Father Image
--
Bumuntong-hininga ako for the nth time bago napatitig dito sa kasama kong ni hindi man lang ako kinibo simula nang makarating kami dito sa park. Paano ba naman kasi, yung ginagawa na lang niya yung pinapansin niya. In love na nga yata siya sa mga art materials niya, eh.
"South." Tawag ko pero ni hindi man lang huminto. "Uy."
Hindi pa rin siya namansin. Napasandal na lang ako sa bench at pinagmasdan siya. For the nth time. Naka-indian sit siya dito sa bench, nasa gitna namin yung bag niya maging yung ibang lapis at pang-color habang nasa lap naman niya ang sketch pad. Masyado na siyang tutok sa iginuguhit. Invisible na yata ako sa paningin niya.
"South," Tawag ko ulit kahit alam ko namang hindi rin effective.
Huminto siya. Napansin ko yung paggalaw ng mata niya. Nakatingin siya sa akin. "Ma'am."
"Yup?"
"Maingay ka."
Napairap ako. Maingay ako kahit hindi naman talaga maingay? Ni hindi ko nga siya dinadaldal. Kaysa naman siya, sumama-sama pa sa akin pero hindi naman pala ako kakauapin. Ano kaya 'yon?
Kung sabagay. Anong aasahan ko sa isang South Hansen?
"Anong dino-drawing mo?" Tanong ko na lang instead na patulan pa yung sinabi niyang maingay ako. Baka mamaya mabatukan ko pa siya.
Oh, well. Nabatukan ko na ba siya dati? Yung mga kaibigan niya siguro, nagagawa 'yon sa kanya dati. Pero hindi ba ang sabi niya, kaibigan na ang tingin niya sa akin? Pero parang hindi naman. Kasi sa mga kaibigan niya, medyo iba yung pakikitungo niya. Katulad na lang kay Elli, kay Rubio, at kay Race. Naiinggit ako.
Bakit masyadong hostile yung pakikitungo niya? May nagawa ba akong masama? Naalala ko yung unang beses na magkakilala kami, no'ng unang araw ko sa bahay nila. Ang taray niya. Wala raw siyang pakialam sa akin. Mukhang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang pakialam sa akin. Joke lang yata yung mga narinig ko kagabi, eh. Hindi ko maiwasang magtampo kahit na wala naman talaga akong pinanghahawakan na something concrete.
"Ma'am."
Nabalik yung attention ko sa kanya. "Bakit?"
"Hmm..." Ibinaba niya ang hawak na lapis at matamang tumingin sa akin. Nakaka-intimidate yung tingin niya na nakakalunod. Yung tipong gusto mong labanan yung tingin niya, mag-iwas ng tingin, pero hindi mo magawa kasi para kang nah-hypnotize.
Nag-tilt siya ng ulo na para bang curious siya sa kung anong meron sa akin. And for the first time, may nabasa ako sa mata niya. Mabilis lang 'yon dahil mabilis niyang pinalamig ang titig pero alam ko kung anong nakita ko.
Pag-aalinlangan.
Anong...bakit siya nag-aalinlangan?
"South, may gusto ka bang sabihin?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "Ah." Maikling reaction niya. Ibinalik niya yung atensiyon sa ginagawa. "How's your relationship with your..." Tumikhim siya. "Father?"
Kakaiba yung pagkakabanggit niya sa word na father. Parang lason ang dating nito. Ano ba 'yan, masyado naman akong malalim mag-isip. Pero napaisip ako sa tanong niya. Alam ko naman kung bakit siya nagtatanong. Based sa mga kwento ni North and sa nakita kong reaction ni South noong last time na nag-open siya about sa tatay niya.
How's my relationship with my father? Napatawa na lang ako ng mahina. Ano nga ba? He used to be the best father when I was a kid. He may not be perfect but for me, he is. Pero siguro, ganoon talaga kapag lumalaki ka na. Nagbabago yung priorities natin, habang lumalaki tayo ay lumalaki rin yung mundong ginagalawan natin at mas lumalawak yung responsibility na mayroon tayo. Simula no'n, ayon na, unti-unti siyang nagiging...ano bang tamang term?
Tyrant?
Dictator?
