Christmas
--
"Merry Christmas, South." Nakangiting bati ko sa girlfriend ko. "I love you."
"Two na ng umaga, Ma'am. Kanina ka pa nabati." Sagot niya sa akin na ikinasimangot ko. Tingnan mo 'tong batang 'to, wala talagang ka-sweet-an sa katawan, eh. "I love you, too."
"Naks, nagpaka-sweet siya ng kaunti." Ngiting-ngiting sabi ko sa kanya bago siya yakapin ng sobrang higpit. Wala namang reaction ang bata sa ginawa ko.
Nandito ako sa room niya, specifically, sa kama niya. Parehas kaming nakahiga. Balak ko talaga na magpalipas ng gabi kasama siya, eh. Baka nga ganito rin gawin ko sa New Year. Masarap kasing katabi si Bata at saka, mas nakakatulog ako ng maayos.
"Ngayon lang 'yan."
Hindi naman na ako nagsalita pa. Masaya lang talaga ako ngayon na malungkot. Masaya kasi ito yung first Christmas ko na kasama itong si South at sina North Malungkot din kasi ito rin yung unang Pasko na malayo sa family ko.
Siguro by next year, dadalhin ko rin si South sa amin. Sure naman akong papayag 'tong Bulilit ko, love niya ako, eh.
"Masaya ka, South?" I asked her. Pansin ko kasi na during the Noche Buena, eh, siya lang 'tong parang walang kamuang-muang sa nagaganap. Yung kambal nga akala mo birthday nila, eh. Si North din, halata mong nag-e-enjoy.
Pero itong batang 'to? Akala mo a-attend ng libing. Ang monotone pa bumati ng Merry Christmas. Napaka-poker face talaga.
"Sakto lang." Sagot niya, "Hindi talaga ako nae-excite sa Christmas. Para sa akin, katulad lang 'yon ng ibang ordinaryong araw."
"Eh, sa New Year?"
"Same."
"Kaya siguro hindi ka natangkad." Saad ko. Tinitigan niya ako ng masama kaya natawa ako. Pikon talaga kapag may kinalaman sa height niya, eh. "Hindi ka natalon kapag Bagong Taon, no?"
"Anong meron sa pagtalon?" Tanong niya sa mataray na tono. Nako, sumasama na naman ugali niya.
"Tatangkad daw kapag tumalon sa Bagong Taon." Sagot ka sa kanya bago pisilin ang pisngi niya. Wala naman siyang naging reaction sa ginawa ko maliban sa nakamamatay na titig.
"Is there any scientific evidences na nakakatangkad ang pagtalon kapag Bagong Taon?"
"Kailangan scientific evidence talaga?"
Hindi siya sumagot at basta na lang akong tinalikuran.
"Uy." Tawag ko. Sinundot ko yung tagiliran niya pero walang effect kasi robot girlfriend ko. Ni walang kiliti sa katawan.
Well, except na lang kapag hinahalikan siya sa leeg at tainga. Automatic na lumalabas ang kiliti. Napatawa na lang ako sa isip-isip ko. Harot ko.
"South." Tawag ko ulit pero wala, ignored na talaga ako. "South."
Iniyakap ko ang braso sa baywang niya bago siya dampian ng magaan na halik sa pisngi pababa sa leeg at batok niya. Sinubukan naman niya alisin yung braso ko pero hindi ako nagpapigil. "South, 'uy."
"Oh?"
"Galit ka?" Tanong ko. Umiling naman siya. "Edi harap ka na sa akin."
At dahil sumapi sa kanya ang spirit ng pagiging masunurin ay humarap nga siya sa akin. May bonus pang kiss sa lips. Umiling-iling siya sa akin na para bang nadidismaya. "Bakit ba ako na-in love sa'yo? Mas isip-bata ka pa sa'kin."
"Aray ko naman, para namang nagsisisi ka." Sambit ko na kunwari'y nasasaktan. Pero natatawa talaga ako. Sus, eh, anong magagawa ko kung kaibig-ibig ako?
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...