Not Giving Up
--
"I heard you right, no?"
Napalunok ako at napatingin sa mga artworks na naka-display rito sa gallery ng The Hansen. Siyempre, automatic nang si South ang unang pumasok sa isip ko. Tumango ako sa kanya. "Tama yung narinig mo, North."
Hindi kaagad siya nagsalita, pero narinig kong bumuntong hininga siya. Napatingin tuloy ako sa kanya at nahuli siyang nakangiti habang umiiling. Kumunot ang noo ko. Problema nito? "Sabi na nga ba, eh."
"Huh?"
"Tama ako ng kutob." Ngumisi si North at naglakad papunta sa may isolated na part ng lugar. Kaunti lang mga tao ngayon pero paniguradong pansamantala lang itong ganitong sobrang tahimik na ambiance. "Napapansin ko naman na parang may iba."
Nakaramdam ako ng weird. "Ibig sabihin..."
"Alam ko nang in love ka kay South." Tumawa siya tapos umiling ulit. "Ang obvious mo kaya!"
Naramdaman kong nag-iinit yung pisngi ko. Halata ba talaga ako? Samantalang nag-ingat naman ako sa kilos ko. Ang reckless mo, Jade. "Hindi ka galit?"
"Bakit ako magagalit?"
"Uh, kasi gusto ko yung kapatid mo?" Balik na tanong ko.
"Hindi." She answered, "Wala naman akong magagawa. At isa pa, ano bang dapat kong gawin?"
"Bakit binabalik mo sa akin yung tanong?"
"Bakit kasi ganyan ka mag-isip?"
Umirap ako. "Malay ko ba kung off-limits si South."
"Jade, ano ka ba. Best friend kita." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Hindi kita mapipigilan kung 'yan ang naf-feel mo sa kapatid ko. Anong magagawa ko, kung..." Nagkibit siya ng balikat. "Kung irresistible kaming mga Hansen?"
Natawa ako ng malakas sa kahanginan niya. Nakakaloko! "Anong nakain mo, North?" Tumawa ulit ako. "Ang hangin, ah—ouch!" Napahawak ako sa noo ko na pinitik niya. Ang sakit!
"Minsan na lang magbiro, eh." Ayan na, nagsungit na naman siya.
"Thank you, ah," Niyakap ko siya sa baywang at hinalikan sa pisngi. "Salamat kasi hindi ka nagalit sa akin o kung ano pa man."
"Malamang." Maikling tugon niya pero sapat na para maintindihan ko kung anong gusto niyang iparating. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Sobrang nakahinga talaga ako ng maluwag kasi nasabi ko na rin kay North yung nararamdaman ko para sa kapatid niya. Akala ko kasi noong una ay magagalit siya kaya masaya sa pakiramdam na tinanggap niya pa rin ako. Pero siyempre, may part pa rin sa loob ko na nasasaktan.
Nakauwi na kami ni South mula sa bahay namin. Ilang araw lang naman ang itinagal namin kasi kailangan pa ni bata na mag-enrol para sa second semester at ako naman ay may mga responsibility pa bilang isang professor.
Malungkot ako kasi matagal na naman bago ko ulit makita ang mga magulang ko pati na ang kapatid ko. Pero mas nakakalungkot na ang laki ng nagbago sa pagitan namin ni South pero ang layo niya pa rin. Hindi ko siya maabot.
Nasa school siya ngayon para asikasuhin ang dapat gawin samantalang ako ay nandito sa coffeeshop nila, nag-u-unwind.
Mula nang makauwi kami ay hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko alam kung umiiwas lang ba siya o ano pero pansin ko na mas lumamig ang pakikitungo niya. Ganoon na lang ba 'yon?
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...