Chapter 41

24.1K 992 104
                                    

Borrowed Reality

--

Nandito ulit kami sa itinuturing na safe haven ni South. Alam ko naman na trespassing 'to pero, hayaan na nga lang. Wala namang makakahuli, eh. Ang tagal-tagal na rito ni bata na tumatambay pero mukhang wala namang umaabala sa kanya na kung sino rito.

Nakasandal siya sa puno kung saan ko siya unang nakita noong pumunta ako rito. Nakatingala siya sa langit. Ako naman, e, kuntento nang nakamasid sa kanya. Kuntento na akong magkatabi kami at magkasama.

Nasa gilid ko naman yung isang malaking paper bag na naglalaman ng mga pagkain na in-order namin nang dumaan kami sa mall. Katabi ng malaking paper ang isa pang maliit at medyo manipis na supot na papel na naglalaman ng pinabili niyang sketchbook at ilang pirasong lapis.

And, yes. Sa akin niya pinabayad lahat. Napakabait.

"Gusto mo na bang kumain?" tanong ko, "Mag-t-two na ng hapon, oh. Bakit ba kasi ayaw mong kumain sa mall?" At saka kanina pa ako inaaway ng tiyan ko. Nagrereklamo na.

"Maraming tao."

"Edi sana umuwi na agad tayo."

"Tinatamad ako."

Napakamot ako sa leeg. Ang hopeless kausapin ng babaeng 'to. Kanina pa kami bumabiyahe tapos magdadahilan siya na tinatamad siya.

"Gutom na ako." Malamig na sabi nito pagkatapos ng saglit na pananahimik.

Sa wakas!

Kinuha ko yung paper bag na malaki at kinuha yung laman no'n. Inabot ko sa kanya yung isa na mabilis naman niyang tinanggap. After no'n ay nagsimula na kaming kumain.

Bigla akong napangiti. Ang saya lang na ganito. Kasabay ko siyang kumain na kaming dalawa lang. Tahimik pero comfortable. Though alam ko naman na maraming tumatakbo sa isip niya kahit sa mga ganitong pagkakataon. Pero ano nga kaya ang mga iniisip mo, South?

Tungkol ba 'yon sa mga nangyari ngayong araw? Tungkol sa tatay mo? Sa mga plano mo?

Pumasok rin ba sa isip mo itong moment na 'to? Na magkasama tayo?

"I feel free, somehow." Narinig kong sabi niya. Halos patapos na siyang kumain samantalang ako ay nangangalahati pa lang. Ang bilis talaga.

"Bakit somehow?" Tanong ko after ko malunok ang nasa bibig. "May gusto ka pa bang gawin? Hindi ka ba satisfied sa mga nangyari?"

"I don't know." Simpleng sagot nito bago kumain ulit. "Siguro kasi hindi pa tapos ang lahat."

Tumahimik ako. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na magulo. Natutuwa ako na nagagawa na niyang mag-open ng ganito sa akin pero ang tanong...hanggang kailan?

Doon ako natatakot.

"Si Dennis, si Race, ang mga kaibigan ko," simula niya. Inilagay niya sa tabi ang pinagkainan. "They're my past. But that doesn't mean na hindi ako naapektuhan sa nangyari. It did. It felt good knowing that my thoughts about everything and anything would lessen. Naramdaman kong may nakalaya nang part sa loob ko but..."

Napalunok ako nang kunin niya yung paper bag na pinaglalagyan ng sketchpad at lapis niya. Ang lapit ni South sa akin. Bumalik siya sa pwesto niya. Yumuko. "It's not enough."

Walang imik na kinuha ko yung pinagkainan niya. Nilagay ko yun sa paper bag kasama nung akin. Alam ko naman kasi kung ano yung pinatutungkulan niya. Pagganti.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon