Gown
"Sabay tayo sa prom night ah." nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi ni Trebb. Naglalakad na kami pauwi ng mansyon. Ang liwanag at dilim ay nag aagawan na sa kalangitan.
"Hindi ako makakasama sa prom night!" sagot ko sakanya. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na din ako.
"Bakit?" takang tanong niya at nilingon ako.
"Wala akong susuotin at isa pa, wala naman akong hilig sa ganoon." sinagot ko siya na gaya ng sagot ko kay Lana.
"Pumunta ka na.." pag pilit niya. Napangiti ako ng lihim. Ang saya siguro ng mangyayari sa prom kung sasama ako. Last year kasi ay sumama ako kaso nagmukha lang akong display sa gilid. Walang nag aya sa akin na sumayaw. Gusto ko nga sanang lapitan si Trebb noon kaso nahihiya ako. Iniisip ko, paano kung hindi niya tanggapin ang alok kong isayaw ako? Pero ngayon, kung sasali ako.. magiging masaya siguro..
Umiling ako kay Trebb bilang sagot. Gustuhin ko man ay hindi talaga ako makakapunta. Wala akong susuotin. Noong nakaraang prom ay pinahiram ako ni Lana kaya nang inalok niya ako ulit na pahihiramin ng gown ay humindi ako agad. Nakakahiya na kasi...
"Please, Rosalyn!" halos manginig ang tuhod ko sa pag banggit niya ng pangalan ko. Pag banggit pa lang niya ng pangalan ko ay nagtatalo na ang desisyon ko. Gusto ko ng sumama sa prom!
"Wala akong susuotin..." alanganin kong sabi.
"So.. pumapayag ka na?" may saya sa boses niya na naghatid sa puso ko ng kakaibang epekto.
Dahan dahan akong tumango. "Oo. Kapag nakahanap ako ng susuotin." wika ko.
Tinignan ko ang mukha niya at umabot ang ngiti niya sa kanyang mga mata. Bakit ang gwapo niya!?
Inayos niya ang pagkakahawak sa palad ko at naglakad na kaming muli. Nang malapit na kami sa mansyon ay binitiwan niya na ang kamay ko.
"Sabay na tayo..." sabi ko. Dinungaw niya ang mukha ko. Tila nagtatanong kung sigurado ba ako sa sinasabi ko.
"Sabihin natin kapag nagtanong sila ay nagkasabay lang tayo sa daanan." dugtong ko. Tumango siya at inabot sa akin ang bag ko.
Sabay nga kaming pumasok sa mansyon. Nang mag hiwalay kami, para siya ay umakyat at ako para dumiretso sa likod bahay ay nag paalam pa siya.
"Bye, Rosalyn." may kahulugan siyang ngumiti ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon at lihim na kinilig na lamang.
"Bye." paalam ko pabalik.
----
Isang araw bago ang prom ay wala pa din akong maisusuot. Kanina ay nilapitan ako ni Lana pero umiling ako sa huling pagkakataon. Sinabi ko na kay nanay na gusto kong umattend, sabi niya ay gagawan niya ng paraan. Titignan daw niya kung makakahiram siya sa mga kakilala niya.
Naglakad kami ni Trebb pauwi. Nasa kanya ang bag ko at hawak niya ang palad ko. Mabagal ang lakad namin.
"Wala ka pa din isusuot?" tanong niya. Ngumuso ako bago umiling. Siguro, hindi na talaga ako makaka attend sa prom.
Tumango lamang si Trebb at walang ibang sinabi. Siguro ay hindi na din niya ako pipilitin.
Nakapasok kami sa bahay ng sabay pero bago iyon ay inabot niya sa akin ang bag ko at sinabi niyang mauna na siyang pumasok pero mga limang segundo lamang ay nakasunod na din ako.
Patakbo siyang umakyat sa hagdan nila. Binilisan ko ang pagpasok sa kusina para hanapin si Nanay.
"Nay!" tawag ko sakanya. Mabilis akong lumapit kay nanay para magtanong ng ukol sa gown na susuotin.
"Oh...Rosalyn." puna ni nanay na nagpagpag ng kamay at pinunas sa isang basahan. Hinarap niya ako..