Ewan ko. Basta ang alam ko, gusto niyang kunin ko yung responsibilidad na alam kong hindi naman talaga para sa akin. Doon nagsimula yung pagtatalo namin. Isa na rin 'yon sa reason kung bakit pinili kong magturo sa university na malayo sa kanila. Nami-miss ko sila, pero, ito na, eh.
"Siguro, masasabi kong normal lang yung relationship namin ni Papa." Sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa mga kalalakihang naglalaro ng basketball sa malayo. "Alam mo na, hindi maiiwasan yung magtatalo kami kasi magkaiba kami ng gusto. Pero dadating din naman na magkakaayos kami ni Papa. Alam ko iyon." Napangiti ako. "Maiintindihan din niya ako. Ikaw? Okay lang bang magtanong?"
"Nagtanong ka na." Medyo sarcastic at mataray na sagot niya. Napa-face palm na tuloy ako. Nakakaasar, eh!
"Bakit ayaw mong sumama mag-church?" I asked instead. Gusto ko sanang itanong yung tungkol sa Dad niya, kaso nasa public place kami. Baka kung ano pang makita kong reaction niya. Medyo natatakot din ako, eh. Lalo na't ang hirap niyang i-decipher.
"Hmm," Nagkibit siya ng balikat at nagpatuloy sa ginuguhit. Saka ko lang na-realize na yung view sa harap namin ang iginuguhit niya. "I just don't want to."
"Bakit?"
"I don't find it necessary."
Medyo nagulat ako sa way ng pagkakasabi niya. Seryoso ba siya? Ako, tinatamad lang ako, pero hindi naman iyon sumagi sa isip ko.
"Don't get me wrong. I'm not an atheist." Pagtatama niya sa sarili. "I just don't find it really amusing." Walang ganang sabi nito. I mean lagi namang monotone yung boses niya kapag kausap ako. "You may find it offending, or rude, or something negative you can think of. But...well, I guess I'm agnostic."
"Oh," Tanging nasabi ko na lang. Hindi iyon sarcastic. I was just...rendered speechless.
"I do believe that there's someone out there, unreachable, and surely the most superior to us. I guess that's enough that I believe about that being. That's enough that I know how to communicate with that higher one in my own ways." Huminga siya ng malalim. "At isa pa, I can't handle crowded places well."
Napatango na lang ako. Wala, eh. Tameme. Ang haba ng sinabi niya and it's a rare opportunity!
"But if ever someone will be able to convince me to take my time going to church and praise that entity," Tumaas ang kaliwang kilay niya. "I'll give that person a round of applause."
Napatitig lang ako sa kanya. Swear, hindi ko alam yung sasabihin. Parang ang hirap lang i-absorb. Pero isa lang ang alam ko, hindi ako yung taong makakapag-convince sa kanya.
"Ang daldal mo." Nasabi ko na lang bago pisilin yung ilong niya. "Cute."
Kumunot ang noo niya. Tinapik niya yung kamay ko palayo bago muling nag-focus doon sa ginuguhit niya. Ang bilis ng galaw ng kamay ni Bata. "Hindi ako cute."
Napatingin ako sa mukha niya at napangiti ako ng matamis. Mabilis na namula ang pisngi niya. Siguro dahil sa ginawa ko? Or sa sinabi kong cute siya?
Ah, basta! Nagba-blush! Namumula si South Hansen and I'm super sure na hindi iyon dahil sa init ng panahon! Kinikilig ako. Feeling teenager. "South, may crush ka?"
Hindi siya sumagot. Unti-unti na ring bumalik sa normal na color yung cheeks niya. "South."
"Maingay ka."
"May crush ka nga?" Tanong ko ulit. Dapat mapalitan ko na sa isip niya kung sino mang crush ang meron siya!
Mas maganda kaya ako, matalino, at magaling! Being her crush is one of the steps para magustuhan niya ako. Pero wala pa talaga akong steps.
Tumingin siya sa akin ng matagal. "Si Race."
Napairap ako. Nakakainis. Oo nga pala, nasabi na niya iyon sa akin. "Wala nang iba?"
"Wala."
"Nagka-boyfriend ka na?"
Napahinto siya saglit sa ginagawa pero muling nagpatuloy. "Hindi."
Hindi na ako nagtanong pa.
Why do you need to lie, South?
_____
BINABASA MO ANG
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...