Epilogue

36.2K 1.2K 163
                                    

Halos gumewang kami sa sinasakyang bisikleta nang pisilin niya ang tiyan ko. "South!"

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Akala ko talaga sesemplang kami sa daanan, eh. Nakaka-distract naman kasi 'tong batang 'to.

"What?"

"Anong what ka riyan?" Balik tanong ko, "Huwag mong pisilin yung tiyan ko."

"Naiingit ako sa abs mo." Sagot niya sa akin. Kailangan kapag naiinggit, may kasamang pagpisil? Baka naman pinanggigigilan lang ako ng batang 'to? "Sa'kin flat lang."

"Edi magpa-abs ka. Pwede naman kitang samahan."

"Tinatamad ako."

Hindi na lang ako sumagot. Malapit na rin naman kaming makarating sa safe haven niya. Hindi ko rin alam kung anong topak ni Bata at naisipang niyang mag-picnic ngayon. Mabuti na lang maganda ang panahon at hindi masyadong mainit.

Itinabi ko yung bisikleta sa isang puno at nilagyan ng chain. Tinulungan ko naman si South na magbitbit ng dala niya, mabigat din yung backpack.

Ako yung nag-ayos ng lahat. Ako yung naglatag ng pansapin sa damuhan at naglagay ng mga pagkain habang si South eh naka-crossarm habang nakatayo. Pinapanood lang ako.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Talagang ayaw mo akong tulungan, 'no?" Tanong ko. Naasar ako lalo nang magkibit-balikat lang siya.

Pinaupo ko na siya nang matapos. Nakasandal siya sa malaking puno habang pinaghahain ko siya. Parang bata kasi si South talaga, kailangang pinaghahain pa kasi tamad maghain para sa sarili niya.

Nauubos na rin yung laman ng bulsa ko dahil ang takaw niya. Nagrereklamo ako pero wala naman akong magagawa. Wala, eh. Mahal ko 'tong girlfriend ko kahit ang bad niya sa'kin. Hay... girlfriend. Kakilig!

Naka-tattoo na sa puso't isip ko yung araw na nagtanong siya sa akin kung pwede ba niya akong maging girlfriend. At siyempre, sino ba naman ako para mag-inarte, 'di ba? Si South na ang nagtanong, oh. Edi yes na agad!

Sobrang memorable lang no'n. Naging kami noong twentieth birthday niya, ang araw kung kailan tuluyang nagkaayos sila ng Papa niya at ng bagong pamilya nito.

May mga bagay pa rin na hindi na maibabalik sa dati. Hindi na bumalik sa bahay nina North yung Papa niya dahil nga sa bagong pamilya nito pero madalas naman kung dumalaw ito kasama ang anak na si Miko, ang half-brother nila.

Nakilala na rin namin yung stepsister nila na Mary Jane ang pangalan. Kasing edad ni South 'yon pero siyempre...mas matangkad si Mary Jane!

Kawawa naman ang girlfriend kong kinulang sa height pero bawing-bawi naman sa talino, talent, at pagiging sporty. Ayon nga lang, sobrang moody. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-spell takbo ng ugali niya. Minsan mabait, minsan hindi.

Yung The Hansen, malakas pa rin. Hanggang ngayon, marami pa ring gustong bumili ng mga artworks ni Bata na naka-display doon. At siyempre, feeling anonymous pa rin 'tong katabi ko. Ayaw talaga ng attention.

Once a week naman kung dumalaw kami sa puntod ng Mama nila. Parang panata na nga niyang gawin 'yon, eh. At hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay kapag nakikita siyang umiiyak. Alam ko naman na sinisisi pa rin niya yung sarili niya kung bakit nawala ang sariling Ina.

At palagi lang akong nasa tabi niya para ipaalalang may kasama na siya sa pagbubuhat ng mga pain niya. Ayoko nang maulit yung dati.

Mabilis na natapos kumain si South. As usual, lagi naman siyang sundalo kumain samantalang nangangalahati pa lang ako.

Tahimik na pinanood ko lang siya habang inilalabas ang dalang sketchpad at Staedtler pencil. Nasanay na ako na makita siyang nagd-drawing lalo na kapag nandito kami sa safe haven niya. At ako naman, kuntento nang pinapanood siya.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon