New
--
Wala pa yatang thirty minutes ang lumilipas ay nagising na agad ako. Ang likot kasi ni South at maya't-mayang napapaungol. Mukhang nananaginip ito ng masama dahil kahit tulog ay nakakunot ang noo niya.
"South?" Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan itong hinaplos. "South?"
"M-Ma..." Mahinang usal nito.
Napabuntong hininga ako. Bumangon ako ng bahagya at hinalikan siya sa noo. Ito siguro talaga yung reason kung bakit ko siya nahuhuling gising sa madaling-araw. Siguro hindi niya rin kinakayang palaging makita ang ina niya kahit sa panaginip.
Ramdam ko na guilty siya sa kasalanan na hindi ko mapatunayan kung ginawa niya ba o hindi.
Yumakap muli ang mga braso niya sa katawan ko. Para siyang mahinang bata na nakakapit sa ina, humuhugot ng lakas. Hinagod ko ang mamasa-masang buhok niya dahil sa pawis. Malamig pero pinagpapawisan siya. Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa table sa gilid ng kama, halos pa-umaga na. Kailangan na rin namin talagang bumangon.
Hinawakan ko 'yong kamay niya. "South."
Unti-unti niyang dinilat ang mata niya. Kahit madilim ay naaaninag ko ang namumuong luha rito. Kaagad siyang sumiksik sa leeg ko.
"Don't look." Utos nito sa nanginginig na boses.
Hindi naman na ako sumagot. Hinagod ko lang ang likod niya. Mahihinang hikbi ang narinig ko. Napapikit na lang ako nang maramdaman kong nababasa na ang leeg ko ng luha niya. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko rin naman kasi sigurado kung ano talagang pinagdadaanan niya. Basta ako, kung kailangan niya ako, nandito lang ako.
Ganoon ko siya kagusto.
Hay. Ni hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko sa sarili ko. Tapos ang lakas pa ng loob ko na intindihin at unahin si South. Ganito na ba kalakas ang tama ko sa batang 'to? Patay ako kay North kapag nalaman niya 'to.
After ng ilang minutong pagsiksik niya sa'kin ay bumangon rin siya at parang walang nangyari na nagpahid ng luha. Nakaupo lang siya sa kama habang ako ay nakahiga lang at pinapanood siya. Okay...ano na ngayon?
"Ma'am." Tawag niya sa'kin. Medyo pumiyok pa.
"Hm?" Ang sakit lang sa tainga kapag gano'n ang tawag niya. Pero tinawag naman niya akong Jade bago kami matulog, eh. O panaginip lang 'yon? Sana hindi. Please, pagbigyan na.
Tumayo siya at nagbukas ng ilaw. Malaya ko na ngayong napagmasdan ang maganda niyang mukha, lalo na 'yong asul niyang mata. Hindi rin halata na umiyak siya. So pretty naman this girl. Pinanood ko siyang maglakad palapit sa'kin. Napalunok ako. Bakit ang sexy niya sa paningin ko?
Hoo. Heart, kalma. Huwag masyadong mabilis at baka marinig ka ni South ko. Ayokong makulong sa salang rape. Kalma!
Ay wait. South ko? Lakas makaangkin! Hindi bale na, ako lang naman ang may alam.
"Thank you."
Napatango na lang ako sa sinabi niya at ngumiti. 'Yung ngiti na may pahiwatig. Pero hindi niya siguro 'yon mage-gets. Saklap naman ng unrequited love. Tapos straight pa siya. Ang saya, grabe. Ang saya rin maging torpe.
"Gusto mo huwag ka munang pumasok? Baka lang hindi ka pa okay." Concern na suggestion ko.
"Wala akong sakit."
Napairap naman ako. Nakakainis pa rin siyang sumagot. Pilosopo, eh. May sakit lang ba ang pwedeng um-absent? Kung minsan talaga kahit may gusto ka sa isang tao, hindi mawawala yung maiinis ka pa rin. Mabait lang siya kapag tulog!
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...