Tears
--
"South, saan ka pupunta?"
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Tiningnan ko yung get up niya—naka-pony tail ng maayos at mahigpit ang wavy nitong buhok, nakasuot ng V-neck na plain white shirt, black watch on her left wrist, black skinny jeans, and a pair of shoes na Adidas ang tatak. Wala na rin itong saklay na tinigil na niyang gamitin ilang araw nang nakararaan.
Pero ang isang ikinakunot talaga ng noo ko ay ang dala nitong backpack. Para siyang magca-camping.
Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Unti-unting sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi niya. Feeling ko tuloy ay mas na-emphasized ng ngiting iyon ang kulay asul niyang mata. Halos mapatulala ako sa nakikita ko. Ang ganda niya...
"Maggagala lang."
Natauhan ako sa sinagot niya. "Ikaw lang mag-isa?"
"Bawal ba?"
"H-hindi naman, kaso..." Napakamot tuloy ako ng ulo. "Alam ba ito ni North?"
Masungit namang nagsalubong ang kilay niya. "Bakit?"
"Anong bakit?"
"Kailangan kong magpaalam?"
"Malamang!"
"Ah."
Napairap ako sa sobrang haba ng sagot niya. At gano'n na lang ang gulat ko nang bigla na lang siyang kumaripas ng takbo! Natuluyan na—patay! "South!"
Tinangka ko pa siyang habulin. Kaso nga lang, himalang nawala agad siya. Saan napunta iyong batang 'yon? Ang bilis namang nakatakas?
Bumuntong-hininga ako at lulugu-lugong pumasok ng bahay. Aalis na nga lang, yung biglaan pa. Ibang klase talaga.
"I heard you yelling." Muntik na akong mapatalon nang makita ko si North. Naman, timing pa! "Anong meron?"
"Ah, eh," Napangiwi ako kasi nagmumukha na naman akong ewan. "S-si South kasi. Biglang umalis."
"Saan daw pupunta?"
"Gagala raw."
"Saan?"
"Ewan."
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga. Wala rin siyang magagawa, eh. "Wait, anong araw ngayon?"
"Ahm, Sabado." Kunot-noong sagot ko.
"Date?"
"September—"
"Fuck," Natigilan ako nang magmura siya. "Birthday pala ni Dad ngayon." Bumakas sa mata nito ang lungkot, galit, and at the same time ay pag-aalala.
Pero bakit siya mag-aalala?
Isang malutong na mura ulit ang narinig ko na medyo nagpangiwi sa'kin. "North? Baby?"
"Shit." Bigla ay naging kabado na siya. "Hindi mo talaga alam kung saan ang punta niya?"
"Hindi nga. B-bakit ba?" Bigla na rin tuloy akong kinabahan. Ano ba naman 'tong taong ito. Nahahawa tuloy ako, eh.
"Baka kasi k-kung ano na namang gawin niya sa sarili niya."
"Ha?"
"Last year, same date, she was involved in an accident."
Para na yata akong ewan dito sa sobrang pagkabigla. What the heck. Accident? Why?
"Birthday ni Dad. Umalis siya no'n nang walang paalam." Simula niya. Yumuko siya at nanghihinang napaupo. Umupo na rin ako at hinawakan siya sa balikat for comfort. "Then, later that night, naka-receive na lang ako ng tawag na ayon nga, naaksidente siya. Bumangga 'yong sasakyan niya sa isang truck. Mabuti na nga lang at walang major injury. Pero nagka-fracture siya." Medyo nangiwi ako sa narinig. Masakit kaya iyon—
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...