Xavier Estates High
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ang malaking portrait ni Tori Fuentabella sa wall ng kwartong tinutulugan ko.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami magkamukha. Imposible namang kambal kami 'di ba? Tsaka wala naman siyang kambal na sinasabi ni Mommy.
Dalawang linggo na ang nakakalipas. Nasanay na rin akong tawagin si Mr. and Mrs. Fuentabella na mommy at daddy.
Ngayon ang unang araw ko sa eskwelahang tinutuluyan ng mga pinsan ni Tori.
Ang Xavier Estates High o kadalasang tinatawag na Estates o States.
Pangarap ko talaga dito mag-aral. Pero ayoko nang atensyon ng ibang estudyante. Sa dati kong eskwelahan, si Bella lang talaga ang kasama ko dahil ayokong makipag-plastikan sa iba.
Binubully kasi nila ako. Oo. I'm a victim of bullying. Kaya medyo ilap ako sa mga estudyante. Sa Estates kaya bubullyhin nila ako?
Napailing nalang ako. Bahala na. Wala naman na dun si Freya. Si Freya Alonzo ang babaeng... kinakatakutan ko. Siya lagi ang nagiging dahilan ng pambubully saakin.
Hindi ko alam kung bakit parang na-trauma na ako sakanya. Kaya naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko.
Gustuhin ko man. Pero natatakot ako. Ewan ko ba. Siguro pinanganak akong mahina. Weak. Loser kumbaga.
Tinanggal ko ang mga bagay sa isipan ko at napagdesisyonan ko nang bumaba. Doon ay naabutan ko ang driver naming si Mang Juan.
"Ma'am tara na po?" tanong niya.
"Sige po. Papaalam lang po ako kila Mommy." nakangiti kong sagot.
Dumiretso ako sa salas at naabutan ko si Mommy at Daddy na masayang nagk-kwentuhan.
"Mag-ingat ka, hmm? Kumain ka 'pag lunch." paalala ni Mommy.
Tumango naman ako.
"Ang ganda ganda talaga ng prinsesa namin." natatawang sabi ni Daddy kaya napanguso ako.
Napalapit ako sakanila ng ganito. Naramdaman kong nabuo ang pagkukulang sa pagkatao ko.
Sumakay na ako sa sasakyan at nagdire-diretso na kami sa Estates High. Pero bago makarating doon ay ipinadaan ko muna ang sasakyan sa bahay nila Bella dahil maaga pa naman.
"Ang ganda mo, Cass! Mukha kana talagang mayaman!" natatawang puri ni Bella saakin.
Agad ko naman siyang sinimangutan, "Namimiss ko kayo."
Agad naman niya akong yinakap at pagkatapos 'nun ay tinulak niya na ako palabas ng bahay nila dahil daw baka ma-late ako. Nginitian ko nalang siya at kumaway. Bibisita ako pag nagkaroon ulit ako ng oras.
**
"Welcome back to Xavier Estates, Miss Fuentabella!" rinig kong bati nung guwardiya sa may gate.
Tinanguan ko naman siya.
Naglakad ako sa mahabang pasilyo ng Estates High at napansin kong tinitignan ako ng mga estudyante.
Umiwas ako ng tingin dahil napaparanoid na naman ako. Baka bullyhin din ako.
"Tori!"
Nilingon ko ang babaeng pinanggalingan ng boses at nakita ko si Primrose na kumakaway saakin.
Tumango ako at tumakbo siya papalapit saakin. Sinabi saakin ni Mommy na mahilig tumango si Tori-- ang tunay na Tori.
Nagsimula na kaming maglakad at maya-maya pa'y nakaramdam ako ng dalawang mabibigat na kamay sa balikat ko.
Nilingon ko silang dalawa. Pasipol-sipol si Sandro sa kaliwa ko samantalang ngiting-ngiti naman si Drake sa kanan.
"Ang bigat." pagpaparinig ko sakanilang dalawa.
"Buti naman at alam mong mabigat ka. Hay. Wag ka ngang masyadong kumain. Tababoy." natatawang wika ni Sandro.
"Sandro. Let go. Ako nauna." ani Drake.
Napansin ko ang matalim na tinginan nila sa isa't-isa. May alitan ba sa dalawang 'to?
"Hindi. Ako eh. Ako unang nakilala." pa-cool na sabi ni Sandro
Inis ko silang tinignang dalawa at nagulat nalang ako nang hilain ako ni Prim palayo sakanila. Naramdaman ko nalang na nasa loob na kami ng malawak na classroom.
"Ipapaalala ko lang sa'yo lalo na't wala kang maalala. Talagang hindi magkasundo yang dalawang 'yan simula pa noong pinakilala mo samin si Drake." bulong niya at hinila na ako sa isang magkatabing upuan.
Napansin ko ang tinginan ng mga kaklase namin sa akin. Nanatili akong tahimik at tinignan sila ng walang kaemo-emosyon.
"Tori, kamusta?"
"Na-amnesia ka pala?"
"Alam mo bang hindi kami sanay nung wala ka?"
"Wala kasing nagsusungit."
Napaawang ang bibig ko. Akala ko ba walang kaibigan si Tori? Yun ang sabi ni Mommy eh.
"Akala ko ba kayo lang ang kaclose ni--ko dito?" bulong ko kay Prim
"Hahahaha. Di mo naman sila close. Pero sa room na 'to, pamilya ang turing natin sa isa't-isa. Pero syempre. Hindi naaalis ang away minsan." paliwanag niya.
Maya-maya pa ay dumating na si Drake at si Sandro na may mga ngiting-abot tenga.
Tinignan ko sila nang seryoso at laking gulat ko nang mag-abot si Drake ng chocolate habang nag-abot naman si Sandro ng panyo.
"Anong gagawin ko dyan?" pagtataray ko.
Kailangang karee-reen ko muna ang pagiging maldita ni Tori. Mahirap na.
"Kainin mo 'to, Torkey." nakangiting sabi ni Drake.
Sunod kong tinuon ang tingin ko kay Sandro, "Kainin mo rin." sabi niya na naging dahilan ng paghagikgik ni Prim sa tabi ko. Tsk tsk. Pilosopo.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...