Chapter 10

26.4K 1K 226
                                    

Tempted

--

"Anong ginagawa mo?"

Pinagmasdan ko ang dala-dala niya. Isang Canson sketchpad, mechanical pencil, sets of charcoal pencil, charcoal powder, pencil na hindi ko alam ang tawag, a scrap of paper, tape and scissor. Hindi siya nakatingin sa'kin at patuloy lang sa pag-r-roll no'ng papel hanggang sa matapos ito, nilagyan ng tape ang dulo at tiningnan-tingnan kung maayos ba or what. Mukha siyang pen. Kumuha ulit siya ng papel at ginawa 'yong katulad no'n.

"I'm making an improvised blending stump," Walang tingin na sagot niya sa'kin.

"Blending stump? Ano 'yon?" Seriously, minsan nakaka-alien yung mga lumalabas sa bibig niya.

"Blending stump is used for smudging. Look," Pinakita niya sa'kin yung natapos na niyang blending stump daw. "You can make one in different sizes, each one can be used according to your own convenience."

Tumangu-tango na lang ako. Pero sa totoo lang, wala akong naintindihan. Sorry naman, isa lang akong magandang professor na walang alam sa arts.

Nang makagawa siya ng tatlong blending stump ay saka niya binuksan ang pahina ng sketchpad, mukhang bago lang iyon kasi wala pang laman. "Ilang sketchpad meron ka?" Natanong ko na lang.

"I have..." Napatingin siya sa kamay, mukhang nagbibilang pa. "I have twelve sketchpads."

"Dami, ah. Kailan ka pa nagsimulang mag-drawing?" Sige na, dadaldalin ko na si Bata. Mukhang good mood, eh.

Napangiti naman siya ng tipid. "Noong kalagitnaan ng grade six. Nagd-drawing ako dati sa mga bond paper noon. Eh, nawawala ko, kaya bumili na 'ko ng sketchpad."

Tumahimik na lang ulit ako kasi mukhang magsisimula na siya. Kinuha niya yung light charcoal pencil na Derwent ang tatak at nagsimulang gumuhit. Taray, hindi ko alam 'yong Derwent, nabasa ko lang. Faber Castell lang alam ko, eh.

Pinanood ko lang siya kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin niya. Tiningnan ko ang seryoso niyang mukha, medyo napapaawang ang labi niya kapag parang nadadala siya sa ginagawa, tapos ay ititikom niya rin agad.

Ang ganda ng lips ni Bata, hindi siya gano'n kapula pero ang pinkish ng dating nito, medyo manipis din at maganda ang korte.

Dumako ang tingin ko sa mata niyang asul na asul kahit nasisinagan ng araw na pinaresan ng makapal na kilay at mahabang pilik-mata. Bagay na bagay sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang ilong, matangos pero sakto lang. Parang perfect nga, eh. Hindi kasi sobrang tangos na katulad sa iba, maliit kaya ang cute tingnan. Napatingin siya sa'kin kaya nagbaba agad ako ng tingin.

Kung kanina ay sa mukha, ngayon naman yung kamay na niya ang pinagnanasahan ko. Pinagnanasahan talaga, Jade? Hindi pwedeng nagagandahan lang? Bakit kasi parang kandila sa ganda yung kamay niya?

Napakunot siya ng noo nang kunin ko ang kanang kamay niya at hinawakan, pinagsalikop ko ang mga daliri namin. Ewan ko kung sinong miyembro ng kadiliman ang sumapi sa'kin pero gusto ko talagang hawakan ang kamay niya.

"Trip mo?" Tanong niya sa'kin, may kasama pang pag-arko ng kilay.

Binitawan ko na yung kamay niya at tumikhim. "W-wala. Ang lambot kasi ng kamay mo."

Nagsalubong na naman ang kilay niya sa sagot ko. "Malambot din naman ang kamay mo."

"Talaga?"

"Hmm."

Pasimple kong tinakpan ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko para hindi niya mapansing napapangiti ako.

Malambot daw kamay ko!

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon