Chapter 39

21.9K 880 102
                                    

Piece of Truth

--

"Race."

Napatingin siya sa akin pati na rin yung lalaking kasama niya.

Nanliit lalo yung singkit na niyang mata na para bang inaalala pa kung saan ako nakita. Hanggang sa nakita ko yung recognition sa mata niya.

She snapped her fingers. "Jade? Jade name mo, 'di ba?"

Tumango ako at pinakatitigan yung lalaking kasama niya. "Anong kailangan ninyo kay South?" Seryosong tanong ko. "Narinig ko ang usapan niyo. And you," Nagtaas ako ng kilay. "I'm sure nakita na kita kailan lang. Sa park at maging sa tapat ng bahay nina South."

Nagkatingin silang dalawa. Mukhang nabigla sa narinig.

Sa totoo lang ay may kutob na ako kung sino itong morenong lalaking 'to sa buhay ni South pero gusto ko pa ring i-confirm ang lahat sa kanya.

Medyo kabado na rin ako sa posibleng reason kung bakit nandito sila pero...bahala na! Iba naman ang past sa present, 'no.

Oo at hindi kami ni South pero ako pa rin ang present niya whether they like or not. At itong gwapong lalaking ito ay wala lang. Taasan mo lang ang fighting spirit mo, Jade Asia!

Malakas na bumuntong hininga si Race at nginitian ako ng tipid, kumapit siya sa braso no'ng lalaki. "Okay lang ba na makausap ka namin? Kahit saglit lang?"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na pumayag. Nag-decide kami na sa The Hansen na lang pumunta since familiar naman sila sa coffeeshop na iyon. May dalang car yung lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan kaya ayon na ang ginamit namin.

Sa loob ng ilang minutong biyahe, ni isa ay walang nag-attempt na magsalita. Feeling ko naiilang sila sa akin siguro kasi hindi nila ako kilala ng personal. Eh, ako rin naman. Sadyang mas curious lang ako. Wala nang ilang-ilang!

Hindi ganoon karami ang customers nang makarating kami sa pakay na lugar kaya mabilis lang din kaming nakahanap ng mapupuwestuhan.

Sasabihin ko sanang treat ko na ang order kaso mapilit si Race at sinabing siya na raw ang bahala dahil siya naman ang nag-aya. Wala namang imik yung lalaki habang patingin-tingin lang sa akin.

After no'n ay binalot na naman kami ng katahimikan. Yung music lang sa paligid at mga mahihinang usapan lang ng mga customers ang naririnig ko.

"So..." Tumikhim ako. Ano bang pag-uusapan namin?

"Uhm," Napatingin si Race sa kasama. "Jade, he is Dennis."

"E-ex boyfriend ako ni South." Finally, ay nagsalita na si Dennis. Pero hindi ko nagustuhan yung narinig ko even though ine-expect ko na iyon.

Natahimik ako. Ex...

Dumating na yung order. Wala pa ring nagsasalita ni isa sa amin. Alam ko namang ang awkward talaga ng atmosphere. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag yung naf-feel ko ngayon. Kaharap ko yung ex-boyfriend ni South. Totoo pala talaga yung nalaman ni West.

Nagseselos ako na naiinis, na nat-threaten. Ano ba 'to? Karibal? Anong sadya niya?

"Gusto mong makipagbalikan kay South kaya ka nagpaparamdam?" Diretsong tanong ko, muntik na siyang mabilaukan habang umiinom ng ice tea.

"N-no." Mabilis itong umiling. Nananahimik naman si Race, hinahayaan lang ang kasama na kausapin ako. "I'm..." Ibinaba niya ang hawak na inumin. He sighed deeply at bahagyang lumamlam ang mata nito. "I'm actually here to apologize. Wala akong balak na makipagbalikan kay South."

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon