusta?" aniya. "Tuwang tuwa si Miss." pakanta kong sagot. "Buti naman! Ang galing ko talagang tiga turo mo." aniya. At hindi ako kumontra doon.

Nagku kwento ako sakanya ng mapansin kong naglalakad lang kami at walang sundong sasakyan. "Hindi ka susunduin?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi. Gamit ni mommy 'yong sasakyan eh." aniya. Naglakad kami pauwi at nang nasa gilid na kami ng gate ay huminto siya. "Mauna ka na. Susunod ako pagkatapos ng fifteen minutes." Aniya at inabot ang mga bag ko sakit. Kinunutan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya. Mukhang nakuha niya ang gusto kong itanong kaya kahit na hindi ko pa ibinubuka ang bibig ko para magtanong ay binigyan na niya ako agad ng sagot.

"Baka makita tayo ng nanay mo. Ayaw mo 'yun di'ba?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko tsaka tumango. Ngumiti siya sa akin at sinabihan na akong pumasok na.

Naglakad ako palapit sa gate pero bumalik din ako agad. Nagtatakang tinignan ako ni Trebb at bahagya niyang itinaas ang isang kilay niya. Nagtatanong..

Ibinuka ko ang bibig ko. Gusto kong itanong kung ano ba kami.. Kaso bigla akong natakot. Baka sa oras na ibuka ko ang bibig ko at magsalita ay biglang maglaho ang lahat.

Baka imahinasyon ko lang pala ang lahat. Ayoko! Ayokong matapos ang lahat. Sa ngayon, siguro makukuntento na lang ako sa kung anong meron kami. Makukuntento na lang ako sa kung anong naririto sa ngayon. Magiging masaya na lang ako sa lahat.

Umiling ako kay Trebb bilang sagot. "Wala. Kahit sampung segundo lang tapos pasok ka na. Baka lamukin ka diyan eh." wika ko at umalis na sa harap niya pero bumalik ako ulit at tumingkayad.

Binagyan ko siya ng munting halik sa pisngi niya. Kabadong kabado ako sa ginawa ko at parang gusto ko agad magsisi. "Salamat!" wika ko at tumakbo na papasok ng mansyon. Ni hindi ko tinignan ang reasyon dahil natatakot akong basahin iyon.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon