Internal Struggle
--
Pagkatapos ng mga nalaman ko kay West ay nawala na ako sa mood. Ni hindi pa ako nakakapagtanghalian at kahit tirik ang araw ay nag-decide ako na lumabas muna para makalanghap ng sariwang hangin. May dala naman akong payong kaya ayos lang.
Pakiramdam ko kasi ay masu-suffocate lang ako kapag nag-stay ako sa bahay. Lalo na kung alam kong nandoon siya.
Sinara ko ang payong nang magtago ang araw sa mga ulap. Napabuntong-hininga ako nang umihip ang malakas na hangin. Hay...Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil sa sinabi ni West, eh. Parang gusto kong awayin si South. Nakakainis!
Alam ko naman na hindi siya obligado na magsabi sa akin ng personal na bagay, ni hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kami o hindi. Pero kasi parang gustong isuka ng memorya ko yung mga narinig ko. Parang mas gusto ko na huwag na lang sanang malaman 'yon.
Kasi mas lalong pinamumukha sa akin ng mundo ang katotohanang straight si South at malabo pa sa polluted na tubig ang pag-asa ko. Pero kung sabagay, gusto ko pa lang naman siya at hindi pa mahal. Makakapag-move on pa ako. Pwede pa. Marami namang iba riyan. Yung kasing-edad ko or mas ahead sa akin, yung mas maganda, yung mas matino, yung mapapansin ako, yung...
Napakamot na lang ako sa ulo. Naiirita ako. Ang desperado ko naman yata kung mag-isip? Eh, ano kung nagseselos ako? Ano naman kung gusto kong makita yung ex niya at tadtarin ito ng buhay? Ano naman kung gusto kong sugurin si South at sabihing akin lang siya? Normal lang naman iyon, ah! Oo nga. Tao lang ako, nagseselos din. Tama, wala lang ito. Normal lang ang lahat. Yep, ganoon iyon. Ganito ang kalakaran ng pagiging tao.
"Jade?"
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa pamilyar na taong humarang sa daanan ko. Mas lalo yata akong nawala sa mood at pakiramdam ko ay may hint na ng mainit na air vent sa bumbunan ko.
"Oh, Charles." Walang ganang bati ko na mukhang hindi naman niya napansin. Nakangiti pa rin, eh. Pero pansin kong mahiyain siyang lalaki. "Wala kang kasama?"
"Wala, eh. Mga naggala." Napakamot siya sa ulo. "Ikaw po?"
"Lakad-lakad lang. Boring sa bahay."
"Oh. Si South po ba nasa bahay pa?"
Magtataas na sana ako ng kilay pero nagpigil lang ako. "Bakit?"
"Dadalawin ko sana." Napahawak siya sa batok niya, usual boyish gesture. "Tsaka aayain ko na ring gumala. Ikaw po, baka gusto mong sumama."
I tapped the handle of the umbrella. Pumupuntos na sa akin itong lalaking 'to, eh. "Tapatin mo nga ako, Charles. May gusto ka ba kay South?"
Para kang selosong girlfriend kung makapagtanong, Jade.
No. Curious lang ako.
Hindi ko alam kung mainit lang ba or something pero parang kamatis na namula ang torpeng binatang nasa harap ko. Nahihiyang ngumiti siya bago tumango. "Matagal na rin."
Hindi ko tinatanong!
"Kaso nakakatorpe siya, eh." Oh, congrats, parehas tayo. "Alam mo yung minsan na parang nakak-intimidate yung ugali niya. Tsaka...tingnan mo," Nagkibit-balikat siya. "Walang-wala ako kumpara kay South. Sa basketball nga hindi ko pa siya matalo, eh."
Napatitig ako sa kanya. Pansin na pansin ko kung gaano siya natotorpe at kung gaano siyang nanliliit sa sarili niya. Ano ba 'to, kakumpetensiya ko siya so bakit ako naaawa?
"Ministop tayo?" Alok ko, "Para makapag-usap tayo ng masinsinan."
"Ah, eh, s-sige."
--
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...