Watched
--
Paano nga ba manligaw?
Isa 'yan sa paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kahit na ilang araw na rin ang lumipas simula nang sabihin ko kay South na liligawan ko siya—at gusto kong koronahan ang sarili ko dahil napakalakas ng loob kong banggitin iyon.
Liligawan ko si South at oo lang ang gusto kong makuhang sagot mula sa kanya.
Hindi ko alam kung anong totoong definition ng word na iyon but for me, ang panliligaw ay binubuo ng effort at sincerity. May iba kasi na nag-e-exert lang ng effort sa una pero kapag nakuha na ang gusto, e, ayon na. Magkakandaloko-loko na ang lahat. May iba naman na, oo nga't sincere pero kinapos naman sa effort.
How can you prove yourself by doing nothing, 'di ba?
Kung kaya ang effort at sincerity ay dapat na magkasama sa parehong level. Hindi pwedeng lamangan. Kaya Jade Asia Leighton, congrats! Graduate ka na nga talaga sa Torpe University.
Natawa ako sa sarili ko. Parang ewan mga pinag-iisip ko. Epekto na talaga 'to ng sobrang ka-in love-an kay South. Hay...kailan mo kaya ako sasagutin?
"You look stupid."
Napatingin ako sa kanya at nagbigay ng matamis na ngiti. As usual, wala pa ring expression ang mukha niya. "South."
Hindi siya sumagot.
Nandito kami ngayon sa park, nagpapahinga. Nag-jogging kasi kami at naglaro ng badminton at siyempre, hindi na naman ako manalo-nalo sa kanya.
Nakita rin namin yung mga tropa ni Charles na naglalaro ng basketball pero wala yung taong nabanggit ko mismo. Hindi na 'yon nagpakita simula nang sabihin ko na maghanap muna siya ng trabaho kung gusto niyang ligawan si bata.
Pero kung magiging prangka ako, kahit maging milyonaryo pa siya sa makuhang trabaho ay hindi pa rin ako makakapayag na may ibang umaligid kay South maliban na lang sa akin.
Ganoon ako ka-possessive na manliligaw.
Pinanood ko siyang pumikit at tumingala sa langit. Pawisan siya pero hindi naman iyon nakabawas sa ganda niya. Pinunasan ko siya gamit ng towel ko. Kinilig-kilig naman ako kasi hindi siya umangal or nagsungit. Bumaba yung pamunas sa leeg niya kaya napokus ang tingin ko rito.
I gulped. Naaakit na naman ako sa leeg ng batang 'to.
Bago pa ako makapag-commit ng kasalanan ay mabilis akong napainom ng tubig sa dalang inuman at nagbaling ng tingin sa ibang direksyon—para lang mapakunot ng noo.
Ilang metro mula rito ay may lalaking nakaupo sa bench. Ewan ko kung imagination ko lang pero parang naka-fixed yung tingin niya kay South.
Matipuno ang katawan nito kahit na may kapayatan. Nakasuot ng simpleng gray na shirt at maong na pantalon. Moreno pero gwapo kahit ganitong malayuan. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya bigla siyang tumayo at mabilis na umalis. Problema no'n?
Napatingin ako kay South at medyo natigilan kasi nakatingin na pala siya sa'kin. Napakamot ako sa leeg. "Bakit, South?"
"Wala."
"Ano nga 'yon?"
"Hungry."
"Ano?"
Tinitigan niya ako at tinaasan ng kilay. Hindi niya na ako hinintay makapagsalita dahil basta na lang niyang kinuha yung kamay ko at hinila paalis. "South—"
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...