Impulsive
--
Nagising ako nang makarinig ng mahinang langitngit ng kung ano. Parang pinto. "Ano ba 'yon?"
Kusot-matang bumangon ako at tiningnan ang wall clock dito sa kwarto, 3:34 am pa lang. Inayos ko lang ng kaunti ang buhok ko at lumabas na ng kwarto. Medyo nauuhaw na rin kasi ako.
Pagpunta ko ng kusina, naabutan ko si South na nakaupo habang umiinom ng kape. May mga book at cattleya na nagkalat sa lamesa at mukhang nag-aaral siya. Malapit na nga pala ang finals. Dyusko, ginawang study table ang lamesa.
Mabilis siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Good morning." Uminom siya sa baso ng kape niya at inalok iyon.
Napataas tuloy ang isang kilay ko dahil sa kinikilos niya. Ano 'to? Bakit parang good mood yata siya? At inalok pa talaga ako ng coffee niya, ha. Or siguro sadyang may topak lang siya kapag madaling-araw? Who knows.
South, bakit ba ang weird mo?
Instead na sumagot ay nagtimpla na lang ako ng sariling kape bago umupo sa upuan na katapat niya. Tiningnan ko lang siya habang nagbabasa. No wonder matataas ang grades niya. Palaaral, eh.
"Anong subject 'yan?"
"Sikretong malupit."
Napailing na lang ako sa napakagandang sagot ng bata. Ang hilig sa secret ng tao na 'to. Ayaw na lang diretsuhin.
Ganyan naman siya, eh. Sa tuwing may nagtatanong sa kanya minsan hindi niya sinasagot ng diretso. Either ipapakita niya na lang yung ginagawa niya or sasabihin niya ang favorite word niyang secret. Iba rin wirings ng utak ng babaeng 'to.
Napatingin ako sa kanya at medyo, uh, na-cute-an sa kanya. Medyo lang! Eh, paano kasi, ang cute niya lang mag-review. Babasahin niya yung libro tapos bubulung-bulong pero walang boses halos then napapatingin siya sa itaas sa bandang kanan na parang nandoon ang inaaral niya. "Ang cute mo mag-review."
Napatingin naman siya sa'kin. Magkadikit na yung kilay niya na parang hindi nagustuhan ang narinig. Kumamot siya sa tainga niya at nagbasa na lang ulit. "Tigilan mo ako."
"Taray mo."
Naisip ko lang, nakaumpisa na ng first semester nang lumipat ako rito. Bagong professor kasi ako sa university na pinapasukan ni South at pinagtuturuan naman ni North and himalang natanggap ako. Well, I can't deny it. Malakas kasi ang appeal ko at matalino naman talaga ako. Idagdag pa na may teaching experience na rin ako.
Sa loob ng mahigit na isang buwan na nandito ako, may mangilan-ngilan na akong napapansin kay South. Hindi ko naman siya gusto pero nacu-curious ako sa kanya. Duh, magkakagusto na nga lang ako, sa bata pa sa'kin? Nah. Ang mga teenager na katulad niya, madalas ay hindi consitent ang mga decision sa buhay. They are impulsive, and it often leads to many mistakes. Pero siyempre, ganoon naman talaga, hindi ba?
"Kanina ka pa gising?"
"Hm, mga 2:30 am." Sagot niya na hindi lumilingon sa'kin. Naubos na niya yung kape kaya nagtimpla pa ulit siya. "Ganitong oras ako mag-review."
Oh, I see. Ngayon ko lang naman kasi siya nakitang nag-review talaga. Mas madalas ko kasi siyang makita na ini-scan lang yung mga lecture notes niya tapos magbabasa na ulit ng Wattpad. Adik yata siya roon. I mean, adik siya sa pagbabasa. Marami siyang libro. Most of the books na nasa library ng bahay ay sa kanya. Nalaman ko pa kina kambal na nabasa na niya ang eighty-five percent ng mga librong naka-display roon. Pero ang nakakaloka, himalang pumapasa siya sa mga units niya. Seriously, she's a genius. Nakadagdag sa pagiging fast learner niya ang bilis ng memorization skills niya.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...