Reset
--
"A-anong sabi mo?"
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko tuloy nagkamali ako ng dinig. Totoo ba 'yon o pinaglalaruan lang ako ng imagination ko? Did she really just said those three words?
Hindi ko rin mapagilang hindi mag-init ang pisngi lalo na nang mapatitig ako sa kanya.
Naka-poker face lang si South pero halatang-halata yung pamumula niya. So, tama talaga yung narinig ko? As in? Tama? Tama?
Pwedeng tumili sa tuwa? Oh, my gosh!
"South—"
"Bingi."
"Ano nga kasi yung sinabi mo?" Pag-uulit ko sa tanong. Gusto ko lang talaga marinig ulit para makasigurado ako. Baka kasi mamaya joke lang pala 'yon edi umasa na naman ako. "Ulitin mo!"
"Nasabi ko na." Malamig na tugon niya. "I don't want to repeat myself twice."
Napakamot ako sa leeg ko. Bigla akong nayamot lalo na nang talikuran niya ako. "Akala ko ba babawi ka? Eh, bakit ganyan ka pa rin?"
"I did say na babawi ako but that doesn't mean that I have to change the way I deal with you."
"Ewan ko sa'yo." Kunot-noong sambit ko. Sumandal ako sa upuan ko at nag-crossarm bago bumuntong-hininga. Hindi talaga siya si South kung hindi ako susungitan, eh.
Baka wala nang effect yung gamot, naisip ko. Ginawa ko namang adik si Bata.
Napahinga ulit ako nang malalim. Inayos ko yung buhok niya para hindi magkabuhul-buhol, wavy pa naman. Akala ko naman nakatulog na siya ulit kaya medyo nagulat ako nang lumingon siya paharap sa akin. "Ma'am."
Ayan na naman 'yang Ma'am na 'yan. "Bakit?"
Hindi siya umimik. Nakatingin lang sa akin yung asul niyang mata. Parang may bago. Parang...mas light yung pagka-blue nito ngayon.
Patuloy pa rin ako sa paghaplos ng buhok niya. Pinagmasdan ko yung kilay niya na medyo makapal, mas nagmumukha talaga siyang inosente sa kilay niya.
Inosenteng may attitude.
Bumaba yung tingin ko sa ilong niya, hanggang sa lips. Her lips are chapped and pale pero maganda pa rin sa paningin ko.
Inilapit ko ang mukha sa kanya at saglit na idinampi ang sariling labi sa labi niya. Saglit lang 'yon pero feeling ko may kiliting gumapang sa buong katawan ko dahil sa halik. I just felt the need to kiss her for no apparent reason.
Natawa ako sa loob-loob ko. Siyempre may reason. Simple lang─mahal ko siya.
Gano'n siguro talaga, kusa na lang na hinihingi ng pagkakataon na gawin namin yung isang bagay na halos hindi pinag-iisipan. Katulad ng halik.
You don't need to ask permission, it just happen naturally. Pero kung nasampal ka dahil sa halik, aba'y good luck na lang sa love life mo.
"I love you."
Ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa kanya bago naman siya halikan sa noo. "I love you too, South."
Dahil lang sa I love you niya, tanggal na lahat ng sakit. Sa kabila nang ginawa niyang pagtataboy sa akin noon, sa masasakit na salita, ito kami ngayon. Parang magic lang.
Pero at least, mayro'n na akong panghahawakan na mas matibay pa kaysa sa I like you. Ngayon masasabi kong worth it lahat ng nangyari and I'm so thankful for that.
"Edi sasagutin mo na ako niyan?" Nagtaas-baba ako ng kilay sa kanya, "Narinig ko na yung magic words mula sa'yo, eh."
Ibinuka niya ang bibig para lang itikom ulit. Parang may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan. Umiwas siya bigla ng tingin.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...