Chapter 16

23K 928 36
                                    

Denial

--

"Pakihinto na lang po sa tabi, manong."

Kaagad din namang huminto ang taxi na sinasakyan ko pagkatapos nitong makapag-park sa gilid. Inabot ko '
yung bayad sa kanya at nag-thank you, mabilis din itong umalis. Napatingin ako sa relong suot ko, 11pm na.

Pinilig ko ang ulo dahil sa hilo. Shit. Mukhang tinamaan na talaga ako kay Pareng Empi. Napadami kasi ang inom, eh, hindi ko na namalayan. Buti na lang kinaya ko pang umuwi. Si Yuka naman hinatid ko pa sa room niya para matulog na. Mabuti nahatid ko pa siya kahit na nalabo na yung vision ko.

Napatingin ako sa malaking bahay sa harap ko. "Sana tulog na si North."

Dahan-dahan kong binuksan yung gate, may susi naman nila ako kaya hindi ako natatakot na matulog dito sa labas. Shit. Normal pa ba iniisip ko? Feeling ko magnanakaw ako dito, eh. Napahagikhik ako nang mabuksan ko na ng tuluyan ang gate.

"Yay, success—aray." Daing ko nang matapilok ako. Hah! Lampa mo, Jade!

Matagumpay akong nakapasok sa loob ng bahay na walang nakakakita sa'kin kahit na pagewang-gewang na yung galaw ko. Feeling ko nasusuka ako.

"Ma'am?"

Mula sa malawak na sala ay nakita ko ang taong palaging gumugulo sa isip ko. Automatic na nag-stretch ang labi ko para ngumiti. Lalo yata akong nahilo nang makita ko siyang naglakad palapit sa'kin. Emotionless na tumingin siya sa mukha ko. Ngumuso ako at hinawakan ang mukha niya. "Ngiti naman." I said in a slurring tone.

Kumunot ang noo niya. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at ibinaba ito. Humagikhik naman ako at hinigpitan pa ang kapit sa kamay niya. "Lambot naman." I chuckled.

"Amoy alak ka." Sabi niya lang bago ako hilahin. Muntik naman siyang masubsob nang umakbay ako sa kanya bigla. Ay, nalimutan kong maliit si South. "Ano ba?"

Tumawa lang ako. Inaantok na 'ko.

"Bakit ba kita tinutulungan?"

"Kasi love mo 'ko?" Masayang sagot ko pero umismid lang siya. Ang bigat ng ulo ko, matatanggal na yata.

South! Saluhin mo 'ko!

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko ay kaagad niyang pinihit ang doorknob ng pinto ngunit mukhang naka-lock ito. Oo nga, naka-lock nga. Ni-lock ko bago umalis.

Sinimulan na akong kapkapan ni South na parang security guard sa mall. "South, ano ba 'yan."

"Susi."

"Kinain ko na." Tawang sagot ko at kinapkapan din siya. Tinapik niya ang kamay ko palayo at tiningnan ako ng masama. Yumakap na lang ako sa leeg niya kahit na ang sagwa tingnan. Hello, tangkad ko kaya.

"Ma'am. Baliw ka na." Malamig na sabi niya.

"Baliw sa'yo." Bulong ko at pumikit na lang. Ang sarap naman yakapin nito...

South, pwede maging unan ka na lang? Para pwede kitang ikulong sa room ko at yakapin sa kahit na anong oras.

Namalayan ko na lang na hinihila na niya ako hanggang sa makaramdam ako ng malambot na kama.

"Hoy, bitawan mo yung leeg ko." Utos nitong batang katabi ko.

Umiling ako at hinila siya pahiga kaya napunta siya sa ibabaw ko. Babangon pa sana siya pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap sa leeg niya. "Huwag kang makulit."

"Ikaw ang makulit."

Hindi na ako sumagot at nilanghap na lang ang amoy na nanggagaling sa mattress at unan na gamit ko. Amoy South...ibig sabibin kwarto niya 'to.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon