She's Different
--
"South—"
Nabitin ang pagtawag ko sana sa kanya nang maabutan ko sila ng little sister ko sa living room na magkasamang nakaupo sa sofa. Kumunot ang noo ko. Bakit magkasama sila? Pasimple akong nakinig sa dalawa, medyo malapit lang din kasi ako sa pwesto ng mga ito. Pinagmasdan ko si Timmy at pansin ko ang aliw sa mukha niya.
Really, naaaliw siya kay South?
"Ate South, you're super pretty po!"
I heard her chuckled a little. "Mana ako sa'yo, eh."
"Wiee! Pero kamukha ko si Ate po, eh."
"You mean your Ate Jade?"
Automatic na yata yung mabilis na heartbeat ko kapag naririnig ko yung pangalan ko sa kanya. Feeling ko mas gumaganda ang pangalan ko. So corny.
"Yes po!" Ang pa-cute na sagot ng kapatid ko, tumatango ito at walang paalam na umupo sa lap ni South. Bigla akong nakaramdam ng inggit kahit hindi naman dapat. Gosh, Jade! Napa-childish mo! "Tsaka po, I don't want to look like you po." Wika nito bago humagikhik.
"And why is that?"
Is it just me o talagang ang lively ng boses ni South? Confirmed, mahilig nga siya sa bata kahit hindi niya ipahalata. That's...cute.
"Because I crush you po!" Tili ni Timmy. Parang gusto kong matawa kasi talagang pinupog niya ng halik yung mukha ni bata, may sound pa nga, eh. "Mmuah! I like you po, Ate South!"
Somehow, naaaliw talaga ako sa kanila. Mabuti na lang pala nakita ko sila, ang ganda ng timing ko. Pero animo'y huminto na lang bigla ang mundo ko nang marinig kong tumawa si South. Kitang-kita ko dito kung paano magliwanag yung mukha niya sa saya—parang hindi siya yung si Bata na madalas ay poker faced at talaga namang hindi ma-spell ang mood.
Mas gumanda ang ngiti niya, mas light na aura...ramdam kong mas minamahal ko siya.
Pero sa loob-loob ko, naiisip ko na sana ako ang dahilan ng nakikita kong sigla niya ngayon. Though ayos na rin 'to, at least hindi mga kaagaw ko ang may dahilan. Hindi ko ine-expect na mababaliw ako sa kaniya ng ganito.
"Sweet." Komento ni South bago i-pat yung ulo ng kapatid ko. "No wonder why you're like that, namana mo siguro sa sister mo."
Nagwala na naman yung puso pati na mga lamang-loob ko sa narinig. I-ibig bang sabihin no'n...tingin niya ba...
"Hmm!" Maagap na tumango ang nakababatang kapatid ko. "My Ate Jade, she's so cool and sweet and kind and, and, I wanna grow old and be like her!"
"And, and, and what?" May halong birong saad no'ng isa at sabay pang napahagikhik. Feeling ko lumulutang ako sa ulap sa nasasaksihan ko. Never did I imagine na maririnig ko si South na magb-baby voice. She's so damn cute! Gusto ko siyang i-lock sa room ko! "Kidding aside, you're too young, Timmy. Just enjoy being a kid. And isa pa, you're already like your Ate na."
"Really?" Nanlalaking mata ni baby sis, tumango yung isa. "Ate South, may question po ako."
"What is it?"
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...