"Nay, may nahanap po kayo?" tanong ko agad. Umiling si nanay. "Wala pa..Pero sabi ng isang kilala ko susubukan daw niya bukas. Kapag meron dadalhin niya agad sa bahay." aniya.
Hindi na lang ako aasa para bukas. Ayokong paasahin sarili ko pero hindi ko mapigilan ang humiling na sana meron nga bukas.
"Okay lang po yun Nay, sabi ko naman kapag meron lang." wika ko at sinundan pa ng tawa. "Sige po Nay. Uwi muna ako." paalam ko. Pagtango ni nanay ay lumabas na ako agad sa kusina at pumunta na sa bahay.
Pagpasok ko sa munti naming bahay ay hinubad ko na agad ang palda at uniporme ko at nilagay sa labahan. Wala naman klase bukas kaya malalabhan ko ang palda ko.
Pumasok ako sa maliit naming kwarto at kumuha na ng pamalit na damit. Kinuha ko ang isang text book ko at sinagutan na lamang ang iba doon. Sa kalagitnaan ng pagsagot ang inantok ako kaya isinantabi ko na lamang ang ginagawa kong pagsagot at natulog muna.
"Rosalyn!" nagising ako sa sigaw na iyon ni nanay. Nakatulog pala ako sa lamesa habang nakaupo sa silya. "Nay..." humihikab na tawag ko sakanya.
"Kanina pa kita ginigising! Kumain ka na at don muna ituloy ang pagtulog mo sa kwarto." mariin na utos niya.
Tumango tango lamang ako at inayos ang pagkakapusod sa buhok ko. Hinainan ako ni nanay ng pagkain at nilapag sa harap ko. Iginilid ko ang mga ginagawa ko kanina.
Naglapag si nanay ng kanin na nasa plato na at may ulam na din sa tabi nito. "San galing ang manok, Nay?" tanong ko dahil bibihira lang kaming mag ulam ng manok. Minsan kapag may okasyon lang.
"Sa mansyon. Pinadala na ni mam. Trina." sagot niya at nilapag naman ang baso bg tubig sa tabi ng plato ko. Nagsimula na akong kumain, bigla ay natakam ako.
"Kumain ka lang diyan. Isasampay ko lang 'yung nilabhan ko." paalam niya. Dinungaw ko ang balde ng labahan namin at wala iyon doon. Anong oras na ba at nakapag laba pa si nanay?
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Pumasok si nanay na dala ang baldeng wala ng laman. Pinunasan ko 'yung kamay ko sa malinis na basahan at kinuha ang mga gamit ko sa lamesa.
"Ayusin ko na po yung higaan, Nay." paalam ko at nag tungo na sa kwarto. Nagwalis ako at nagbasahan sa kwarto bago ko binuksan ang electric fan. Pinagpagan ko ang unan at hinagis sa lapag. Nang matapos ako ay inayos ko ang gamit ko at nahiga na. Pumasok si nanay at nahiga na din.
Nagising ako ng may yumuyugyog sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Inaantok pa ako.
"Rosalyn, may dalang gown ang tatay mo. Sukatin mo na dali." aniya. Nagising ng tuluyan ang katawan ko sa narinig.
Tinignan ko ang box na nakabukas sa gilid ko. Umupo ako at kinuha ang damit sa box. Sa tela pa lang ay halatang mahal ang bili dito.
Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si tatay. "Tay.. kanino galing 'yung gown?" nag iwas si tatay sa tanong ko at dumiretso sa lamesa. Uminom siya ng tubig pagkatapos ay tumingin sa akin.
"Binigay ng kasamahan ko. Pinaglumaan daw ng anak niya. Isang beses pa lang daw nagagamit. Sabi ko hiram lang pero binigay na. Madami daw gown ang anak niya." paliwanag ni tatay. Nakangiting tumango ako at kinuha ang gown. Ipinatong ko ang gown sa harapan ko at humarap sa salamin kahit na hanggang tuhod lang ang kita sa salamin.
"Nay, ang ganda!" tuwang tuwang puna ko.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...