Three words
--
"Ate South will going to be the Dad and, Ate," Humagikhik ang bunsong makulit pagkatingin sa'kin. Napakunot na kasi ako ng noo pagkarinig ko pa lang sa sinabi niya. "You're gonna be my Mom!"
Napailing ako. "Wait nga. Bakit si South ang lalaki?"
"That's what I want, eh." Sagot ni Timmy.
Napatingin ako kay South pero pinagtaasan lang niya ako ng kilay. Tingnan mo 'tong babaeng 'to, sinusungitan agad ako.
"And saka po kasi, unlike Ate South, mas girly ka po kumilos."
Napaisip ako. Well, may point siya.
Kung titingnan, medyo boyish nga kung kumilos si South pero mas nakaka-attract iyon sa paningin ko kasi nakikita ko pa rin yung feminine side niya. Pero kasi... "May tatay ba na mas maliit sa nanay?"
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata, expressionless as usual. "So you're saying how short I am?"
Patay. Napikon yata ang bata. "Hindi naman sa gano'n—"
"Then shut up."
Napabuntong hininga na lang ako. Napaka talaga. "Pasalamat ka..."
"What?"
"Mabait ako." Mahal kita.
"Ah."
"Let's start na po!" Ang masiglang saad ni Timmy. Humawak siya sa kamay ni South tapos itinulak ito palayo. "Kunwari po, Dad, kakauwi mo pa lang work. Tapos po, pasok ka na raw dito sa house tapos kiss mo si Mom tapos pati ako po, ah?"
Kiss.
Bumilis yung pintig ng puso ko sa narinig. Eh, saan naman kaya yung kiss? Ah, malamang sa cheeks lang. May kasama kaming bata, eh.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...