Stone's Dilemma
--
"Jade!"
Napaungol ako at napakunot ng noo. Ang aga-aga binubulabog ako ng babaeng 'to. Sinubukan kong idilat ang mata ko kaso masyadong mabigat ang talukap nito. Antok pa talaga ako, eh.
"Yuka, ang aga pa." Reklamo ko at napahikab pa. "Mamaya na lang."
"Pero—"
Hindi ko na hinintay sumagot yung nasa kabilang linya at pinatay na agad ang tawag. Binitawan ko ang cellphone at nagtalukbong ng kumot.
Ang dami kong inayos na mga school papers kahapon. Ang sakit ng ulo ko! Nakakainis pa na hindi man lang ako pinapansin ni South.
Puro ka na lang South! Obsessed ka na ba?
Napabuntong hininga ako. Hay. Siguro nga obsessed na ako. Masyado nang malakas tama ko sa bipolar na batang 'yon.
Pumasok na naman sa isip ko yung mukha niya. Yung maganda niyang mukha—her blue eyes, yung magandang buhok niya, yung pinkish niyang labi...
Napalunok ako.
Shit. Ano ba 'to. Ang aga-aga puro kahalayan pumapasok sa utak ko. Jade! Maghunus-dili ka!
Pero seryoso, anong pakiramdam na mahalikan ang isang South Hansen?
South, ang pink ng lips mo. Manipis. Parang ang sarap tikman. Anong pakiramdam? Anong lasa? Malambot kaya? Nakakaadik?
Nag-alis ako ng kumot at napasabunot sa sarili. "Nawala na tuloy yung antok ko!"
Bumangon na ko't kinuha ang cellphone ko. Wow. Tanghali na pala. Kaya naman pala tumatawag na si Yuka. Pinatayan ko pa ng tawag yung tao. Hindi bale na, kilala na naman niya ako, eh.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako ng kwarto. Hindi ko maiwasan na silipin ang kwarto niya. Sarado. Naka-lock. I'm not sure kung nasa loob ba siya o wala. Bigla tuloy akong kinabahan. What is my freaking problem about that kid? Nakakabaliw. Swear.
"Oh. Ngayon ka lang gumising?"
"Good morning din, North." Walang kwentang sagot ko sa kanya habang naupo sa pwesto ko.
Umiling naman siya at pinaghain ako. Ang galing talaga ng timing ko, palagi siyang nasa kusina kapag nababa ako.
Yey.
"Hapon na. One na ng hapon, 'oy, huwag mo akong ma-good morning diyan." Masungit na sabi niya sa'kin bago ihain sa harap ko yung kakainin ko. Sarap naman. Sinigang. Peyborit!
"Alam mo, Babe," Simula ko habang tinuturo siya gamit ng kutsara ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Huwag ka masyadong natataray. Tatanda ka na talagang dalaga niyan. Sige ka."
"So?"
Inirapan ko siya at kumain na lang.
Sungit!
"Si South nga pala?" Tanong ko na hindi ko na napigilan. What the hell. Sige Jade, ibukas mo pa bibig mo at nang mahalata ka! "I-I mean, hindi ko pa siya nakikita. Pati na rin ang kambal."
Umupo siya pwesto sa harap ko. "May training si South. Yung kambal, may mga sariling gala."
"Eh, ikaw?"
"Anong ako?"
"Bakit nandito ka?"
Sukat doon ay inirapan niya ako. Grabe talaga 'tong bespren ko. "Bahay ko 'to."
"Mahal na mahal mo talaga ako, 'no?" Sarcastic na tanong ko. "Lagi mo akong sinusungitan, eh."
"Walang kuwenta kasi tanong mo." Tinaasan niya ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...