Chapter 13

24.8K 1K 141
                                    

Black Glimpse

--

"Maingay ka."

Inirapan ko siya pero hindi na ako sumagot. Nagh-hum lang, maingay na agad. Tumikhim na lang ako at umayos ng upo. Pinapanood ko lang si South na mag-drawing. Hindi portrait ang ginagawa niya kung hindi isang lugar. Ewan ko nga lang kung ano.

Maya-maya lang ay parang hindi na siya mapakali at tiningnan ako ng masama. Ano na naman ang problema niya?

"Ganyan ka makatingin?" Kunot-noo kong tanong.

"Ikaw kasi."

"Ano?"

Umiwas siya ng tingin. "Wala."

Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil hindi ko siya ma-gets. Ang hirap niyang i-spell!

Nilapit ko ang mukha ko doon sa canvass niya. Para naman siyang ewan na bigla namang napaatras. Hala, allergic na ba 'to sa'kin? Kanina pa 'to, eh. Umatras na lang ulit ako at umiwas na ng tingin.

Hay, tinotopak na naman siguro 'tong batang 'to. Minsan naman okay siya, madalas hindi.

"South, may bisita ka, oh."

Napatingin ako kay West at napataas nang kilay nang makita ko kung sino ang kasama niya.

Charles.

"South, hello." Namumula pa siya ng batiin si South. Confirmed, may tama nga 'to sa Bata ko.

Hindi pwede,'oy! Nauna ako!

"Napadpad ka rito?" Tumayo si South at iniwan lang ang ginagawa niya. At talagang lumapit pa siya sa tukmol na 'yon, ah. "May kailangan ka?"

"A-ah," Napakamot siya sa ulo, ngingiti-ngiti. "Nag-aaya kasi mga tropa. Gagala raw. Sama ka?"

"Hmm..."

"Sige na, minsan lang naman, eh."

"Saan ba tayo?"

"Manila lang. Zoo. 'Yon kaya ng budget, eh." Tumawa ito na parang nahihiya. "Oh, ano?"

Huwag kang pumayag!

Napapikit ako at pasimpleng nagdasal. Lord, huwag mo na siya pasamahin. Nauna ako, eh. Pumoporma lang 'yan kay South! Mabuti intensyon ko kay Bata, promise! Medyo torpe lang ako pero aamin din ako!

"May ginagawa ako, eh. Next time na lang?"

Yes! Lord, ang bait mo!

"Gano'n ba." Bumakas ang disappointment sa boses ni Charles. "S-sige. Next time, ah. Bawal nang tumanggi."

"Oo naman."

Pagkatapos magpaalam ni Charles ay umalis na rin ito agad na bagsak ang balikat. Si South naman ay parang walang nangyari na bumalik sa puwesto namin at tinuloy na ang ginagawa. Si West? Ewan. Biglang nawala, eh.

Nag-start na ulit akong mag-hum dahil masaya ako. Siyempre, hindi sumama si South, eh. Mas makakasama ko pa siya. Buti na lang wala ngayon si North Baby kaya feeling ko, solong-solo ko na talaga ngayon si Bata.

"Ma'am."

"Hm?" Sagot ko. Himala, pinansin niya ako ngayon ng kusa.

Huminto na siya sa pagguhit. Sumandal siya at nag-unat bago ako tingnan. Magkatabi lang naman kami dahil parehas kaming nakaupo sa sofa. "Kuwento ka."

"Anong ikukuwento ko?" Tanong ko sa kanya. Anong nakain nito at gusto niyang magpakuwento?

"Kahit ano."

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon