Star-Crossed
--
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung madi-disappoint ako o ano, eh. Pagkatapos kong ibuhos lahat-lahat ng emotion ko sa pag-confess sa kanya. Wala. Ito kami.
Back to zero.
Hindi ko alam kung anong problema niya, kung naiilang ba siya o naiinis sa akin, hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Parang lalo yata akong nababaliw sa kakaisip kung ano bang tumatakbo sa loob niya. Feeling ko hangin lang ako sa paligid na dinadaan-daanan lang ni South. Mas malala pa 'to kaysa sa dati.
Hay...
Tulad na lang ngayon. Umalis siya nang hindi man lang nakapagpaalam sa akin.
Kaninang umaga pa siya wala, akala ko nauna lang siyang bumangon kaysa sa akin pero, no, kung hindi pa sinabi sa akin ni Mama ay hindi ko pa malalaman na maagang umalis si South at hindi nagsabi kung ilang oras itong mawawala.
Napahilot ako sa sentido ko. Anong oras na ba? Gabi na pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Saan ba nagsusuut-suot yung batang 'yon? Hindi niya ba alam na alalang-alala na ako pati na sina Mama? Wala lang ba talaga sa kanya yung mga nararamdaman namin?
Ganoon ba talaga siya kalamig?
I sighed. Kanina ko pa siya tine-text—minu-minuto yata kung mag-message ako pero ni isang reply ay wala pa akong natatanggap. Namang buhay 'to, oo.
"Jade, anak?" Nakarinig ako ng ilang katok sa pinto. Si Mama. Lumapit ako at pinagbuksan niya, napangiti tuloy ako kasi naka-smile agad siya sa akin. "Ready ka na ba?"
"Opo, Ma."
Ipinatong niya ang kamay sa magkabilang balikat ko. Pinagmasdan niya akong maigi. "You're beautiful."
"Mana ako sa inyo ni Papa, eh." Kindat ko. Natawa kaming parehas sa sinabi ko.
Nakasuot ako ng isang Tback style na black dress. Exposed yung likuran ko pero sophisticated pa rin naman tingnan. Magbabaon naman ako ng jacket dahil for sure maya-maya lang din ay malamig na.
Light make up lang din ang in-apply ko at maayos na naka-high pony ang buhok ko, the usual lang, but I'm sure na presentable pa rin ang appearance ko dahil una sa lahat, related sa business yung party kung saan kami a-attend ni Papa kaya hindi pwedeng hindi ko ilugar ng tama ang sarili ko.
Kinakailangan kong sumama dahil kay Alvarez ang party na gaganapin, invited si Papa at nakalagay sa invitation card na maaaring magsama ang bisita ng isang kasama kaya ito, pati ako ay nakaayos.
"Hinihintay ka na ni Papa mo sa baba."
Kinuha ko yung sling bag at jacket ko sa kama bago sumunod sa Mama ko palabas. Pagdating namin sa sala ay naabutan ko pa si Papa na buhat-buhat si Timmy. Ang gwapo ng dating niya sa suot na three piece suit na kulay navy blue.
"Gwapo natin, Pa, ah." Puri ko.
"It runs in our blood." Pabiro ngunit totoo namang sagot niya. Binaba niya si Timmy pagkatapos itong halikan sa noo. Lumapit din siya kay Mama at nagpaalam dito tapos ay humalik sa lips. Bigla ko tuloy naalala si South.
Miss ko na agad yung lips niya.
"Let's go?" Pag-aya ni Papa. Iwinaglit ko muna sa isip ko yung mga kapraningan ko. Tumango ako sa kanya at sabay na naglakad palabas.
"Bye-bye, Papa, Ate!" Hyper na sigaw ni Timmy habang pakaway-kaway pa. Ngumiti ako sa kanya ng matamis at kumaway na rin. Gano'n din ang ginawa ko kay Mama.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...