Token of Gratefulness
--
"Aray naman."
Inirapan ko siya kahit na panay ang tingin niya sa akin ng masama. Tingnan mo 'tong batang ito, na-injured na't lahat-lahat pero nagagawa pa ring magtaray. "Huwag ka kasing malikot."
"Eh, masakit."
Hindi ko na lang siya pinansin at pinapagpatuloy na lang ang paglalagay ng benda sa paa niya. Hay nako. Bago pa matapos ang University Games ay umuwi na agad sina North kasama itong si South dahil na-aksidente nga si Bata habang naglalaro. Nagkamali ng pagbagsak yung paa niya kaya ayon. Pilay-pilay siya ngayon. Gusto ko man sumama noon sa kanila ay hindi ko magawa kasi may responsibility ako bilang guro kaya pinilit ko talagang makapag-concentrate kahit na sobrang nag-aalala ako.
Kaya ngayon ako bumabawi. "Oh, ayan, ayos na."
Tumango siya at tumayo gamit ng crutch niya. Hindi ko na siya inalalayan at baka sumama lang ang araw ko.
Kahapon kasi ay hindi niya ako pinansin buong maghapon nang tinulungan ko siyang maglakad. Ayaw niya siguro ng gano'n. Aba, e, kung ayaw niya, edi huwag.
"T...thank you."
Napalingon ako sa kanya. Pansin ko yung pamumula ng mukha ni South habang hindi siya makatingin sa akin. Mahina lang yung pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko. Ito na naman yung puso kong OA kung kiligin!
"Anong sinabi mo?" Tanong ko. Wala lang, gusto ko lang ulitin niya. Makabawi man lang ako sa katarayan niya.
"Wala." Umirap siya at tinalikuran ako. "Bibingi-bingi."
Nangingiti na lang ako habang pinapanood siyang maglakad palabas hanggang sa maiwan ako dito sa kwarto niya. Napabuntong-hininga na lang ako bago humiga at nilanghap ang amoy na naiwan sa kanyang kama. Always smells so good...
Makalipas ang ilang minutong pagpikit at pagpapantasya sa higaan ng nag-iisang batang nagustuhan ko ay kaagad din naman akong bumangon para hanapin siya. Well, hindi na pala kailangang hanapin dahil alam ko kung saan siya madalas tumambay.
Hapon na rin kaya malamang sa alamang ay nasa dining room iyon, nagbabasa sa Wattpad habang umiinom ng kape. Pagpunta ko sa destinasyon ay naabutan ko nga siyang prenteng nakaupo habang tutok ang mata sa phone. Napadpad ang tingin ko sa isa pang glass ng coffee na nasa lamesa. "Kanino iyang isa?"
"Sa iyo."
"Oh?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Pinagtimpla niya 'ko? As in?
Lumingon siya sa akin. Walang emosyon yung mukha niya habang matamang nakatitig sa akin. She sipped her drink soundly. "Dito ka. Upo."
"Oo na." Kunwari ay napipilitang sagot ko kahit na deep inside—ehem—masaya ako.
Huwag na tayo mag-inarte rito, tanggap ko naman sa sarili kong gusto ko siya so walang mawawala kung aaminin kong masaya ako. Umupo ako at kinuha yung kape. I took my first sip and sighed. Ang sarap naman...
"Stop smiling. You look like a creep."
Kaagad naman akong napalingon sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama pero ngumisi lang ito. "Masama ugali mo."
"Okay." Nakakaasar na sagot niya.
Wala na akong nagawa kung hindi ang umiling na lang. Ano pa bang aasahan ko sa isang South Hansen. "Pasalamat ka.. "
"Ano?" She asked. Ibinaba niya ang phone at uminom.
"Pasalamat ka..." Gusto kita. "Maganda ako."
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...