Snapped
--
"Gail?" Nagtatakang tawag ko sa babaeng naabutan ko rito sa sala. Kakagising ko lang kaya feeling ko namamalikmata lang ako.
"Good morning." Ngumiti siya ng tipid, though pansin ko yung gulat sa mata niya. "D-dito ka nakatira?"
Tumango ako at napakamot sa leeg. "Ilang months na rin." Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n. Parang napapaisip. Eh, siya? Parang ngayon ko lang siya nakitang dumalaw dito. Or baka nadalaw na siya dito dati pero hindi lang ako aware?
Minsan talaga kahit kaibigan mo, hindi mo pa rin alam mga ginagawa nila sa buhay. Pinagmasdan ko si Gail. Hindi na yata mawawala yung pagka-boyish niya. "Eh, ikaw? Si North ba hinihintay mo?"
"Ah, oo." I was taken aback nang bigla siyang ngumiti. Para siyang kinikiliti. Pero biglang kumunot yung noo niya and napatingin sa may likuran ko, e di ako naman si lingon.
And there she is... Parang tumalon na naman yung puso ko na siya lang ang nakakagawa.
Relax...
Ang hirap lang talaga kontrolin ng mga nangyayari sa loob ko sa tuwing nakikita ko siya.
"South..." Mahinang sambit ko. Halatang inaantok pa siya, pipikit-pikit pa. Pero ang cute niya lang. Gusto ko siyang yakapin! "Good morning."
Tumango siya. Tumingin siya sa kasama ko bago ito taasan ng kilay. Kumunot yung noo ko, feeling ko may nangyayaring déjà vu.
"Who are you?" Ang medyo malditang tanong ni bata.
Mukhang nagulat si Gail sa attitude na natanggap niya kay South. Yung reaction kasi nito ay yung parang hindi mo alam kung maiinis ba siya o maguguluhan lang. Napakibit-balikat ako sa isip ko. Oh, well. I feel her. Eh, ganyan rin sa akin si South no'ng una kaming magkita, eh.
"Oh, guys."
Sabay kaming napalingon kay North na kalalabas lang siguro ng room niya. Pero pansin kong nakaayos siya ngayon. Nilingon ko si Gail. May lakad kaya sila?
"Ate." Malumanay na tawag ni South sa kapatid bago yumakap dito. "Breakfast..."
Napangiti naman si North at hinaplos ang buhok nito. "Magluluto ako."
"Okay."
"A-ate?" Takang tanong ni Gail. "M-may kapatid ka pala?"
Tumango si North bago ngumiti. Naglakad siya papuntang kusina kaya nakasunod lang kami. Umupo na ako agad, si South naman ang kaharap ko. Tiningnan ko si Gail, para siyang namamahay kung makapaglibot ng tingin. "Gail, okay ka lang?"
"Oo naman."
"Umupo ka." Utos ko na sinunod naman niya. Sa tabi ko siya pumuwesto. Nagsimula nang magluto si North habang kami, eh, wala. Tahimik lang.
Nakatingin lang ako kay South na naka-glue na naman ang mata sa cellphone. Grabe talaga 'tong batang 'to. Halos oras-oras na lang may ginagawa sa phone niya. Hindi ba 'yon nalo-lowbat? At saka parang hindi siya nauubusan ng babasahin. Eh, kahit nga dito sa library nila, may binabasa rin siya, eh.
Sunod namang napansin ko ay si Gail na kay North nakatingin. As in, parang doon lang kay bespren ang focus niya.
"Good morning!"
"Morning."
Napalingon kami doon sa kambal na kakarating pa lang. As usual, hyper na naman si East samantalang walang bakas ng expression na makikita kay West. Sabay silang napatingin sa bisitang nandito
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...