Kabanata 15

3.8K 102 1
                                    

Babae

Pumasok ako sa opisina pagkatapos akong tawagin ni Trebb mula sa intercom. Simulan ko na kayang pag practisan na Sir Talavera ang itawag ko sakanya?

Dala ko ang folder na naglalaman ng schedule para kung sakaling tanungin niya ako.

Naabutan ko siyang may binabasang files sa lamesa niya. God! Bakit ganyan siya!? Legit ba 'yan!? Ang gwapo gwapo kahit na nagbabasa lang...

Rosalyn! Tumigil ka na! Naloko ka na nga noon eh! Ano ba!

"Sir Talavera!" tawag ko sakanyan. Nag angat siya ng tingin. "Sir?" puna niya sa pagtawag ko at ngumisi. "Bakit niyo po ako pinatawag, Sir?" nag iingat na tanong ko. Boss ko pa din siya at isa akong empleyadong natatakot na matangal.

May inabot siya sa akin na tatlong folder. "I-edit mo 'yan. Same date pa din and make three, no! make it five copies." aniya at ngumiti sa akin. Seeing him smiling like that ay nagtatalo ang pagkatao ko. Isang patuloy siyang sinasamba at isang galit na galit sa ginawa niya noon.

"Okay po, Sir." sagot ko sakanya. "Anything else, Sir?" dagdag na tanong ko. "Nothing... Ah.. Wait!" aniya at tumingin sa wrist watch niya. Pati pagtingin ng oras ay napaka gwapo!

"Balik ka dito before lunch." aniya. "Kahit hindi mo pa tapos 'yan. Kailangan ko pa  naman 'yan ng four p.m. eh!" dagdag niya pa. Tumango ako at umalis na sa harap niya. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata niya sa akin pero binaliwala ko 'yun.

Bumalik ako sa mesa ko sa labas ng opisina niya at sinimulan ng gawin ang pinagawa niya. Nang nasa kalagitnaan na ako ay may nagsalita kaya napa angat ako ng tingin sa boses na iyon.

Isang chinitang babaeng iyon at naka halter top at isang high waist na pantalon.

"Miss?" tawag niyang muli sa akin.

"Yes po, mam?" sagot ko sakanya.

"Pasok na ako ah.." aniya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya napatayo ako at humarang sa daraanan niya. "Wait po mam! Bakit po kayo papasok?" tanong ko sakanya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa mukha ko.

"Bago ka lang noh?" tanong niya. Tumango lang ako. "Kaya pala... ako si Chania, girlfrie---no-fiance ako ni Trebb.. So, will you please excuse me?" matigas na aniya at bahagya pa akong sinanggi para makadaan siya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa opisina ni Trebb. Nang mawala siya sa paningin ko ay bumalik ako sa lamesa ko.

May kirot akong naramdaman sa puso ko. Oo nga naman! Ang tanga mo naman Rosalyn! Sa gwapong 'yan ni Trebb sa tingin mo single pa din siya? Kumislot muli ang puso ko. Kahit na nasaktan ako noon umaasa pa din ako. Umaasa na kahit katiting ay nagustuhan ako ni Trebb.

Tunong ng cellphone ko ang pumutol sa pag iisip ko. Tinignan ko ang tumatawag. Si nanay iyon.

"Nay!" sagot ko pagkatapos kong pindutin ang phone ko.

"Rosalyn, medyo okay na ang tatay mo, kaso may ipinapabiling gamot. Ayaw sana kitang istorbohin kaso sabi ng doctor ay kailangan na daw 'to..." aniya. Tumingin ako sa wrist watch ko. Malapit ng mag lunch.

"Sige, Nay dadaan ako diyan pagka lunch."

"Sige Rosalyn. Pasensya ka na anak. Alam ko naman na unang araw mo 'to sa trabaho.." aniya. Malalalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Okay lang po, nay." pagkasabi ko noon ay nagpa alam na si nanay. Nagkasakit si tatay sa baga at nahihirapan na siyang huminga. Hindi na din siya makalabas ng hospital dahil kinakapos kami lagi sa pambayad.

"Rosalyn!" narinig ko ang boses ni Trebb na galit na galit. Lumingon ako sakanya. "Sir!" tawag ko sakanya. Nagtatanong. Ito ata ang unang beses na nakita kong galit si Trebb.

"Huwag mong papapasukin ang babae ito!" aniya at doon ko lang napansin na hawak hawak niya sa braso si Chania, ang babae kanina.

"Trebb!" dabog ng babae. "Hindi ba ay mahal mo pa ako? nag sorry na nga ako eh. Hindi mo ba nakikita ikaw ang pinili ko!" wika ng babae. Naguluhan ako sa nakikita ko.

"Matagal na tayong wala kaya tigilan mo na ako!" wika naman ni Trebb.

"Hindi! Hindi ako titigil hangga't hindi ka pa nag papakasal." aniya at hinatak ang braso niya sa pagkakahawak ni Trebb.

"Sige na. Uuwi na ako! Baka na stress ka lang sa trabaho mo." anang babae at hahalikan sana si Trebb kaso ay umilag si Trebb. Ngumuso ang babae at naglakad na paalis.

Humarap sa akin si Trebb habang hinihilot ang sentido niya gamit ng isang kamay.

"Rosalyn! Hindi ba sinabi sayo ni Irish?" nagpipigil sa galit na aniya. Nakagat ko ang labi ko at humingi na lang ng tawad.

"Sorry po.." wika ko.

"Nevermind! Sa susunod ay huwag kang magpapasok ng kahit na sinong babae ng walang appointment sa akin, huh!" aniya pagkatapos ay tumuro sa pinaglabasan ni Chania. "Lalo na iyong babaeng iyon." mariin niyang bilin. Tumango lang ako, natatakot na baka lumala ang galit niya.


ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon