Chapter 18

24.3K 958 216
                                    

Heartbreaker

--

University games.

Kahit na gusto ko na lang matulog sa bahay ay hindi ko magawa dahil required ang mga profs na um-attend. Buti na lang hindi ako ang isa sa mga naka-assign para gumawa ng mga kung anu-ano para mairaos itong one week event ng school.

Buti na lang isa sa mga player si South kaya kailangan present agad siya rito. Kaya ito ako, nakatanga sa kanya habang pinapanood siyang mag-practice. Ganda ng view...

Swerte yung mga students na hindi ni-required ng organization nilang pumunta at malas ang mga required dahil kailangan nilang gumawa ng report about sa mga activities na makikita nila. Nagsama-sama rito ang lahat ng mga students na galing pa sa ibat-ibang satellite ng campus kaya crowded talaga. Hindi ko na nga makita yung mga estudyante ko, eh.

Muling natuon ang attention ko kay South nang masaksihan ang move na ginawa niya. Ang ganda pa rin niyang tingnan sa suot na t-shirt na may logo ng school at ang name ng team nila, sa likod naman ng damit ay nakalagay ang surname niyang Hansen. Naka-jersey short naman siya na color green at kahit sino yata ay tiyak na maglalaway sa legs ng bulilit na batang ito. Naka-high pony rin ang wavy niyang buhok na umiindayog at sumusunod sa bawat galaw niya, sa paghabol ng shuttlecock, sa pagtalon, at sa pagtira. Napapatingin tuloy ako sa leeg niya.

Kagandang nilalang kahit pawisan. Hindi ko alam kung manyak lang ba talaga ako pagdating sa kanya o sadyang nasisiraan na ako ng bait pero ang lakas talaga ng dating ng asul niyang mata, at siyempre lalo na sa tuwing ngumingisi siya sa kalaro. Natulig ako nang mapatili itong mga babaeng estudyanteng nanonood sa practice game nina South. Natuluyan na itong mga ito.

"Go, Hansen!"

"Ang astig niya!"

"Kahit maliit ka, crush ka namin!"

"Go, Sia!"

"Hansen!"

"Sia! Kyah!"

Grabe naman sila mag-fangirling.

Aaminin kong magaling si South, pati yung kalaro niyang si Sia—ang tanging babaeng nakakasabay kay Bata, pero grabe lang, wagas na wagas sila mag-cheer. Practice game pa lang pero over na, paano pa kaya kapag nakalaban na nila yung iba? Baka sumabog na yung buong lugar sa ingay. Pinanood ko siyang magpunas ng pawis. Napabuntong-hininga na lang ako. Bigla akong nawala sa mood nang maalala ko yung nakakainis na sagot niya sa tanong ko.

"Huwag ka ngang tumingin lang!" Naaasar na naiilang na sabi ko. "Sino ngang crush mo?"

Ngumiti siya. Parang nanlambot naman yung tuhod ko sa ginawa niya.

South, huwag kang ganyan.

"Bakit gusto mong malaman?"

"Because I'm curious." Diretsong sagot ko.

Nag-tilt siya ng ulo na para bang ine-examine ako, then automatic na nawala ang ngiti sa labi niya. Binalik niya ang tingin sa libro. "Si Race."

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon