Chapter 14

24.8K 970 49
                                    

Interpretation

--

"Dahil gaganti ako."

Nakaramdam ako ng takot sa paraan ng pagkakasabi niya. Masyadong malapit sa tainga ko ang labi niya, kakaibang kilabot ang dala ng hininga nito sa pagkatao ko.

Nakakakilabot.

Parang nawala yung South na inosente. Pakiramdam ko maraming pumapasok at nagp-process sa isip niya na masyadong madilim at masalimuot.

"South, anong—" Hindi ko na natapos ang sasabibin ko dahil bigla na lang siyang humiwalay sa'kin at iniwan ako pati na rin ang mga gamit niya. "South..."

Napasandal ako at napabuntong-hininga. Ang hirap i-absorb ng nalaman ko. Napapaisip tuloy ako kung si South ba talaga ang kausap ko kanina. I'm pretty sure na siya 'yon, pero ibang-iba talaga ang side niya na 'yon.

Napatingin ako sa sketch pad niya. Wala na, pangit na yung gawa niya dahil sa charcoal. Nagkalat kasi, eh. Ang ganda sana kaso wala na, sayang naman.

Sinilip ko yung first page ng sketch pad ni South. Then, sa next page. Sa pang-limang page ay napakunot na ako ng noo. Hindi tapos 'yung drawing tsaka may mga hard stains din ng charcoal. Katulad ng ginawa niya kanina. Ibig sabihin hindi lang ito yung unang beses na nangyari sa kanya 'yon.

Sa dami ng iniisip niya, siguro nahihirapan din siya na ilabas ang nararamdaman niya. Sinilip ko pa yung ibang pages at may nakita ulit akong mga hindi tapos na artworks. Confirmed. This is not the first time.

Sinara ko ito at binitbit hanggang sa kwarto ko. Tingin ko hindi ako papasukin ni South sa room niya, nag-walk out nga sa'kin, eh. Baka ayaw niya muna ako makita. Tinago ko muna yung gamit niya kasama ng mga books na meron ako bago humiga sa kama at parang ewan na napatulala sa kisame. Hay, Bata, paano kita tutulungan kung napakailap mo?

Pero at least...nakapag-open na siya. Ngayon, anong gagawin ko para mas malaman ko ang lahat? Nako naman. Habang tumatagal ay mas nac-curious ako sa kanya. Normal pa ba 'to? Kulang na lang maging stalker ako, eh.

"Jade?"

Napalingon ako sa may pinto. "North."

Ngumiti siya bago lumapit at umupo sa gilid ng kama. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. "Hindi ka busy? Himala." May halong biro na sabi ko.

Nagkibit lang siya ng balikat. "Tapos ko na lahat. Ikaw parang wala kang ginagawa."

"Awesome ako, eh."

"Baliw."

Hindi na 'ko sumagot. Sasabihin ko ba sa kanya? Paano? At saka saan ako magsisimula? Paano ko ipapaliwanag ang mga nalaman ko?

"Jade, mukha kang problemado."

Napalunok ako. Pinilit kong hindi magpahalata na may problema nga. Parang hindi pa yata ako ready na magkuwento. "Wala. Pagod lang ako."

"Pagod sa pagiging tamad?"

Napatingin ako sa kanya. Nakataas ang kilay niya habang nakangisi. Aba, mukhang nasa mood 'tong bestfriend ko, ah. "Masarap kaya maging tamad."

"Asa." Inirapan niya ako. "Mas maganda pa rin yung nagsisipag ka para kapag natapos mo lahat ng dapat mong gawin ay mas maaga kang makakapagpahinga."

"Para ka talagang matanda, North." Komento ko sa kanya

"Matanda na talaga tayo." Napanguso ako nang batukan niya ako. Bigat ng kamay, eh. "Huwag ka mag-feeling bata riyan. Dapat nga sa edad nating 'to nag-aasawa na, eh."

"Sus!" Umismid ako. "Sabihin mo 'yan sa'kin kapag may asawa ka na. Ni boyfriend nga wala ka pa, eh."

"Wala akong mapiling matino." Sagot niya na paulit-ulit ko nang naririnig sa kanya.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon