Haven
--
I texted them at napagkasunduang sa mall na lang kami which is sa kalapit na city lang. Nagbihis na ulit ako ng pang-porma.
"North Baby, na-receive mo yung text nina Jean?" Tanong ko pagkapasok ko sa kwarto niya. This time ay hindi ko na kinalimutang kumatok. Ayoko nang maranasan ulit yung binato niya ako ng suklay noong pumasok ako nang walang paalam dati dahil lang sa naabutan ko siyang nagbibihis noon. Masakit kaya.
Kinuha niya yung cellphone niya sa kama. She looked not surprised. "Oh. Meron pala."
Hay nako. "Ano ba 'yang selpon mo, display? Hindi man lang i-check." Inirapan niya lang ako. Fine. Edi siya na hindi mahilig sa selpon. "Halika na."
"Anong halika na?"
"Duh," Napapadyak na 'ko sa kaanuhan niya. "Malamang sasama ka. Magpakatao ka muna, 'oy."
"Tao naman ako, ah?" Ayan na, nagsusungit na naman siya.
Bago pa siya maghuramentado ay hinila ko na siya papuntang banyo at inabot ang towel niya. "Maligo ka na. Ihahanda ko na susuotin mo."
--
"Mga mehn!" Bungad ni Apple nang makita namin siya. Dito kami sa food court magkikita at si Mansanas Payat pa lang ang nandito.
Umupo kami ni North na mukhang maayos na ang mood. Hindi gaanong marami ang mga taong nag-o-occupy ngayon sa lugar kaya keri lang. Si Apple ay isa sa mga highschool friends ko noon. She's an IT specialist na ngayon pero wala namang nagbago sa kanya. Payatot pa rin, cute, and may malalim na dimple sa magkabilang pisngi. Still single though.
"Si Jean?" tanong ni North.
"Gano'n pa rin."
Sabay kaming natawa. Si Jean ang buhay na halimbawa namin ng Filipino time. Siya ang nagpasimuno nito pero partida, huli siyang dadating.
"Nag-text na si Yuka, hinahanap na niya yung puwesto natin."
"Uy!" At ayan na nga siya. Yuka, ang aming nag-iisang troops na hotel manager. Cute siya at mahinhin kumilos pero huwag padadala sa kainosentehan niya dahil puro kamanyakan ang nalabas sa bibig niyan. "Oh, Apple, mukhang puyat ka, ah. Yiiiii, sinong pinagod mo?"
Si Apple talaga ang madalas naming mapagtripan bukod kay Northy. Eh, paano, parang tanga kung maasar at magalit, nakangiti pa rin. May sira yata ang facial expression.
"Baliw!"
"Yiii!"
Sumunod namang dumating si Gail na as usual, ang pinakaunang sasabihin ay...
"Nandiyan na si Jean?"
"Wala!" sabay-sabay naming sagot. Lagi na lang 'yon unang lumalabas sa bibig niya tuwing may meet up.
Si Gail ay isang flight attendant na isang hardcore gamer. Himalang sumama siya ngayon. Usually kasi, kapag wala siyang work ay magdadahilan lang 'yan na busy para walang umistorbo sa kanyang paglalaro.
Saglit pa kaming nagkuwentuhan. Maya-maya lang din ay dumating na rin sa wakas ang pasimuno ng lahat.
"Guys! Sorry late ako─"
"Lagi naman!"
"Sorry nga!"
Si Jean, ang babaeng minsang nangarap na maging reporter pero naging dietrician ang ending. Expect the unexpected. Siya ang nag-iisa sa barkada na halimaw maggitara, maganda rin ang boses niya kaya madalas kaming mag-jamming noon.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...