CONTENT WARNING: Readers' discretion is advice.
--
Mula rito sa office ni South ay pinapanood ko sa tv yung news about sa Dad niya. Nasangkot kasi ang kompanya nito dahil sa kinasangkutang krimen ng ilang sa empleyado niya.
Misappropriation of funds.
Walang kasalanan si Sir Luis pero dahil sa kapalpakan na 'yon, muntik nang mapahamak yung pangalan niya. But then, may posibilidad pa rin na maapektuhan ng nangyari ang tiwala ng lahat sa kanya.
Maraming pwedeng ipintas sa isang pangyayari lang. Gano'n sa mundo ng negosyo. Isang mali mo lang, pwede kang bumulusok pababa. Kahit na hindi ikaw ang direktang may kasalanan.
Tiningnan ko si South pero naka-focus lang ang tingin niya sa binabasang papeles. Kanina pa nga siya riyan, eh. Ni hindi man lang ako pinapansin.
Anong sense na may access na ako rito sa opisina niya kung parang hangin lang naman ako na ini-ignore ng batang 'to? Walang pinipiling lugar, kainis.
"South."
"It's not enough." Ibinaba niya ang hawak. Dahil katapat ko lang siya ay kitang-kita ko yung pagkunot ng noo niya. She looked disappointed. "Kulang pa yung nangyari sa kanya. I should investigate more."
Bigla akong natigilan. Huh?
Saka lang nag-sink in sa akin yung huling sinabi niya makalipas ang ilang segundong katatahimikan.
Investigate.
Ibig sabihin... Nakuyom ko ang palad. "Anong ginawa mo? Plano mo ba 'yon? South, mali 'yon!"
Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko nang wala akong makuhang sagot o reaction. Halos nasigawan ko na siya pero parang baliwala lang.
Ganyan ka ba, South? Pati sa'kin nagtatakip ka na ng tainga? Sarili mo na lang ba 'yang papakinggan mo?
I sighed. Sana mali yung naiisip ko. Sana mali dahil kapag totoo ang hinala ko, ewan. Hindi ko na alam ang gagawin. Sabi ko sa sarili ko, kahit anong mangyari, poprotektahan ko si South. Pero...hindi kaya yung sarili ko dapat ang protektahan ko? Pero mali. Protektahan ang sarili laban saan? Kanino?
Habang tumatagal, mas nalulunod si South. At ganoon din ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan na tuluyan na siyang lamunin ng kagustuhan niyang gumanti. Hindi na baleng ako ang mapunta sa ilalim, huwag lang siya.
Makakaya kong umahon pero si South, hindi.
"What I did is just a mere investigation." Mahinang saad niya dahilan para maputol yung iniisip ko. Tiningnan ko siya. Napansin ko na hindi siya makatingin sa akin. "Sila ang gumawa ng sarili nilang butas. All I did is to reveal what they created and let it destroy them."
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman. Hindi ko yata matatanggap kapag nagawa ni South na mag-resort sa illegal na idea. Pero feeling ko, kaunting tulak na lang ay magagawa niya 'yon. Maliit man o malaki ang possibility na makapag-commit siya ng gano'n, kailangan ko pa ring gumawa ng paraan. Pero wala akong maisip ng solution. Paano nga ba?
Pwede kayang makausap ko yung Dad ni Bata?
Siguro naman may pakialam pa rin siya anak niya. Oo nga't may ibang pamilya na siya pero kadugo niya pa rin sina South. Pero nakakaramdam ako ng kaunting takot sa naiisip.
Paano kung gawin ko nga 'yon at magalit sa akin si South? Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang tingnan niya ako ng may galit sa mata? Makakaya ko bang tanggapin kung sakaling may sabihin siyang makakasakit sa akin?
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...