Chapter 1

9.5K 156 2
                                    

Cassandra Delos Reyes

"Come on, Miss Fuentabella. Your father is waiting for you." matigas na sabi nung lalakeng malaki ang katawan.

"Hindi ako si Tori Fuentabella!" inis kong sabi sa mga lalakeng kaharap ko pero hinila lang nila ako papasok sa isang opisina na walang katao-tao.

Nilingon ko si Bella na kasalukuyang nagngangatngat ng kuko habang nakatingin saakin at sa cellphone niya. Mukhang tinetext niya si Tita Mileya.

"Isabella! Halika nga dito!" sigaw ko at naglakad palapit sa bestfriend ko.

Bago pa ako makalapit ay hinila ako pabalik nung lalakeng matangkad.

Inis akong umupo sa sahig.

"Hindi ako sasama pag di ko siya kasama." matigas kong sabi.

Wala akong pakialam kung sabihin nilang baliw ako.

Nakita ko namang sumenyas yung parang leader nila na dalhin na si Bella sa tabi ko.

"Bella! Anong gagawin ko!?" kinakabahan kong tanong.

"Sigurado kaba talagang hindi ikaw si Tori Fuentabella?" natatarantang tanong niya sakin kaya kinurot ko siya sa tagiliran

"Ano ba? Hindi nga kasi ako yun! Jusko naman Bella! Halos sabay tayong lumaki. Magkasama na tayo nang halos labing-walong (18) taon! Tapos yung hinahanap nila, nawawala ng isang linggo. Jusko nawala ba ako sa tabi mo ng ganun katagal?" pabulong kong sigaw.

Napakagat nalang siya ng labi at tinignan ako gamit ng kanyang wala-akong-magagawa-look.

Napabuntong hininga ako at naupo nalang sa sofa na nasa tabi namin.

Napatigil ako sa paghinga nang may lalakeng naka-business attire ang lumitaw sa harapan ko.

Katamtaman ang laki ng katawan niya at seryosong-seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin saakin.

"I've been looking for you for almost a week, young lady!" malakas niyang bigkas na naging dahilan ng panginginig ng katawan ko.

Autoridad ang sinisigaw ng kanyang mga salita. Napakagat ako ng labi at unti-unting tumatayo mula sa kinauupuan ko.

Nakita ko ang pagtingin sakin ni Bella na para bang natatakot siya.

"H-hindi po ako si Tori Fuentabella." mariin kong sabi sakanya.

"Then who are you?"

"Ako si Cassandra Delos Reyes."

Pagkabigkas na pagkabigkas ko nang katagang iyon ay umalingawngaw ang halakhak niya sa buong kwarto.

Kasunod noon ay ang pagyakap niya saakin ng sobrang higpit.

"Bakit ba hindi ka nagpapaalam kay Daddy, princess? Hindi mo ba alam kung gaano kami nag-alala ng Mommy mo?"

Unti-unting nawala ang takot na nararamdaman ko.

Naalala ko bigla si Papa. Kahit kailan hindi niya ako niyakap. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

"Don't cry, my daughter. We'll go home now. You need to rest." nakangiting sabi niya at nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto.

Napatingin ako kay Bella.

"Ang swerte ng totoong Tori Fuentabella. Ang swerte rin ng isang Cassandra Delos Reyes." nakangiting sabi niya.

Wala na akong mga magulang. Si Papa lang ang nakilala ko ngunit namatay siya noong mag-15 ako. Pero kahit gaano siya kalupit saakin ay nalungkot ako nang mamatay siya. May kaya rin naman kasi kami. Siya ang nagpapaaral saakin. Si Isabella Fiestine naman, ang bestfriend ko ay ulila na rin dahil iniwan siya ng Mama niya noong bata pa siya. Halata namang may kakaiba sa apilyedo niya dahil half Spanish ang tatay niyang hindi niya pa nakikita. Kumpara saakin ay mas may kaya sila ng Tita niya. Kapitbahay ko rin siya. Nakilala ko lang siya dahil magkaklase kami simula noong elementary kami.

Dahil nga wala na si Papa ay kinupkop ako ng Tita Mileya niya at siya rin ang nagpapaaral sakin ngayon.

Napatingin ako sa paligid at sa bestfriend ko. Siguro nga blessing ang pagkakawala ni Tori Fuentabella para saakin. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit magkaparehas kami ng mukha?

--to be continued--

A/N: Tori Fuentabella/Cass Delos Reyes' picture on the media viewer.

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon