Chapter 32

22.1K 921 65
                                    

Company

--

"Nandito na ang Papa mo."

Bigla akong napalingon kay Mama. Nandito kaming lahat sa dining room at sabay na nag-a-almusal. Kahit si South ay napahinto sa pagkain at napalingon sa akin, umiwas ako ng tingin. Baka ma-distract ako, eh. "Kailan pa po siya nakauwi? Hindi ko man lang napansin."

"Kaninang madaling-araw lang. Baka nasa office niya 'yon ngayon. Alam mo na." Ngiting sagot niya bago magkibit ng balikat.

"Office sa company or dito sa bahay?" I asked. Yes, kahit dito sa sarili naming pamamahay, dala-dala niya ang trabaho. Kaya ayoko ring sumunod sa yapak niya, eh. Mas busy pa siya kaysa sa akin na nagtuturo na.

"Here."

Napatango na lang ako bago pinagpatuloy ang pagkain. Siguro pupuntahan ko na lang siya after nito. Alam ko namang kailangang-kailangan namin mag-usap. Si Papa talaga, gusto pa talagang ako ang pupunta sa kanya.

"Ate, Ate!" Napatingin ako kay Timmy—at nasanay na rin akong nakadikit siya palagi kay South. Hindi ko alam kung anong meron sa batang nakukursunadahan ko't aliw na aliw ang sis ko sa kanya.

Eh, hindi naman siya gaanong pinapansin nito kapag magkakasama kami. Though nakikita ko yung pagiging touchy kay bunso.

"Sama ka sa'min, Ate South and I are going to play!"

"Sure." Maikling sagot ko bago siya ngitian ng matamis. Nagtitili-tili naman sa saya yung cutie kong kapatid.

"Timmy, your voice. Nakain tayo." Saway ni Mama.

"Sowwy!"


--

Dumiretso ako sa office ni Papa pagkatapos kumain. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok, hindi naman naka-lock, eh. Nakita ko kaagad si Papa—nakaupo sa kanyang trono, may suot na salamin, at kasakukuyang nagbabasa ng mga files. As usual.

"Papa."

Tumingin siya sa akin. Ngumiti siya bago ibaba ang hawak. Lumapit naman ako para salubungin siya ng yakap. Kahit may misunderstanding kami, hindi ko naman made-deny na miss na miss ko siya. Napangiti ako nang yakapin niya ako pabalik. Parang naiiyak yata ako. Papa kasi! Kahit na hindi kami okay, ganito pa rin siya. Ramdam ko pa rin na mahal niya ako.

"How's my daughter?" Bulong niya sa'kin.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya bago ngumiti. "I'm good. Same old, same old."

"You speak like an old hag," Biro ni Papa na ikinatawa ko.

"Ay, grabe siya."

Napangiti siya, pero para siyang si South sa bilis ng transition ng expression niya dahil biglang naging serious na yung mukha nito. "You know why I need you here."

Napatango ako. Naalala ko yung sinabi sa akin noon ni Mama kung bakit na rin napauwi ako. "Ano po bang nangyari? How did it happen—"

"May nangyayaring kakaiba."

"Kakaiba?" Natigilan ako sa sinabi niya.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon