Tomb's Secret
--
Tapos na ang exam. South Hansen, one of my student...nakakaloka lang na nag-top siya sa klase. Hindi lang sa klase ko kung hindi sa buong subjects niya. Hindi ko alam kung pa'no niya nagagawa 'yon pero isa lang ang masasabi ko...hype siya sa galing!
Sasabay na sana ako sa kanyang umuwi dahil wala na rin naman akong gagawin pero nagtaka ako nang mamataan siyang naglalakad palabas ng school, nakita ko siyang sumakay ng taxi at kumunot ang noo ko dahil sa ibang direksyon dumaan ang sasakyan. Saan pupunta 'yon?
Kaagad din akong sumakay sa sunod na sasakyang huminto. "Manong, pakisundan po 'yong isang taxi na kakaalis lang." Sabi ko sa driver na tumango lang at pinaandar na ang minamaneho. Uwian na at medyo traffic, buti na lang at medyo expert itong si manong sa pagsunod sa sasakyan nina South kaya medyo kalmado lang ako. More on, nagtataka. Saan naman kaya pupunta 'yon? Ng ganitong oras, seriously?
Hindi kaya may boyfriend na talaga 'tong batang ito at nagbabalak na mag-date sila? O hindi kaya pupunta siya doon sa pinuntahan niya last time? Pero hindi naman ito ang daan.
Huminto ang sasakyan sa isang flower shop. Pumasok do'n si South kaya naka-standby lang kami rito sa gilid, malapit lang din sa sinakyan niya. Wala pang ilang minuto ay lumabas na siya dala ang isang bungkos ng bulaklak. Yayamanin. Sumakay ulit siya kaya sumunod na naman ulit kami. Mukhang hindi na naman makatiis na tahimik si manong kaya nagsimula na siyang magtanong, "Ma'am, kilala ninyo po ba 'yong sinusundan natin?"
Mukha namang mabait si manong, eh, pero ayoko naman magsabi na hindi kami magkaanu-ano talaga ni South kaya... "Opo, kapatid ko po."
"Ah."
Pero sa totoo lang, tingin ko, student-teacher lang talaga ang masasabi kong connection namin. Magkaibigan na ba kami? Hindi ko alam. Hay!
Bakit ba kasi nagkagusto ako sa babaeng weirdo na 'yon? Napakamot na lang ako sa may pisngi ko. Kapag iniisip ko yung mga dahilan ay talaga namang feeling ko ay magkakasakit ako sa stress. Bakit nga ba? Bukod sa maganda naman siya kahit maliit pero sexy, masungit at sarcastic, moody, mysterious...ano pa nga ba? Bukod sa marami siyang kayang gawin?
Biglang pumasok sa isip ko ang imahe niya na nakangiti. Yeah. Dahil sa smile niya.
Napairap na lang ako dahil do'n. Ang korni!
"Ma'am, ayos lang po kayo?" Tanong sa'kin ni manong, nakita yata 'yong pag-irap ko. Ngumiti naman ako at tumango. Nakakahiya ka, Jade!
Nagiging familiar na 'yong dinadaanan namin. Okay, parang nagkaka-hint na 'ko kung saan pupunta si South. Daan 'to papunta sa cemetery. Hindi ko alam kung dito 'yon pero parang tama ang hinala ko, wala naman siguro siyang pupuntahang iba, 'di ba?
Nagbayad na 'ko kay Manong pagkababa ko. Hinintay kong makalayo ng kaunti si South bago ko siya sundan. Dala ang bulaklak ay naglakad siya ng diretso, nagtatago naman ako sa gilid sa tuwing mapapalingon siya sa likuran niya, ingat na ingat akong huwag mapansin. Baka tarayan na naman niya 'ko kapag nakita ako.
Huminto na siya finally sa isang puntod. Umupo siya, ipinatong ang bulaklak sa puntod at isinandal ang mga braso sa tuhod. Tahimik lang siya. Mas lumapit ako at pumuwesto sa may puno na pinakamalapit sa kanya, napalingon pa nga siya, eh. Ang lakas ng pakiramdam.
Tahimik at mahingin ang lugar, wala ring mga tao sa mga oras na 'to, pero may mangilan-ngilan akong puntod na nakitang may mga bulaklak o pagkain, sign na may mga dumalaw rin sa mga taong inilibing dito.
Unlike those stories, maganda ang lugar at maaliwalas, bagong tabas lang ang mga luntiang damo. Sa pag-ihip ng malamig na hangin ay panaka-nakang nahuhulog ang mga dahon mula sa matatayog na puno. Hindi ito katulad ng sa mga horror stories na tambayan ng nakakatakot na nilalang. Instead, the whole place looks like a sanctuary kung saan payapang nahihimlay ang mga yumao na at malamang ay nagsisilbing comfort zone ng mga taong nangungulila sa kanila.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...