Family Criteria
--
"Hmm..."
Hinawi ko yung mga strands ng buhok na humarang sa mukha niya. I sighed. Mukhang hindi na naman maganda yung panaginip niya. Dumako yung daliri ko sa nakakunot na niyang noo at ni-relax iyon. Halata kasing nas-stress siya, eh. Napailing na lang ako sa sarili ko. Tama pala talaga yung decision ko na pumunta dito sa room niya nang walang paalam.
Hindi naman talaga dapat ako magtatagal, eh. Gusto ko lang sana makita siya bago ako bumalik sa kwarto ang kaso nawili na naman ako sa pagtitig sa kanya. Hanggang sa ito na nga, napansin ko na lang na parang may hindi maganda sa panaginip niya. Unlike noon, mas tahimik siya ngayon. No'ng huling beses kasi, naririnig ko pang tinatawag niya yung Mama niya sa panaginip. Pero ngayon, mahihinang ungol na lang 'yon na parang may iniinda siyang sakit.
Hay, nako, South. Parang pasan mo ang daigdig sa totoo lang. Yung Mama mo pa rin kaya yung napapaginipan mo? Yung mga kaibigan mo? O yung ex mo?
Pero sa lahat ng tanong na naisip ko, ang pinakagusto ko talagang matanong ay kung napapanaginipan niya rin kaya ako? Minsan ba pumasok ako sa isip ni South? Kasi ako, lagi ko siyang naiisip kahit ayaw ko. Minsan ba naisip niya na maganda ako? Na interesante ako?
Kasi kapag nakikita ko siya, alam kong isa na siya sa pinakamaganda dito sa Earth. Napakasimple ng batang 'to pero malakas ang dating. Hindi palangiti pero once na mag-smile na siya, kahit sino siguro kaya niyang pabaliwin. Kaya nga gusto siyang ligawan ni Charles, eh. Kaya rin nag-confess sa kanya si Sia.
Napabuntong hininga ako. Marami pa sigurong may gusto sa'yo pero lahat sila napapaatras dahil sa kung sino ka.
Hindi mo na kailangang magpa-impress sa kahit na sino. Ni hindi mo nga pinagmamayabang na varsity player ka, na isa kang kahanga-hangang artist, at hindi lang iyon, isa ka rin sa nangunguna academically! Parang lahat kaya mong mapaikot sa daliri mo nang hindi mo alam. Kasi wala kang pakialam.
Pero bakit malungkot ka? Bakit ang dami mong tinatago? Bakit parang lagi kang occupied ng mga bagay-bagay na ikaw lang ang may alam? South Hansen, isa kang malaking puzzle. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan ilalagay ang bawat piraso mo na hawak ko.
O kung nasa akin nga ba ang lahat ng piraso na kailangan ko.
Ngumiti ako ng tipid. Marahan ko siyang hinalikan sa noo bago maingat na umalis sa kama niya. Pinatay ko na yung ilaw bago ako lumabas. "Sleep well."
Dahil nawala na ang antok ko ay naisipan kong pumunta na lang ng kusina para makapagtimpla ng coffee. May pasok na rin naman mamaya, eh. Edi tuluy-tuloy na para masaya.
Ako lang yung tao pagkababa ko. Mukhang mahimbing ang tulog ng lahat maliban sa akin. Naupo agad ako pagkatapos magtimpla at napabuga na lang ng hininga. Para akong ewan na nakatulala lang sa coffee ko. Wala akong maisip. Wala rin naman akong pwedeng gawin.
Sinilip ko yung cellphone ko. I checked my Mom's messages. Ilang araw na nga pala ang lumipas noong last time na nag-reply ako. Same messages lang naman kasi. Pinapauwi na nila ako.
Hindi naman talaga malayo yung bahay namin mula dito. Okay, malayo iyon, pero malapit lang para sa akin kasi magkatabing siyudad lang naman iyon. Halos lahat iniwan ko sa lugar na 'yon. Gusto ko kasi magsimula ulit.
Mayaman kami, oo. Pero hindi kasi ako lumaki sa kaisipang susundan ko ang yapak ni Papa na maging katulad niyang magma-manage ng negosyo niya. Masyadong matrabaho iyon. Ayokong sabihing nagrereklamo ako sa bigat ng responsibility, pero kasi, noon, nakikita ko yung hirap ni Papa para lang i-manage iyon. Oo nga't nakakapaglaan siya ng oras sa amin, masaya ako ro'n. Pero nakikita ko yung pagod at stress sa mata niya. Nakikita ko yung hirap niya sa pagbibigay sa amin ng marangyang buhay.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...