Miracle
--
Totoo ba ang miracle? Para sa akin, oo.
Siguro minsan, hindi lang natin napapansin na mayro'n talagang miracle sa dami nang nangyayari sa atin araw-araw. Kahit sa mga random na sitwasyon ay may nangyayari ding miracle, minsan maliit at minsan naman malaki. Kailangan lang natin ma-realize na meron talaga.
Hindi naman kasi kailangan na kapag himala ay banal na banal agad ang dating. Hindi naman kailangang ma-beat yung bagay na imposibleng mangyari. Miracle happens when we least expect it to happen. Miracle comes in different form, different way, even in different circumstances.
Nasa labas ako ng kwarto ni South. Hinihintay ko kasi siyang matapos mag-ayos. Gusto ko sanang pumasok sa loob ang kaso lang mabilis niya akong pinagsaraduhan ng pinto, muntik pa ngang mauntog yung ilong ko kung hindi lang ako nakaatras. At talagang ni-lock pa!
Pero ayos lang, at least pumayag siyang magsimba ngayong Linggo. Magsimba, a first time! At para sa akin isang miracle na mapapayag ko siyang sumama sa amin ng mga kapatid niya!
"But if ever someone would be able to convince me to take my time going to church and praise Him, I'll give him or her a round of applause."
Napahagikhik ako nang maalala ko yung sinabi niya dati. Hay. Akala ko talaga imposibleng ma-convince ko siya pero tingnan mo nga naman. Ito ako ngayon at naghihintay na lumabas siya.
Sino ba namang makapagsasabing ganito ako kalakas sa kanya, 'di ba? Mahal niya talaga ako, eh. The feeling is, oh, so mutual. Kilig!
Natigilan at napatulala ako nang bumukas ang pintuan ni Bata. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napalunok pa ako kahit feeling ko biglang natuyo ang aking lalamunan. Sobrang ganda niya sa suot na pink dress.
Natauhan lang ako nang hawakan niya ako sa chin para itikom ang bibig ko. Literal na napanganga pala ako sa kanya.
"Para kang namaligno." Monotone na sabi niya na ikinasimangot ko.
Namaligno agad? Hindi pwedeng gandang-ganda lang sa kanya?
"Ang sama talaga ng ugali mo." Naiinis na sabi ko pero todo titig pa rin naman sa kanya. Mula sa buhok niyang naka-high pony, sa kanyang asul na mata, sa suot na damit, at maging sa sandals ng kanyang paa. "Pasalamat ka maganda ka."
"Thank you." May pagka-sarcastic na sagot niya. "Halika na."
"Wait lang." Pigil ko bago siya hilahin papasok ng kwarto niya. Sinara ko ang pinto at ni-lock. Isinandal ko siya na ikinakunot ng noo niya. Nginitian ko siya ng matamis. "Ang ganda mo."
Nag-poker face siya at hindi man lang sumagot. Mukhang hinihintay ang sunod kong sasabihin. O gagawin.
Hinapit ko siya sa baywang. Yumuko ako at walang pasabing hinalikan siya. Napangiti ako nang humalik din siya pabalik. Hindi talaga ako magsasawa sa lips niyang sobrang lambot. Napahawak si South sa magkabilang balikat ko when I started to deepened the kiss, embracing her tongue with mine.
Niyakap ko siya para mas mapalapit sa akin, tumaas ang isang kamay ko sa likuran niya habang nanatili ang isa sa baywang. Pakiramdam ko mas uminit yung nararamdaman ko nang marinig ko yung mahinang pag-ungol niya kasabay ng pagdiin ng daliri nito sa balikat ko.
Nakakabaliw ka, South.
Tiningnan ko siya sa mata nang maglayo ang mga labi namin. Rinig na rinig yung malalalim naming paghinga. Her face is red at sure akong gano'n din ako.
"Stop staring." Utos niya bago mag-iwas ng tingin. Napangiti na lang ako sa sobrang cute niya.
Inayos ko yung bangs niya. Pinadausdos ko yung daliri ko sa may sentido niya, papuntang tainga, pababa sa leeg, hanggang sa mag-settle ako sa collarbone niya.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...