Abstract Conflict
--
"Namatanda ka riyan."
Tiningnan ko ng masama si Hilaga na umupo sa tabi ko rito sa sofa. "Nakatulala lang namatanda na agad?"
"Biro lang." Tumawa siya at sumiksik sa'kin. Ako naman ay automatic na umakbay sa kanya. Wala lang, ganito kami minsan, eh. We're best friends. No more, no less. "Bakit namatanda ka?"
"Baliw." Tumawa ako bago siya sagutin ng matino. "Wala lang akong magawa."
Actually, naglalakbay ang isip ko kay South na siguro ay nakatengga na sa pamamahay ng kaibigan niya. Ano na kayang ginagawa no'n? Para kasing imposible sa kanya na mag-enjoy sa ibang lugar.
Kung sabagay, hindi ko pa naman siya kilala talaga.
"Ngayon lang ulit lumabas 'yon si South." Narinig kong sabi niya sa'kin. "No'ng huli kasing inaya siya ng mga kaibigan niya, birthday no'n ng isa sa pinaka-close niyang kaibigan."
"Anong nangyari? Hindi siya pumunta?"
Umiling siya. "She attended. Ilang araw rin siyang kinumbinsi at pinuntahan nina Elli para um-attend kasi masyadong matigas ang ulo ng kapatid ko. Wala siyang nakwento tungkol doon. Biruin mo, nagkulong lang siya sa kwarto. Paglabas niya no'n, ayan na," Tinuro niya ang ilan sa mga painting artworks na naka-display rito. "May mga nagawa na siyang painting. Nagulat nga kami, eh."
Tumayo ako at tiningnan ulit ang mga ipininta ni South. Ngayon ko lang ulit ito tiningnan ng malapitan. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga paintings kaya bihira ko lang din mapansin. Basta ang alam ko, maganda lahat ng gawa ni Bata.
"Feeling ko may problema 'yon si South." Nakalapit na siya sa'kin at kumapit sa braso ko. Pagtingin ko sa kanya ay ngumiti siya, pero halata mong nag-aalala, eh. "Kaso hindi naman siya nagkukwento. May naiisip akong reason kung bakit pero hindi ako sure."
"Pa'no mo nasabi?" tanong ko. Hindi naman kasi niya iisipin din 'yon kung walang reason, 'di ba? Kung may problema si South, bakit niya sasarilinin? Pansin ko naman na open silang magkakapatid sa isa't isa.
She sighed. "Hindi ako expert pero, alam mo yung interpretation sa mga shapes and images?" Tumango ako kaya nagpatuloy siya. "Alam mong psychology major ako. Masyadong disturbing yung mga paintings niya. Every artworks screams depression, guilt, pressure, and sadness."
Tiningnan ko ulit yung painting kaso hindi ko naman makita yung sinasabi niya. Oo na, zero ako sa ganyan. "Tingin mo, anong reason, North?"
Huminga siya ng malalim, "Remember our Mom's death?"
Tumango ako. That was...what, two years ago? Hindi ako nakapunta sa libing no'n dahil nasa ibang lugar ako. Inaayos ko kasi yung trouble na nangyari sa business ng Tatay ko. Ang alam ko lang, namatay ang Mama niya dahil sa malubhang sakit.
"It's a suicide." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What? Pero- "Sorry for not telling the truth. Noong mga panahon na kasi 'yon, hindi ko talaga matanggap na iniwan na niya kami. Kaya gumawa na lang ako ng ibang reason. Ayokong paniwalain ang sarili ko na sinadya niya kaming iwan."
Napahawak ako sa batok ko bago siya tapikin sa balikat. Medyo naiiyak na siya, eh. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin, though naiintindihan ko siya. Iba kasi yung kapag magulang mo ang nawala. Buong buhay natin, sila na kasama natin, eh. Bigla ko tuloy na-miss si Mama. "Okay lang kung huwag mo na ituloy ang kwento."
"Hindi, okay lang." Pinunasan niya ang luha na nakawala sa mata niya bago ngumiti, a lip tight smile. "Tingin ko nga si South ang mas apektado no'n. Wala siyang sinasabi na kahit ano sa'min, hindi rin siya sumama sa libing noon, hindi ko siya nakitang umiyak. Pero I know, nasasaktan siya." Humawak siya sa kamay ko. "Mom was diagnosed before. She had depression. Si Dad, marami siyang babae no'n, ewan." Nagkibit siya ng balikat. "Hindi naman siya gano'n dati, eh. Ganoon siguro ang nagagawa ng yaman sa ilan. Nabubulag sila. Ayon, h-hanggang sa hiniwalayan ni Dad si Mom-"
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...