Chapter 23

24.9K 1.1K 324
                                    

Lips Will Tell

--

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero naalimpungatan na lang ako bigla. Ewan ko rin pero kaagad na lang din nawala ang antok ko.

Pumasok sa isip ko si North. Mabuti na lang at tumigil na siya sa pag-iyak kanina at kasabay no'n ay ang pagkalma niya. Naalala kong humingi pa siya ng sorry kasi raw ang drama niya. I told her it's fine, at isa pa, kailangan niya iyon.

Napabuga na lang ako ng malalim na hininga. Nami-miss ko na naman yung little sister ko. Hanggang ngayon hindi ko pa nare-reply-an si Mama. Gusto niya kasi akong pauwiin. Hay. Maybe I'll visit them one of these days. Miss ko na rin naman sila ng sobra, eh.

Bumangon ako nang makaramdam ng pagkauhaw. Pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto at nag-uunat na naglakad papuntang kusina. Pagkarating ay mabilis akong uminom ng malamig na tubig. Medyo nabuhayan pa ako nang gumapang ang lamig nito sa lalamunan ko pababa sa tiyan.

Wait. Dumiretso akong sala para silipin ang oras sa wall clock. 2:56 ng madaling araw. Nakauwi na ba si South?

Malalim na kasi ang gabi nang makatulog ako pero wala pa rin siya. Sabi niya maggagala siya. Hindi kaya nag-camping nga talaga iyong batang 'yon katulad ng naisip ko? Eh, saan naman iyon magka-camping? Nakakabaliw na bata.

Mabilis akong naglakad pabalik at sinilip ang kwarto ng wirdong bata. Mukhang hindi na ako mahihirapan. Ngayon ko lang napansin na nakaawang pala ang pinto nito at bukas pa ang ilaw. Okay...

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni South at dahan-dahan din itong isinara. Nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng silid. Wala namang bago. Nandoon pa rin iyong study table, tumpok ng libro at notebook, canvass material, everything is in place pa rin naman.

Dumako ang tingin ko sa kama at ayon, payapang natutulog ang babaeng halos buong araw kong hindi nakasama. Parang mabilisan itong nahiga at nakatulog dahil nasa sahig na 'yung kumot niya. Sa gilid naman ng kama ay tahimik na nakasandal ang backpack na ginamit nito. Napailing na lang ako. Mukhang napagod talaga siya sa paggagala.

Naglakad ako palapit at malumanay na naupo sa gilid ng kama niya. Hindi ko napigilang magpakawala ng malalim na hininga. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko kasi nakita ko siya, nandito, natutulog ng mahimbing.

Kasi sa totoo lang...na-miss ko agad itong babaeng 'to.

South, ang galing mong magpa-miss.

Hinaplos ko yung buhok niya at napangiti. "Bata ka, nag-alala ako sa'yo." Parang sirang bulong ko. Hindi naman niya ako naririnig kaya okay lang na kausapin siya. "Mukha ka pa namang magka-camping kanina." Nag-sigh ulit ako.

Buti na lang talaga nandito siya.

Bumaba ang kamay ko sa noo niya at nilaro ang daliri ko rito. Bumalik kasi sa isipan ko iyong paghalik ko noon sa noo niya. Kakilig! Pero mas nakakakilig iyong paghalik niya sa noo ko. Ang lambot ng lips niya, that's for sure. Napadpad ang kamay ko sa pisngi niya at dinama ang lambot at pagiging smooth nito. Aw, baby faced talaga. Wala man lang pimple or anything. Pigil ang panggigigil na kinurot ko ang pisngi ni Bata at napangiti sa sarili ko. Yay, achieved!

Gamit ang daliri ay dinama ko rin ang makapal ngunit magandang kilay nito. Tantsa ko ay never niya pa itong napagalaw, pababa sa mahabang pilik-mata niya. Aakalain mong twenty four hours itong naka-mascara dahil sa kapal nito. Dumausdos naman ang daliri ko sa maliit ngunit matangos niyang ilong, and lastly, sa mga labi nito.

Napalunok ako. Napatitig.

Medyo nakaawang ito at ramdam ko yung mainit niyang hininga. Wala sa sariling na-trace ko ang hugis at korteng ng lips niya at parang mababaliw yata ako sa lambot at pagka-pinkish ng kulay nito. "South..."

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon