Baso ng Juice
Pumasok ako sa kusina para silipin kung nandoon ba si nanay at hindi ako nagkakamali. Naroon nga si nanay at nagluluto ng meryenda.
"Nay!" pagbibigay alam ko sakanya na nakauwi na ako. Nilingon niya ako saglit at bumalik din agad sa niluluto niya ang kanyang atensyon.
"Bakit ka nandito? magpalit ka muna ng damit mo." aniya. "Nandoon ang tatay mo. Huwag kang mag ingay dahil wala pa iyong tulog." paalala niya. Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Sige po, Nay. Magpapalit muna ako." paalam ko at naglakad na papunta sa isang pintuan kung saan may daan din papunta sa bahay namin na nasa bakuran ng mga Talavera.
Biglang may bumagsak sa harap ko kaya napasigaw ako ng bahagya at napatalon ako.
"Saan ka pupunta?" napadilat ako sa boses na iyon ni Trebb. Napakunot ang noo ko.
"Magpapalit ako ng damit." wika ko. "Padaan." dagdag ko pa dahil nakaharang siya sa pintuan. At parang hindi na ako makahinga sa presensiya niya. Rosalyn! Si Trebb lang 'yan!
"Bilisan mo. Ipagtimpla mo ako ng juice." aniya atsaka gumilid na para makadaan ako.
"Oo sige!" Halos hindi ako magkadamaliw sa pagsagot sakanya. Isa sa pangarap ko ang pagsilbihan si Trebb at halos araw araw natutupad iyon. Baliw na nga ata siguro ako.
Hindi matangal ang matamis kong ngiti sa labi at kilig ng puso ko. Pagpasok ko sa bahay ay tumili ako at nagtatatalon pa.
"Rosalyn!" galit na boses ni tatay sa loob ng maliit naming kwarto. Tinikom ko ang bibig ko. Nakalimutan kong nandito pala si tatay.
"Tay! sorry po." nakangiti kong hingi ng paumanhin kahit na hindi naman niya ako makikita.
Naghubad ako ng palda at uniporme. Naka saykling ako sa pang ibaba at sando sa panloob. Pumasok ako sa kwarto at naabutan ko si tatay na natutulog na doon. Sinabit ko ang palda ko sa pako at nagtungo agad ako sa juro box para kumuha ng pamalit na pambahay na damit.
Lumabas ako sa bahay namin at nagtungo sa kusina ng mga Talavera. Nakita ko si Trebb na iniinom ang isang baso ng juice. Bigla ay nalungkot ako. Sino nag timpla ng juice niya!? ako dapat iyon eh.
Pinanuod ko lang si Trebb na maubos ang juice niya habang nag titipa sa phone niya. Sino kayang ka text niya? Binagsak niya ang phone niya sa lamesa ng padabog pagkatapos ay ininom na ang natitirang juice niya.
Paano niya nagagawa iyon? Napaka gwapo niya kahit na umiinom lamang siya ng juice! Napaka tapang ng mukha niya. Ang labi niya ay bahagyang mapula at maliit. Ang buhok niya ay medyo mahaba na at magulo. Ang mata niya ay medyo maliit at kapag tinignan ka akala mo ay galit siya sayo. Iyong ilong niyang napaka matangos. Diyos ko! Itataya ko ang lahat mapasa akin lang ang lalaking iyan. At ang juice ang pinagpalang juice! Sana ay naging juice na lang ako!
Tumayo siya kaya pinagpala na naman ang mata ko para masuri ang katawan niya. Medyo maliit pa ang muscles niya ngunit bumagay sakanya iyon. Ang abs niya ay maliit pa din at bakat na bakat sa suot nitong puting round neck shirt na nakatupi ang mangas sa braso. Naka maong na maroon siyang short. Sa simpleng suotin ay napaka gwapo niya at parang model ng Bench o Penshoppe!
Naglakad na siya palabas ng kusina. Baby! Dito ka lang! Huwag mo akong iwan! Malanding sigaw ng utak ko.
"Rosalyn.. kuhanin mo ang ininuman ni Trebb at hugasan mo na." narinig kong utos ni nanay.
"Opo, Nay." sagot ko at halos manginig ako ng kinuha ko ang basong ininuman ni Trebb. Ang napaka swerteng baso!
----
"By group kayo. Iyong dati niyong group ay iyon pa din. Sa monday ay ipapasa niyo na..." wika ng filipino teacher namin. Tumingin ako kay Lana at sa iba ko pang ka grupo.
Gagawa kami ng project. Tinawag ni Lana ang dalawa pa namin na ka grupo. "Lana, Rosalyn, gaya ng dati ah. Magbabayad na lang kami." Wika ni Rina at tumango naman si Trisha.
Tumingin sa akin si Lana. Sumimangot ako ngunit wala naman akong magagawa dahil kung patutulungin din namin ang dalawang ito sa grupo ay walang mangyayari puro pagme make up lang ang gagawin nila.
Tumango si Lana at naglabas na ang dalawa ng tig limang daan nila. Rich kid! Siguro kung malapit lang ang private school sa bayan namin ay baka doon sila nag sipag aral, kaso ay napakalayo noon at hassle sa oras.
Tumunog ang bell at nagsalita muli ang guro namin. "Aasahan ko sa lunes iyan." aniya bago niligpit ang mga gamit niya at lumabas na.
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at ganoon din kami ni Lana. Naglabasan na ang lahat kasama kami ni Lana.
Naglakad kaming muli sa daan pauwi. "Sa bahay na lang natin gawin." aniya. Tumango lamang ako dahil nakakahiya naman kung papapuntahin ko siya sa bahay namin. Bukod sa maliit na ay baka makagalitan ako ni Mam. Trina, ang mama ni Trebb.
Kumaway ako kay Lana ng nasa tapat na siya ng bahay nila. "Lana!" Salubong sakanya ng isang lalaki na matangkad at napaka kisig. Bilugan ang mata nito at makapal ang kilay. Matangos din ang ilong at ang labi ay napaka pula at laging naka ngisi. Mukhang brusko ito at parang mapaglaro. Sa itsura niya ay parang laging naghahanap ng away.
Gwapo siya ngunit mas gwapo si Trebb.
Kinabukasan ay nag desisyon akong maagang pumunta sa bahay nila Lana. Maaga akong gumising dahil akala ko ay maabutan ko si Trebb na bagong gising kaso ay hindi. Umalis daw ito ay may pinuntahan.
"Rosalyn!" napahinto ako sa paglabas ng gate ng tawagin ako ni nanay.
"Nay?" nagtatanong na tawag ko sakanya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang tatlong daang piso. "Para saan 'to, Nay?" natatakang tanong ko.
"Alam kong may babayaran ka. Kunin mo na yan. Umuwi ka ng maaga ah!" aniya at hinimas ang braso ko bago pumasok na sa bahay. Hindi na ako nakapag salita at pinanood ko na lamang ang pag pasok niya sa bahay ng mga Talavera.
Nang tuluyan na siyang makapasok ay ibinulsa ko na ang pera at lumabas na ng gate.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...